Paumanhin

52 6 0
                                    

Hindi naman natin masasabi
Kung tama ang mga nanggagaling sa'ting labi
Tama kayang humingi ng paumanhin
Ako kaya ay kayang patawarin

Bakit ba tayo nagkakasala
Parte ba ito ng plano ni Bathala
Bakit ba ako nanghihina
Hindi naman ito ang sariling aking nakilala

Teka, mahirap nga ba?
Mahirap bang sabihin ang tama
Maaari ko bang subukan
O baka naman ako lang ang masasaktan

Kasalanan ko bang naging torpe ako
O baka naman natatakot lang talaga ako
Marahil ay mahal kita
Kaso baka sa unang salita ay mawala ka

Life Poem CollectionsTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon