Muntik Na

64 6 1
                                    

Nais kong malaman mo
Nitong nakaraan lang, muntik na akong magbago
Mula sa demonyo patungo sa isang santo
Lahat ng ito, nangyari dahil sa iyo

Yung tipong tuwing nakikita kita
Napagtatanto ko ang mga gawain kong masama
Tinuring kitang insprirasyon
Tungo sa makabagong buhay na sana magsisimula ngayon

Ngunit lahat ng ito ay nagbago
Mula noong ipinaramdam mo sa akin na wala akong halaga sayo
Mga plano ko sa buhay ay naglaho
Napa-isip ako, dapat bang baguhin ko ang totoong ako ng dahil lang sayo?

Muntik na akong magbago
Ngunit salamat nalang at nanatili akong totoo
Hindi ka naman kawalan sa buhay ko
Ang masasabi ko lang sayo, tangina mo

Life Poem CollectionsTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon