W R A P P E D

149 8 13
                                    

Feel free to correct my wrong grammars. Thank you.

-----------------------------------------------------------------------------

"Hindi naman talaga naging sila nag assume lang iyong babae"

Pag pasok ko ng locker room ay nakuha ko agad ang atensyon ng dalawang babae. Parehong napatigil ang mga ito sa pag-uusap. Mukhang mas mataas ang grade level nila sa akin dahil sa uniform na kanilang suot grade 12. Nakagat ko ang aking pang-ibabang labi bago tumungo para hanapin sa bag ang susi ng locker ko. Ilang saglit ay nagpatuloy ang usapan nila.

"Ang alam ko ay naging sila dahil iyon ang kumalat na balita. Lagi ko kaya silang nakikitang magkasama!"

Halos sigaw iyon na parang may ipinaglalaban.

Ramdam ko ang tingin ng mga ito kaya medyo naiilang na nag-angat ako ng tingin hawak na ang susi. Hindi ko alam kung iintayin ko ba silang umalis o ano bago ko buksan ang locker. Kaya nilingon ko muna sila, busy ang mga ito sa paglalagay ng kani-kanilang libro habang sumusulyap sa aking pwesto mukhang mamaya pa sila dahil habang ginagawa nila iyon ay nag-uusap ang dalawa. Nakahinga ako ng maluwag.

"Oo nga at laging magkasama pero hindi naman ibig sabihin non ay mag on na sil-

Pagkabukas na pagkabukas ko ng locker ay napapikit ako ng mariin. Nakaramdam ng hiya lalo na nang mapatigil iyong isang babae sa sasabihin dahil napalingon siya sa pwesto ko kung saan sumabog mula sa loob ng locker ko ang sangkaterbang mga sulat at ilang chocolate na mukhang pinagsiksikan sa loob. Nalaglag ang mga iyon sa paanan ko na naglikha ng tunog. Mukhang pati iyong dalawang babae ay nagulat at hindi makapaniwala sa sobrang daming nagkalat sa sahig.

Nanginginig ang mga kamay na nilimot ko ang mga iyon. Bago nag mamadaling ilagay ang mga notebook ko sa loob ng locker para makaalis na pero hindi iyon nagkasya dahil sa iba't-ibang uri ng papel na ginawang love letters na nakasuksok pa sa loob. Meron pa pala?

Wala akong nagawa kundi tagtagin ang lahat ng iyon hindi ko alam kung paano nila nailalagay yon. Oo nga at may maliit na butas ang bawat locker, kasya para sa mga sulat na inilalagay nila pero iyong mga chocolate ay hindi ko alam kung paano nila nailalagay sa loob.

Nakarinig ako ng pag tikhim nahihiyang nag-angat ako ng tingin nakatutok sa akin ang dalawang pares na mga mata. Hilaw akong ngumisi.

"Uhh... naabala ko b-ba kayo? Sorry"

Mahina ang boses ko pero sinigurado ko na maririnig nila iyon.

Nagmamadali kong inilagay sa bag ang ilang chocolate habang ang sangkaterbang mga papel ay hawak ng aking mga kamay.

Sa sobrang hiya ko ay umalis ako sa locker room ng hindi na muling nilingon ang dalawang babae.

Naglakad ako papuntang cafeteria. Nauna na sa akin si Cadits, ang kaibigan ko. Kanina pang lunch break pinauna ko na siya dahil dadaan pa ako ng locker room. Mainipin kasi ang isang yon.

Pagpasok ko ng cafeteria ay ingay agad ang sumalubong sa akin at agad kong napansin ang mahabang pila. Agad hinanap ng mga mata ko ang table kung nasaan ito. Pero hindi ko siya makita sa dami ng mga estudyanteng naglalunch. Kukunin ko na sana ang phone ko para itext ito ng may tumawag ng pangalan ko. Noong una ay hindi ko mahanap kung saan nanggaling iyong boses kaya nang itaas nito ang kamay at muling sumigaw ay nagtagpo ang mga mata namin ni Cadits.

WrappedTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon