1

72 4 8
                                    

Ramdam ko ang init na tumatama sa aking balat. Ang pawis sa aking noo ay ramdam ko ang pamumuo.

"Ano na tangina grade 9 na tayo napaka kupad mo pa ring kumilos!"

Hindi na nakatiis si Cadits at hinawakan na ang palapulsuhan ko para higitin. Sobrang daming estudyante ang nagkalat sa paligid. Unang araw kasi ng pasukan at nagmamadali ang lahat para hanapin ang kani-kanilang section.

Panay ang hingi ko ng sorry sa mga nabubunggo namin. Hindi ko alam kung saan ba ako dadalhin ni Cadits kaya nagpapadala na lang ako sa higit nito. Siya namin kasi ang nakipag siksikan sa bulletin board para makita ang section namin.

Medyo hinihingal na ako sa bilis ng lakad ni Cadits pero ayaw kong magreklamo dahil sigurado akong sisinghalan lang ako nito.

"Sana talaga hindi natin kaklase iyong mga maaarteng nasa kabilang section noon. Ayoko mahighblood araw-araw"

Biglang saad nito ng tumigil kami sa isang pinto. Mukhang dito na ang classroom namin. Nakasara iyon kaya hindi pa namin kita kung sino-sino ang nasa loob at kung may teacher na ba.

"Buksan mo na"

Rereklamo pa sana ako kung bakit ako ang magbubukas pero nang makita ang nakataas na kaliwang kilay at mataray nitong mga mata ay wala akong nagawa at hinawakan na ang sedura ng pintuan bago iyon pihitin. Nauna akong pumasok ramdam ko namang sumunod sa akin si Cadits. Iniuli ko ang paningin sa loob para humanap ng pwede namin maupuan ni Cadits. Buti at wala pang teacher.

"Ayoooon! Mukhang binigay ni lord ang hiling mo Julian kaklase nga natin!"

Hiyaw ng isang lalaki doon sa dulo at siniko siko pa yung braso ng katabi. Napabuntong hininga ako ng wala akong makitang extra chair.

Lalabas na sana ako para kumuha sa kabilang room ng may sumigaw ng pangalan ko.

"Shyks! Meron pa dito lika dito girl!"

Nakita ko si Xeena na kumakaway at itinuro sa akin ang isang extra chair na nasa tabi niya. Lumapit ako sa pwesto kung nasaan ito.

"Dito ka na lang sa tabi namin"

Saad ni Friana at pinunasan pa ng tissue iyong upuan na para sa akin. Ngumiti ako

"Iisa na ba? Kasama ko kasi si Cadits"

Tanong ko at itinuro si Cadits na nasa may pintuan pa rin kakwentuhan iyong mga kaklase namin dati. Nakita ko kung paano itong umirap kung nasaan si Cadits pagkatapos ay muling inilipat sa akin ang paningin at pilit itong ngumiti.

"Wag mo nang alalahanin iyong babaeng yun. Sabi ko naman sayo diba sa grupo ka na lang namin sumama. Hindi bagay sa isang katulad mo ang sumasama sa kagaya ni Cadits. Walang breeding ang babaeng iyo—"

"Kung wala kukuha na lang kami sa kabilang room salamat"

Paalam ko at tinalikuran na ito, lumapit ako sa kaibigan kong busy pa din sa pakikipag-usap. Sinulyapan lang ako nito at nagpatuloy ito sa pakikipag-usap.

"Palagi namang hindi dumarating ang mga teacher sa unang araw kaya aalis na rin kami"

"Oo nga! Magkakalahating oras na nga kaming naghihintay. Saan ba ang punta niyo?"

"Diyan lang sa cafelatté"

Sagot ni Cadits.

Ngumiti si Mica sakin kaya sinuklian ko din iyon.

"Saan mo pinatahi ang bagong uniform mo Shyks? Ang ganda ng fitting!"

Dagdag nito at hinawakan ako sa aking balikat para iikot at makita ang kabuuan ng suot kong uniform.

WrappedTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon