6

3 0 0
                                    


"Ang sabi ng kabilang section nag volleyball daw sila noong Martes"

"Talaga? si Sir Jamis din ba ang teacher nila sa PE?"

"Oo kaya baka volleyball din ang gawin natin ngayon"

"Nakaka excite naman!"

Rinig kong usapan ng grupo nina Friana bago naunang tumakbo patungong locker room. Samantalang ako ay tamad at nakasimangot na nakasunod kay Cadits at sa ilan naming kaklase para magpalit ng pamPE.

"Cad?" Kuha ko sa atensyon ng aking kaibigan.

"Tingin mo papayag kaya si Sir Jamis na hindi ako maglaro?" Tumaas ang kaliwang kilay nito.

"Subukan mo mamaya pag nasa gym na tayo" tumango ako, bago buksan ang aking locker.

Napangiti nang makitang tanging isang pirasong libro na lang ang andoon at ang maayos na nakatuping PE uniform. Wala ng kahit anong papel o tsokolate sa loob. Nung kabilang linggo kasi ay nakiusap ako sa principal kung pwedeng palitan ang lock at harangan ang butas niyon mabuti at pumayag ito at sinabing iuutos na lamang niya sa mga nasa maintenance.

Agad kaming dumiretso patungong comfort room para magbihis. Nang matapos ako ay pinasadahan ko ng daliri ang aking buhok habang hinihintay matapos si Cadits. Nang sa wakas ay lumabas na ito ay sabay na kaming naglakad papuntang gym.

Nang tuluyan ng makapasok ay agad kong nakita ang mga kaklase naming nakahilera at mukhang excited sa gagawing pag wawarm-up. Napabuntong hininga ako sa kawalan ng gana. Dahil siguradong kasunod na niyon ay hahatiin na sa dalawang grupo kaming mga babae ganun din ang mga lalaki para sa larong volleyball.

Habang nagsasalita si sir sa unahan pinapaliwanag ang mechanics ng laro na kung sino ang mananalong grupo na may mas mataas na puntos ay siyang makakuha ng mataas na grado. Nang simulan na ni sir Jamis mag grupo ay napunta ako sa grupo nina Friana samantalang si Cadits ay sa grupo ng mga dati naming kaklase, sina Mica.

Bukod ang laro ng mga babae sa mga lalaki. Binigyan muna kami ni sir ng limang minuto para pag-usapan ng grupo kung sino ang first six na lalaro. Yun ang kinuha kong pagkakataon para lumapit kay sir na nakatayo sa gilid ng net. Agad kong nakuha ang atensyon nito.

"May problema ba miss Alejo? Bakit wala ka sa grupo mo?" maarte at may pagpilantik pa ng daliri na tanong sa akin ni sir.

"Ah sir... pwe-pwede po bang hindi s-sumali sa laro?" tanong ko, dahilan nang pag kakakunot ng noo nito.

"Bakit?" Nangapa ako ng isasagot halos hindi makatingin nang diretso sa mga mata niya.

"I see ikaw yung tipo ng bata na ayaw pagpawisan" Napayuko na lamang ako dahil totoo naman iyong sinabi niya.

At isa pa ayokong umuwi ng madungis at naliligo sa saring mga pawis ayokong mapagalitan ako nina mommy.

"Kung hindi ka lalaro ay wala kang grado na makukuha sa akin Miss Alejo"

"Uhh..." tanging nasabi ko nag-iisip ng maaaring gawin.

Nang may maisip ay tumunghay ako para salubungin ang mga mata ni sir

"Any paper works po sir? Sa library ko po gagawin" Nakita kong natahimik si sir mukhang nag-isip maya-maya ay tumango ito, dahilan kung bakit napangiti ako.

"Okay miss Alejo madali naman akong kausap. Sa short bond paper, hand written, background information about volleyball, including the history,rules, volleyball position in a team, types of service in volleyball and oh! draw the volleyball court with right measurement. Dalhin mo sa office ko mamayang uwian"

WrappedTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon