4

19 3 0
                                    


Titig na titig ako sa dalawang pares ng sapatos na nasa harapan ko isang black na Nike Air Max 97 Utility at Adidas Crazy BYW X hindi kasi ako makapag decide kung alin sa dalawa ang bibilhin ko para kay Cohen. Gusto ko sana siyang ibili ng Balenciaga ang problema ay kulang ang ipon ko. Sampong libo lamang iyong pera ko.

Naisip ko kasi na kasalanan ko naman kaya hindi niya kinain iyong binake kong cupcakes. Hindi ko muna kasi inalam kung mahilig ba siya sa mga sweets bago ko siya bigyan. Kaya naman nag-isip ako kung anong pwedeng ibigay sakanya at naisipan ko na pwedeng shoes na lang.

Well gagamitin ko iyong ipon ko para maibili siya kasi ayoko naman gamitin iyong credit card na ibinigay sa akin nina mommy. Kasi for sure makikita nila sa billing statement iyong list ng pag purchase ko ng shoes ni Cohen pag magbabayad na sila ng mga transactions. Siguradong magtataka ang mga ito kung bakit bumili ako ng shoes na panlalaki. Ayokong tuksuhin nila ako.

"Nakapili na po ba kayo maam?"

Naiinip na tanong ng sales lady sa gilid ko. Hindi ko ito nilingon at muling pinagkumpara ang dalawang sapatos sa isip ko pero parehas talaga silang maganda. Napabuntong hininga ako, hindi talaga ako makapili. E kung ibase ko na lang kaya sa presyo ang bibilhin ko? Yung mas mahal nalang kaya ang piliin ko? Nice idea.

"Eto na lang"

Saad ko at itinuro and adidas crazy bwy x tingin ko naman magagamit niya ito sa paglalaro niya ng basketball. Napangiti ako bago dumiretso sa cashier para magbayad. Tumingin ako sa relong nasa aking bisig nanlaki ang aking mga mata nang makita kung anong oras na.

Nang makuha ang binili ay nagmamadali akong naglakad palabas ng mall at dumiretso sa parking lot kung nasaan ang kotse namin at si Mang Kleo. Nang matanaw ako nito ay agad nitong binuksan ang pintuan ng kotse sa backseat at agad din siyang pumasok sa driver seat.

Nang makaupo na ako ay agad pinaandar ni Mang Kleo ang kotse. Inayos ko naman ang aking nagusot na uniform.

"Dalawang subject na po ang hindi niyo napasukan"
Tumango ako.

"Magtatanong na lang po ako kay Cadits kung anong ginawa"

Pasado alas onse na ng umaga nang makarating ako ng school. Hawak ng isang kamay ang paper bag na may brand na naglalaman ng biniling sapatos at ikinaway ko kay Mang Kleo ang isa nang marinig itong sumigaw na huwag akong tumakbo. Nakahinga ako ng maluwag nang makarating ako ng classroom ng wala pang teacher ang nagtuturo sa unahan. Hinihingal akong naupo sa aking upuan.

"Why bother going to school this late?"

Mataray at nakataas ang kaliwang kilay na tanong ni Cadits. Hindi ako nakasagot baka kasi magalit siya pag nalaman na nagpunta akong mall para bumili ng sapatos para sa lalaki. Nang makita nito ang dala ko ay ibubuka pa lamang nito ang bibig ay saktong pumasok ang teacher namin.

Nakahalumbaba lamang ako habang nakikinig sa teacher na nasa unahan ng may kumulbit sa aking likuran. Nang lingunin ko iyon ay may inabot sa akin si Mica na nakatuping papel kumunot ang noo ko sa pagtataka. Ngumiti ito at may itinuro sa parteng likuran ng classroom nakita ko ang nahihiyang si Julian na nagkakamot ng batok.

Panay ang buka ng bibig nito, may sinasabing kung ano pero hindi ko maintindihan kaya't sinenyasan ko itong mamaya na lang bago ko ito ngitian ng tipid. Nang ibalik ang atensyon sa harap ay nagtagpo ang mga mata namin ng gurong nasa harapan nakataas ang kaliwang kilay nito mukhang naabala sa pagpapaliwanag ng isang lesson sa klase.

"Miss Alejo baka gusto mong ishare sa klase kung anong nakasulat sa papel na hawak mo?"

Masungit na sabi ng teacher namin na dahilan kung bakit napalingon sa akin ang aking mga kaklase. Narinig ko rin ang iilang mura na nanggaling kay na Julian. Kinakabahang nakagat ko ang aking pang-ibabang labi bago dahan-dahang binuklat ang papel na iniabot sa akin.

WrappedTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon