5

10 0 0
                                    


Nakatitig lamang ako sa pagkaing nasa aking harapan hindi ko maintindihan kung para saan ang lakas ng pintig ng aking puso. Madalas ko itong maramdaman nitong mga nakaraang araw lalo na at napapadalas ang pagkikita o kaya ay pagkakasalubong o pakikipagtitigan ko sa mga mata ni Cohen. May sakit ba ako sa puso? Do I need to tell it to mommy? Hindi ko maintindihan ang nararamadaman ko. Am I sick?

Nailing ako sa sariling iniisip. Nanatili akong nakatungo hindi ako makaangat ng tingin dahil ayokong makipagtitigan sa kulay abong mga mata niya mas gusto ko pang titigan ang pagkain na nasa aking harapan kaysa malunod na naman sa mga mata niyang mapanghusga bakit ba kasi ako pumayag na sumama dito kay Qior. Kung sana ay hindi ako nahiyang tumanggi sana ay wala ako dito.  Gusto lang daw niyang makabawi dahil natanggap siya sa photography club.

"Hindi mo ba gusto ang pagkain mo? Do you want me to get-"

Agad akong napabaling sa nagsalitang si Qior na nasa aking tabi nakatingin ito sa pinggan kong puno pa rin ng pagkain at hindi pa rin nababawasan ng kahit kaunti. Umiling ako dito at agad nang hinawakan ang kutsara.

"Hindi, okay na to" Isinubo ko ang kaunting laman ng kutsara at hilaw itong nginisian.

Tumango ito at nagpatuloy na ring kumain habang patuloy sa pakikipag kwentuhan sa kanyang mga pinsan. Tahimik naman akong kumain pinipilit ang sariling balewalain ang presensya nila. Sa totoo lamang ay wala na akong balak tumunghay pa hanggang matapos akong kumain at tuluyan nang makaalis kung hindi lamang sa tanong na nakakuha ng aking atensyon. Tunog nag-aalala at nagtataka iyon.

"Hindi kaba nangangalay? Kanina ka pang nakatungo" Napilitan tuloy akong tumunghay para makita kung sino iyong nagsalita at nakitang si Reushi iyon nakakunot ang noo at nakatingin sa akin.

"Nawawalan ka ba ng ganang kumain dahil sa mukha ni Heox? Gusto mo paalisin ko siya?" Seryosong dagdag ni Vique dahilan kung bakit umismid ang abalang lalaki pero hindi pinansin ang sinabi ng pinsan at nagpatuloy sa pagdutdot sa hawak na cellphone.

"Okay lang ako. Don't mind me" Naiilang na sabi ko at nagpatuloy sa pagkain hindi pa rin nililingon ang pwesto kung nasaan si Cohen. Pero ramdam na ramdam ko ang nanunusok nitong mga tingin. I sigh, ayoko talaga ng mga mata niya.

Pati ang tingin ng ilang estudyante sa akin ay nanunuot sa aking balat para bang gusto nila akong maglaho sa aking kinauupuan. Puro college at ilang mga nasa senior highschool lamang ang nandito maliban sa akin kaya siguradong nagtataka ang karamihan kung anong ginagawa ng isang katulad kong highschool kasama ang mga college student.

At hindi lamang sila basta-bastang mga college student sila iyong madalas hangaan at tingalain ng mga babae dito sa school hindi lang dahil sa itsurang meron sila.

Well iba sila, hindi sila yung tipong pa-cool. Sila yung tipo ng mga lalaki na matataas ang prinsipyo sa buhay. May pagpapahalaga sa sa pag-aaral yung alam mo talaga na may patutunguhan ang buhay. Ang nakakadagdag pa sa kilig ng kababaihan ay kahit na may ibubuga na sa buhay ang mga Montealegre dahil mayaman sila, sobra pa nga. At kung gustuhin man nilang h'wag na mag-aral ay okay lamang dahil sigurado namang may babagsakan sila at hindi maghihirap kailanman but they choose to study hard at yun ang kinababaliwan ng mga babae sa kanila.

Well, woman want a man with a future plan, not a boy who just want to have fun. Montealegres want to secure their future not to play around like boys do.

Hindi kagaya ng ibang estudyanteng lalaki na porket mayaman ay ginagamit iyon para magbulakbol para magmukhang cool rich kids at ang ilan pa sa kanila ay kailangan pang makipag basag-ulo para mapansin. Boys want the title. I mean the badboy image. Napasimangot ako dahil sigurado ako na iniisip na naman nilang nilalandi ko ang isa sa mga Montealegre na wala namang katotohanan.

WrappedTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon