2

35 2 0
                                    


Nandito kami sa canteen katatapos lang ng huling subject namin sa umaga. Ang sunod na klase ay mamaya pang ala una. Tamad akong nakahalumbaba sa table habang ang tingin ay nasa malayo. Si Cadits ang nagpresintang oorder ng aming pagkain kaya wala akong ibang gagawin kundi ang hintayin siya. Nakakaantok.

Nang maramdaman ang pamimigat ng talukap ng aking mga mata ay pumikit ako ng ilang sandali. Hindi namalayang ilang minuto na pala akong napaidlip at nakapikit. Naalimpungatan lamang ako nang maramdamang may nakatitig sa akin. Nang imulat ko ang aking mga mata ay dalawang pares ng itim na itim na mga mata ang bumungad sa akin agad akong napaatras sa gulat dahil sa lapit ng mukha ni Qior! Ilang dangkal lang ang layo nito mula sa aking mukha. Nahihiyang kinusot ko ang aking mata.

"B-bakit? Ano a- m-may kailangan ka ba?"

Tanong ko, nauutal. Inaalala na baka mamaya tumulo na pala iyong laway ko habang natutulog. Napahawak ako sa gilid ng aking labi nakahinga ng maluwag ng walang makapang kahit ano. Ngumisi ito bago mas lumapit sa akin nakatuon ang mga braso sa table.

"Sorry, nagising ata kita. Gusto ko lang itanong kung anong oras ng labas mo mamaya balak ko kasing kuhanan ka na ng litrato hanggang bukas na lang kasi yung deadline"

Nakagat ko ang aking pang ibabang labi hindi alam kung paano ito tatanggihan.

"Ako na ba talaga? Baka mamaya ako pa ang maging dahilan kung bakit hindi ka makuha. Madaming iba diyan, andiyan si Kimmynoe iyong nanalo sa pageant nung kabilang taon kilala mo yun diba?. O kaya si Lesly Quin! Diba maganda yun at sikat. Pwede din si—

"Sabihin mo kung ayaw mo hindi yung itataboy mo ako sa iba"

Napaawang ang labi ko nang putulin nito ang pagsasalita ko maririnig ang hinanakit at pagtatampo sa tono nito. Napatayo ako ng makitang tumayo na ito at balak ng umalis. Shyks naman! Anong ginawa mo!

"Sana hindi ka umoo. Para nakahanap ako ng iba ng mas maaga."

Yun lang yung sinabi niya at naglakad na paalis, nakagat ko ang aking pang-ibabang labi sa sobrang guilty. Nang muli ko siyang sulyapan ay laglag ang balikat nito habang naglalakad. Bahala na nga! Isang buntong hininga ang aking ginawa bago tumayo at patakbong humabol dito. Hindi kaya ng konsensya ko, lalo na at umoo ako sakanya nung isang araw kaya umasa siya. Nang maabot ko ang braso nito ay marahan kong hinigit iyon dahilan kung bakit napahinto ito. Mukhang alam niyang susundan ko siya at pipigilan dahil kahit sobrang hina ng pagkakahigit ko dito ay napigilan ko ito sa paglalakad.

Hindi ko alam kung namamalikmata ba ako o hindi pero nang lumingon ito sa akin ay nakangiti. Pero nang muli akong kumurap ay bumalik sa malungkot ang kanyang mukha.

"What?" Walang ganang tanong nito

"Uh— alas kwatro ang labas ko. Saan tayo magkikita?"

Nang marinig niya iyong tanong ko ay hindi na nito napigilang ngumiti kaya nakahinga ako ng maluwag. Hindi siya galit.

"Sunduin na lang kita sa classroom niyo"

Tumango ako at tinalikuran na ito. Pagbalik ko sa table namin ay andun na si Cadits masama ang tingin nito sa akin kaya agad akong kinabahan.

"Saan ka pa galing?"

Nakataas ang kaliwang kilay na tanong nito. Daig pa talaga nito si mommy.

"Kinausap ako ni Qior, kain na tayo?" Kabadong sagot ko.

Umismid ito pero laking ginhawa ko ng wala na itong ibang sinabi at sinimulan ng kumain. Pagkatapos kumain ay sabay kaming bumalik ng classroom at nakinig ng tahimik sa klase.

Nang tumunog ang bell hudyat ng pagtatapos ng klase ay agad akong nakaramdam ng kaba. Lalo na nang sulyapan ko ang aking relo upang malaman kung anong oras na, alas kwatro na. Sinulyalan ko si Cadits na nag-aayos ng gamit tumikhim ako para kuhanin ang atensyon ng kaibigan.

WrappedTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon