8

7 0 0
                                    


"What do you want?" Cohen asked

"Uh... coffee cake with walnuts and expresso" I answered.

Agad kong binuksan ang dala kong bag para kuhanin ang wallet. Inilahad ko kay Cohen ang perang hawak ko pero tiningnan niya lamang iyon at hindi pinansin.

"What else?"

"Smoothie" Tumango lamang ito at naglakad na papunta sa counter. Wala akong nagawa kundi ang ibalik ang perang hawak ko.

Nang may makasalubong itong waiter ay nakita kong bumuka ang bibig ni Cohen mukhang may sinasabi sa lalaki at itinuro ang table kung nasaan kami. Tumango lamang iyong waiter maya-maya ay nakita ko na itong patungo sa amin. Tinulungan kami nitong lumipat sa kabilang table kung saan kakasya kaming anim.

Inilipat ko ang tingin sa mga kasama ko sa table nahuli kong nakatingin sa akin ang dalawang lalaki kaya't ngitian ko ang mga ito.

Nasa harapan ko ang dalawang lalaki at si Sheena samantalang ang hindi ko kilalang babae ay nasa gilid ko at sa tabi nito ang extrang upuan para kay Cohen.

"Don't distract them" Saad ni Sheena nakatingin ito sa akin bago sinamaan ng tingin ang dalawang lalaki.

Did I?

Umismid pa ito "James! Daelo! Gawin niyo na iyong part niyo di na kayo nahiya kay Cohen half of our work siya iyong gumawa" Dagdag nito bago ibinalik ang atensyon sa ginagawa.

Nakita ko ang inis na dumaan sa mata ng dalawang lalaki bago tumungo para gawin iyong part nila sa grupo. Hindi ko na pilit inintindi ang ginagawa nila dahil siguradong sasakit lamang iyong ulo ko.

Ibinalik ko ang tingin sa counter para tingnan kung tapos na bang omorder si Cohen nagtama ang mga mata namin habang naglalakad ito pabalik.

Napanguso nang makitang tinawag ito ng mga babae sa kabilang table. Lumapit doon si Cohen at nakipag-usap pero nanatili ang mga matang nakatingin sa akin. Mukhang pinipilit ng mga babae na doon maupo si Cohen pero umiling ito at may sinabi na ikinasimangot ng mga babae.

Naramdaman ko ang pagvibrate ng cellphone ko na nasa bulsa ng aking palda. Kukuhanin ko sana iyon ng hindi sinasadyang madagil ng aking siko ang kapapatong lang na iced coffee na iniinom ng babaeng katabi ko.

Nanlaki ang mga mata ko nang makitang natumba iyon at agarang nabasa ang papel na mukhang patapos na. Narinig ko ang singhapan ng mga kasama ko sa table.

Nanginig ako sa kaba hindi makagalaw. Itinayo nito ang natumbang iced coffee at nagmamadaling inilayo ang ilang papel na maaari pang mabasa. Tumayo ito sa kanyang kinauupuan bago nanlilisik ang mga matang tumingin sa akin.

"What the hell! Look what did you fucking do!" Halos mapatalon ako sa aking kinauupuan sa lakas nang pagkakasigaw nito.

Galit na galit ang mga mata nitong nakatingin sa akin. "I-I'm s-sorry hindi ko sinasad—"

"Hindi mo sinasadya?! Hindi mo ba alam na ilang linggo naming pinaghirapan yan?! At bukas na kailangang ipasa?! Ano ba kasing ginagawa mo ditong bata ka ha!? Alagain ka na nga perwisyo ka pa!"

"Emma hindi na—"

"Manahimik ka Daelo!" Putol nito sa lalaking kagrupo. Ang mga mata nito ay nagliliyab sa galit.

Nanginig ang labi ko. Ramdam ko rin ang pamumuo ng luha sa aking mga mata.

"Ano?! Bakit ikaw pa ang umiiyak ngayon?! Hindi ako kagaya ng mga estudyanteng madadala sa mga paawa at nangungusap mong mga mata! Huwag mo kong iyakan dahil kasalanan mo kapag hindi namin naipasa ang mga plates bukas dahil sa katangaha—"

WrappedTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon