10

6 1 0
                                    

Nang marinig ang hudyat na tapos na ang klase ngayong umaga ay nauna pa akong lumabas sa aming guro. Tinahak ko ang daan patungo sa building ng mga college student.

Kagaya ng nakagawian ko noong nakaraang kabilang buwan ay muli akong naupo sa bench sa labas ng kanilang classroom. Mula sa kinauupuan ko ay sumilip ako sa loob ng kanilang room. Ang alam ko talaga hindi sabay ang lunch break namin sa lunch nila. Hindi kaya ay niloloko lamang ako ni Cohen? Pinasadahan ko ng daliri ang aking buhok.

Tumayo ako sa aking kinauupuan, babalik na lamang ako sa classroom ko. Saktong paghakbang ko ay ang paglabas ni Cohen mula sa pintuan ng kanilang classroon. Nakataas ang kilay nito sa akin.

Ngumiti ako ng tipid bago naglakad paatras at lumapit dito kahit ang balak ko talaga kanina ay umalis na.

"Kanina ka pa?" Napanguso ako. Ano ba yan wala man lang isinukli sa ngiti ko.

"Medyo"

"Medyo? Pero mukhang nainip ka at aalis na sana" Sabi nito.

Nagsimula itong maglakad kaya sumunod ako, nagawa ko pang lingunin iyong loob ng room nila. Siya lamang iyong lumabas. Tapos na ba ang klase nila?

"Saan mo gusto kumain?" Napakurapkurap ako at tiningala ito, napaisip. Ayoko sa cafeteria.

"Sa Recious!" Excited na sabi ko.

Bukod sa masarap ang steak doon ay malapit lamang iyon mula dito sa school hindi lalagpas ng sampong minuto ang biyahe. Tumango ito kaya lalo akong napangiti.

Hawak ang pinto ng kanyang kotse ay hindi ko mapigilang hindi mapangiwi. Ang yaman-yaman nila pero bakit nagtitiis siya sa lumang kotse na ito. Honda civic iyon na kulay pula. Pinasadahan ko ng daliri ang aking buhok bago tuluyang pumasok sa loob.

Inexpect ko na mabaho ang loob lalo na at hindi maganda ang kanyang sasakyan. Pero ng matanto na hindi ay nakahinga ako ng maluwag. Ang pamilyar niyang amoy ang sumakop sa aking ilong. Ano ba iyong gamit niyang pabango? At bakit ang bango naman niya ata.

Ilang beses akong nakipagtalo sa sarili dahil nangangati na talaga ang dila ko para magtanong. Sinulyapan ko ito habang nagmamaneho. Kahit bulok na itong sasakyan niya ay ang guwapo niya pa rin talaga. Hindi bagay sa itsurang meroon siya itong gamit niyang sasakyan. Saglit itong sumulyap sa akin tinaasan ako ng kilay

"What is it?" tanong nito bago ibalik ang mga mata sa daan.

"Wala na ba kayong ibang sasakyan? This car looks..."

Nakagat ko ang pang ibabang labi ko para maiwasan ang panglalait sa kanyang sasakyan. Hindi naman dapat iyon ang itatanong ko! Iyong pabango niya sana! Ano ba naman iyang bibig mo Shykaina Dallas! hindi ka tinuruan ng mga magulang mong maging matapobre at mapanglait.

"Looks what?" Sumulyap muli ito sa aking pwesto tumaas ang sulok ng labi.

"Old-fashioned and decayed Cohen magpalit kana ng sasakyan..." Nakangiwing sabi ko dito pero ng matanto ang nasabi ay dinugtungan ko.

"Kaibigan mo ako kaya sinasabi ko ito ng harapan. Ang pangit nitong sasakyan mo at ano mang oras ay mukhang titirik na sa da-"

Hindi ko na natuloy ang aking sinasabi dahil walang buhay itong humalakhak. Anong nakakatawa?

"Mukha lang itong luma pero maayos pa naman" Nakangising sabi nito pinasadahan ng dila ang kanyang pang-ibabang labi. Parang alipin ang mata ko at sinundan iyon ng tingin.

Napaismid ako "So ano? Hihintayin mo pang masira itong sasakyan mo bago ka bumili ng bago?"

"Uh huh..."

Naabot mo na ang dulo ng mga na-publish na parte.

⏰ Huling update: May 23, 2020 ⏰

Idagdag ang kuwentong ito sa iyong Library para ma-notify tungkol sa mga bagong parte!

WrappedTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon