SIMULA

1.1K 16 0
                                    

~Simula~

“Salamat talaga Denis.” Naka-ngiti kong sabi kay Denis habang tinutulungan akong mag-buhat ng mga pinamili ko.

“Ayos lang 'yun Shane, ikaw pa, alam mo namang malakas ka sa akin.”

Pabiro ko itong sinuntok at mahinang tumawa.

“Tigil-tigilan mo nga ako Denis! Baka nakakalimutan mong isa ka sa nam-bully sa akin nung mga high school pa tayo!” Sabi ko dito pero bagkus ay humalaklak lang ito.

“Kasi naman, kababae mong tao ayaw mong makipag-talo sa mga lalaki, hilig mong maglaban.”

“Kahit na!” Bulyaw ko.

Muli itong tumawa at kinindatan ako.

Kasalukuyan naming nilalakad ang gilid ng kalsada na puro bermuda grass. Pakalat-kalat rin ang mga batang naghahabulan habang ang damit ay puno na ng dumi.

“Shane!” Napalingon kaming dalawa kay Manang Susan.

Naalala ko tuloy isa ito sa matandang dalaga dito a amin. Nung high school nga ay pinaghahabol kami nito dahil sa ingay naming magkaka-klase sa bakuran n'ya.

Huminto kami ni Denis sa paglalakad at hinintay ang matanda na makalapit sa amin.

“Bakit ho?” Tanong ko.

“Kailan ka pa bumalik dito?” Tanong nito at nilingon si Denis.

“Kahapon lang ho.” Magalang kong tanong.

“Magtatagal ka ba dito?” Tanong nito at ngumiti.

Nilingon ko si Denis na nagtataka din marahil sa pagtatanong ng matanda.

“B-Baka, hindi rin po. Balak ko lang pong magbakasyon d-dito, bakit po ba?” Dahan-dahan kong sabi at baka may masabing ikakalaglag ko.

“Aabot ka ba sa piyesta?” Tanong nito muli.

“S-Siguro po, bakit po?”

Biglang nagkislap ang mata nito, at kumendeng-kendeng na nagpa-ngiwi talaga sa akin ng sobra.

“Sali ka naman ng Miss Saraiya!”

Nanlaki ang mata ko at lalong napa-ngiwi

“Naku naman Manang Susan! Bente-singko na po ako! Hindi na ako babagay sa ganyan.” Hilaw akong natawa.

“Pwede pa iyan! Yung anak nga ni Bibing mag t-trenta na! T'saka hanggang trenta naman ang pwedeng sumali. Sige na, ikaw na lang talaga ang babagay duon.” Nag-iwas ako ng tingin at tumikhim.

“T-Teka lang po, magpapa-alam muna po ako sa a-asawa ko.”

Nanlaki ang mata ni Manang Susan dahil sa sinabi ko.

Aysusmareyosep!  Totoo pa lang ang sabi-sabi na may asawa kana! Akala ko ay tsisimis lang 'yun!”

Napa-ngiwi akp dahil sa sinabi ni Manang. Napalakas pa ang boses nito kaya yung ibang tao ay napa-harap.

“S-Sige po, mauna n-na ako.” Mahina kong sabi at mabilis na hinatak si Denis paalis.

Binilisan ko ang paglalakad habang hatak-hatak si Denis.

“Nag-asawa ka na pala Shane?”

Grabe! Ang bilis namang kumalat nu'n! Madami talagang tsisimosa dito!

“Yes, And I'm her husband.” Napa-pikit ako ng mariin at nilingon ang papalapit na bulto sa amin.

Nang maka-lapit ito ay parang nahirapan akong huminga ng tama.

Napakurap-kurap si Denis sa aming dalawa at palit-palit ang tingin sa amin nito.

“K-Kamusta pare! Ako pala si Denis! Kaibigan ni Shane at kaklase simula pagka-bata.” Nilahad ni Denis ang kamay n'ya habang may ngiti sa labi

Imbes na makaipag-kamay ay tinitigan lang iyun ni Master.

Parang napahiya duon si Denis kaya itinago na lang n'ya ang kamay sa likuran at nilingon ako. Ibinigay nito sa akin ang ibang supot at ngumiti muli.

“S-Sige, mauna na a-ako Shane.”

“Salamat Denis.” Tumango ito at nag-lakad paalis sa amin.

Nang maka-alis ay nilingon ko si Master at hinatak. Pinagt-tinginan kami ng nadadaanan namin dahil alam ko namang agaw antensyon ang kasama ko

Naririnig ko rin ang singhapan ng ibang dalagita at impit na tili.

Nang matanaw ang malaking Rest House namin ay pumasok agad kami at isinara ang gate.

“Master, bakit ka naman lumabas? Paano na lang kung may nakakilala sayo?” Sabi ko at inililapag ang mga pinamili sa island counter.

“I just wonder. You left early then until this afternoon you still didn't back.”

Huminga ako ng malalim.

“Kaya ko naman sarili ko Master.”

Wala na akong narinig na response dito maka-lipas ang ilang minuto kaya nilingon ko ito.

Naka-busangot ito habang naka-tanghod sa akin.

“Why?” Sabi ko.

“Who's that Denis?” Sabi nito at mabilis na nag-iwas tingin.

“A friend.” Naka-kunot nuo kong sabi.

Anong problema nito?

“Next time don't talk with the other man, You're status right now is Married. I am your husband now.”

Nahinto ako sa ginagawa at pumalahaw ng tawa.

“Ikaw Master ah! Kina-career mo ang asa-asawahan natin ha! Ayiee, sabi na nga may crush ka din sa akin eh!” Asar ko dito pero sinamaan lang ako nito ng tingin.

Kaya mabilis kong itinikom ang bibig ko kahit na bumu-bungisngis pa rin ako.

“Whatever, just do your job properly.” Pikon nitong sabi at tumalikod para umalis.

“I-lock mo ng maayos ang kwarto mo Master, at ba i-career ko din ang pagiging asawa mo at gapangin kita.” Biro ko dito.

“Shut up!” Asik nito habang nasa hagdanan na.

Muli ako bumungisngis at kinain ang biniling french fries sa palengke.

(A novel by biGRAYStterness)

Captured By Him (Magnificent Man Series#3) Where stories live. Discover now