KABANATA VI

177 5 0
                                    

Captured By Him

~KABANATA VI~

“Kailangang 20 meters ang layo n'yo sa amin ni Attorney, maliwanag ba?” Pagpapa-aalala ko sa kanila.

“Opo Ma'am, t'saka, bakit kailangan pong naka-casual attire tayo uli?” Tanong ng isa sa mga set B.

Mahina akong tumawa at tiningnan ang sarili. I'm just wearing a plain white polo shirt, pair with ripped jeans, while wearing white rubber shoes. It's been a long time ago when I wear like this, I always wear my police uniform.

“Sabi ni Captain. Masyado nating maa-agaw ang atensyon ng publiko kapag naka-yuniporme tayo,” nagsitanguan ang lahat.

“Saan po ba lakad ng attorney?” Nagtatakang tanong ni Jason at bahagya pang nag-kamot ng ulo.

“Naku Jason! Kung ano-anong iniisip kaya hindi alam!” Pang-aasar naman dito ni Clark.

Nagtawanan naman sila kaya natawa at napa-iling ako sa kanila.

“He has an important meeting with his client. Basta tandaan n'yo kayong lima dela Vega ay matitira dito para mag-bantay,” tinuro ko ang limang matitira dito sa bahay ni Master, habang kami ay wala.

“Ang tatlo ang kotse naman ang magagamit nating aalis. Para sa una, ay sa amin ni Attorney, ang dalawang natira ay tig-apat kayo, kailangang maging alerto sa mga kahina-hinala na sumusunod sa amin ni Attorney.”

Tahimik lamang silang nakikinig sa mga habilin ko habang hinihintay si Master.

Mahihina na ata ang buto ng lolo n'yo at ang bagal kumilos.

Nag-kumpulan mo na sila at nag-kwentuhan habang ako nama'y lumapit kay dela Vega para habilinan na laging i-check ang perimeter ng bahay at ang CCTV footage sa paligid.

“Bakit hindi na lang pag-usapan dito sa bahay ni Attorney Ma'am?” Naka-ngiwi na  tanong ni dela Vega.

“Aba'y malay ko! Babae 'yung kleyente, baka i-date si Attorney,” natawa si dela Vega sa sinabi ko.

“Si Ma'am talaga,” tumatawa na sabi nito.

“Malay natin, oo nga pala, ayos-ayusin mo dito ah? Baka manood lang kayo ng porns, talagang ititirik ko kayo d'yan sa bakuran,” sabi ko habang tumatawa na rin.

“Nandyan na pala si Attorney Ma'am, mag-ingat po kayo,” t'saka ko palang napansin na papalapit na ito sa kinakatayuan ko.

Ngumiti muna ako kina dela Vega at sinenyasan ang set A at B na sumakay na. Naunang pumasok si Master sa kotse n'ya. Aba't sa likod talaga umupo ang lolo! Ginawa pa akong instant driver!

“At the de Valle's Hotel in Quezon City,” maikiling sabi nito at itinuon ang pansin sa mga papeles na inaaral.

Napa-ingos ako at itinuon sa kalsada ang pansin. Sana pala ay sinama ko na lang dito si Stephen at ng may kadaldalan ako. Baka tubuan ako kabuti dito sa sobrang tahimik sa loob ng kotse.

Buti na lang at walang traffic jam, kaya hindi matatagalan at mabilis lang ang pagpunta namin sa destinasyon. Para maibsan ang katahimikan ay binuhay ko ang radio.

Late night.

Your eyes fell to the floor.

I'm trying to make sense.

But you're losing your patience.

Napangiti ako at inilingon ang paningin sa likod, patuloy parin s'ya sa ginagawa.

Hands talk, won't stop.

We go to war.

In the heat of the moment.

Captured By Him (Magnificent Man Series#3) Where stories live. Discover now