Captured By Him
~KABANATA II~
Tahimik ang byahe namin papunta sa korte, sakay namin ang mga preso na nagk-kwentuhan lang sa loob ng van.
Kasalukuyang nagma-maneho si Stephen habang ako ay bahagyang sumasabay sa kanta na nanggagaling sa radyo.
Pagkarating ay pina-upo namin ang mga ito sa isang bangko sa labas nito. Sarado pa kasi at hinihintay ang mga lupon at mga abogado.
“You already ate?” I asked Stephen.
I pouted a little bit, when I remembered that I didn't eat breakfast. I woke up late and hurry up to get ready and forgot to eat.
“Yes, why?” He looked at me, and chuckled when he realized something.
“I'm hungry. I woke up late.” I cupped my stomach and bite my lip.
“I wonder, how did you became a police.” He commented and laugh a bit.
I throw him a death glared, but he just laugh.
“Don't worry, I'll treat you later.”
Ngumiti ako at bahagyang sinuntok ang braso n'ya.
Kapwa kami natigil ng makita ang pagdating ng mga abogado at lupon. Huminto ang paningin ko sa isang tao. Med'yo namumula-mula ang labi nito at inaayos n'ya ang tumabingi na salamin na suot.
He's wearing a black long-sleeve with a tie and a black slack. Kahit na balot ang katawan nito ay bumabakat ang ganda ng katawan nito. Bumaba ang tingin ko sa bandang t'yan nito, susmariyosep! May abs pa ata!
“Alonica, baka matunaw na 'yan si Attorney.”
Bumalik ako sa sarili kong katinuan ng marinig ang mapang-asar na boses ni Stephen. Nakaramdam ako ng pag-init ng pisnge ko at kunyaring na-ubo.
“Hindi naman ako sa kan'ya nakatingin ano!”
Imbes na kontrahin ay tumawa lang ito. Akmang pabiro ko itong hampasin ng makarinig kami ng sunod-sunod na putok ng baril. Umingay ang paligid dahil sa sigaw ng mga tao na naruruon.
“Lahat kayo! Dapa!” Sigaw ni Stephen at inilabas ang baril.
Pinapasok naman ng ibang kapwa pulis ang mga tao sa loob ng korte at binantayan ang mga preso. Nanlaki ang mata ko ng makita ang isang tao na may tabing ang mukha na babarilin si Attorney Magallanes.
Mabilis kong kinasa ang baril at binaril ang lalaki. Patay itong tumumba sa sahig. Itinakbo ko ang distansya namin at hinila s'ya papasok sa loob korte.
“Damn it!” Mura nito ng makitang nabasag ang suot na salamin.
Humarap ako sa kan'ya at tiningnan kung may tama ba s'ya ng baril o sugat, pero wala naman. Akmang hahawakan ko s'ya sa braso ng tinabig nito ang kamay ko.
“Don't you dare to touch me!”
“Hala s'ya! Arte nito.” Sabat ko dito at inirapan
Ang sungit!
Nalukot ang nuo nito at inilabas ang phone nito at may kinausap. Inirapan ko muna ito bago mabilis na lumabas para tingnan kung ano ng nangyayari sa labas.
Sumalubong sa akin si Stephen.
“Nakatakas yung mga armadong lalaki. Sa tingin ko ay may target sila dito.” Sabi nito.
Itinago ko muna ang baril bago nilingon ang patay na lalaki, yung isa sa balak itumba yung supladong abogado.
“AS YOU CAN SEE, halata sa CCTV footage na si Attorney Magallanes ang pakay nila.” Paliwanag ni Captain habang itinuturo ang monitor.
YOU ARE READING
Captured By Him (Magnificent Man Series#3)
Ficción GeneralMagnificent Man Series 3 (⚠️Warning!!⚠️:May involve themes not suitable for minors, so read at your own risk. This story is a fiction.)