Captured By Him
~KABANATA X~
Humihikab ako habang inaayos ang hihigaan, tapos na ang shift ko at magpapahinga na. Nahiga na ako at ipinikit ang mata.
Sa kalagitnaan nang pagpapahinga ko ay biglaang nakarinig ng pagkabasag ng salamin, napabalikwas ako at dali-daling tumayo at kinuha at baril sa bed side table.
Kumaripas ako palabas ng kwarto, at nakitang lumabas din ng kwarto sina Stephen galing sa Monitoring Room.
“Anong nangyari?!” Tanong ko dito.
“Tangina! Napasok tayo,” sagot ni Stephen.
Tinakbo ng isang pulis ang kwarto ni Master para bantayan habang bumaba naman kami ni Stephen sa ibaba ng makarinig ng sunod-sunod ng palitan ng putok ng baril.
Mula sa labas ay nakahilata ang dalawang pulis na wala ng buhay at tatlong mga kriminal. Mabilis kong nilapitan si Clark na may tama na ng baril at ipinasok sa loob.
Habang si Stephen ay tinutulungan ang iba dahil sa nagmama-pilit pumasok na nga armadong lalaki.
“Anong nangyari?” Tanong ko dito habang umaakyat paitaas para balikan si Master, kailangang masigurado ang kaligtasan n'ya.
“Nag-order kasi kami nila Jason ng pizza. Dumating ang delivery man pero pagbukas namin ay nasa likod na nito ang mga armadong lalaki habang tinututukan ng baril sa likod ang delivery man. Nadali nila 'yung dalawa nating kasamahan Ma'am.”
Napapikit ako ng mariin ng may narinig na pagbasag uli ng salamin. Pagbukas ko ng pinto ng kwarto ay sumalubong sa akin si Master at ang kasama nitong kapwa ko pulis.
“Kailangan nating umalis na Master, bilisan n'yo!”
Inalalayan ko si Clark habang nasa likuran ko si Master at isang pulis. Sabay-sabay kaming napayuko ng makarinig uli ng pagasabog, punyemas na granada!
Kinabig ko na si Clark dahil sa pagmamadali, nang makababa ay napamura ako ng makitang apat na ang naka-hilata sa sementadong sahig
“Stephen, Kailangan na nating umalis! Patay na ang apat sa atin, hindi na natin kaya ang iba pang dumadating dahil sugatan na ang iba!”
Tumango ito at sinenyasan ang iba, tinakbo na namin ang papunta sa mga naka-paradang mga sasakyan. Isinakay ko na si Clark sa backseat habang katabi nito si dela Vega. Nang makasakay si Master ay mabilis kong pinaharurot ang kotse.
Nasa likuran naman namin ang van na sinasakyan ni Stephen at ng iba. Pagka-labas ng village ay napalingon ako sa side mirror ng sasakyan ng magsimula na naman ang pagputok ng baril.
Isinuot ko ang earpiece at nakipag-communicate kina Stephen. Habang hinihintay si Stephen, ay nilingon ko saglit si dela Vega.
“Balutan mo muna ang tama ni Clark, mauubusan 'yan ng dugo!”
Mabilis itong tumango at dumukot sa bulsa at itinupi ang nakuhang panyo at ibinalot sa namumutla ng si Clark.
Nabalik naman ang atensyon ko ng marinig ang pagsagot ni Stephen. Nilingon ko si Master na nakatingin sa akin ng puno ng pag-aalala ang mata. Hindi pwedeng mamatay itong Eggplant na ito.
“Stephen, kamusta kayo d'yan?” Tanong ko habang binibilisan ang pagmamaneho.
“Naka-sunod padin sila—tangina!”
Nakarinig ako ng sunod-sunod na pagpapaulan ng baril.
“Stephen! Anong nangyari?! Sumagot ka!” Fear gripped me. No, I can't loose the others.
YOU ARE READING
Captured By Him (Magnificent Man Series#3)
General FictionMagnificent Man Series 3 (⚠️Warning!!⚠️:May involve themes not suitable for minors, so read at your own risk. This story is a fiction.)