CHAPTER ONE

945 14 0
                                    

It was an ordinary Friday morning for Anna Moral. Maaga siyang nagligpit ng kalat sa shop, sandaling naglinis ng bahay bago naligo. While dringking her favorite chocolate-flavored energy drink, isa-isa niyang inalis sa hanger ang fifteen pieces nat-shirt na iniprentahan niya nang nakaraang gabi.

Napuyat nga siya dahil nilamay nya ang mga iyon. Kailangan kasing mai-deliver ang mga t-shirt ngayong araw. Kung tutuusin ay hindi nya trabaho ang pagtitiklop niyon pero ginawa niya sa pag -imprenta ay kinailangan pa iyong isa-isang plantsahin ni Mark. Napuyat din nga ang pobre niyang kapatid kaya nanghihilik pa ito ngayon kahit mataas na ang araw.

Isinilid niya ang mga kamiseta sa malaking plastic bag kasama ng iba pa. All in all ay thirty pieces iyong pinaimprentahan sa kanila na kailangan niyang maihatid araw na iyon.

Matapos higupin ang huling lagok ng energy drink ay hinagilap niya ang set ng susi na nakasabit sa basketball keychain saka binitbit ang plastic bag palabas. Ipinuwesto niya iyon sa pagitan ng manibela at upuan ng kanyang Suzuki Smash motorcycle at matapos makapagsuot ng jacket at helmet ay humarurot na ng alis. Hindi na siya nag-abalang isara ang gate pagkalabas niya dahil alam niyang mayamaya lang ay dadating na ang daddy nilang si Greg galing sa pag-jo-jogging sa kalapit na village. Riding her motorcycle had been her mode af transportation for the past couple of the years, kaya naman sanay na si Anna na nagmomotor sa alinmang pangunahing kalsada sa Metro Manila. Kabisado rin niya kahit ang maliliit na kalyeng puwedeng daanan sa shortcuts. Makailang beses na siyang sumemplang sa pagmomotor. Ilang beses na rin siyang muntik nang matuluyan dahil doon. But since it had become her passion ay hindi siya napagarahe nang ilang beses na pagkakalagay ng buhay niya sa peligro.

Ang masagi o makasagi ng kapwa motorista sa kalsada ay hindi na rin bago sa kanya. Pero napapamura pa rin naman siya sa tuwing nangyayari iyon.

Gaya lang ngayon na naramdaman niyang dumaiti ang unahan gulong ng motor niya sa kotseng unahan. Nang pumasok siya sa East Avenue mula sa Elliptical Road ay hindi na niya binantayan ang speed niya. Normal namn na ma-traffic ang bahaging iyon at very unlikely na madidisgrasya o makakadisgrasya siya roon. Kaya hindi nya alam kung bakit hindi sya agad nakapagpreno nang mapadikit siya ng husto sa likuran ng pulang Subaru sa unahan. The impact was not that hard, pero nayupi pa rin ang likuran ng mukhang bagung-bago pa namang sasakyan.

"Kung kailan ka naman nagmamadali, oo, "she whispered in disgust. Nakita niyang bumukas ang pinto ng kotse sa passenger side, kaya inihanda niya ang sarili sa confrontation. Hindi rin naman iyon ang unang pagkakataon na nangyari ang ganoon sa kanya, kaya alam na ni Anna kung paano i-handle ang mga ganoong sitwasyon.

"My God, ano ba yan? "Bulalas ng babaeng lumabas sa kotse. Tiningnan muna nito ang damage ng sasakyan bago sinita. "Bakit kasi hindi ka nag-iingat? "

The lady appeared to be in her early thirties,. Mukha itong may-sinasabi sa buhay base na rin sa ayos nito.

"Sorry Ma'am, nagulat kasi ako sa biglaang paghinto n'yo" Anna apologized matapos mag-alis ng helmet.

"So it's our fault, is what you mean? "Ganti nito

"Hindi naman po sa ganoon ". Binuksan niya ang bodybag na nakasabit sa kanyang leeg ang strap at kumuha roon ng calling card. "Nandito ang contact numbers ko pati address. I'll pay for the damages kontakin n'yo lang po ako. "

Nagkunot ang noo ang babae "So ganoon lang? "
Nilingon nito ang na-damage na bahagi ng sasakyan saka umiling.

Luminga siya saglit para tignan kung may traffic enforcer sa paligid at nagpapasalamat syang wala "Ma'am like what I've said, babayaran ko ang damage ng kotse nyo. Pero wag. Sana natin ito pahabain dahil pareho lang tayong magkakaproblema"

"Ikaw ang nakadisgrasya dito, kaya ikaw lang ang magkakaproblema. "Napahagod sa batok ang dalaga. According to her wristwatch, may fifteen minutes na lang bago ang meeting time nila ng customer na padadalhan niya sa inimprentahang mga kamiseta. Kapag may traffic enforcer na umeksena sa pag-uusap nila ay siguradong lalo siyang maaantala.

"Ganito na lang po... " aniyang balak daanin sa diplomasya ang. Babae. Pero na-preempt ang sasabihin sana niya nang umibis mula sa driver side ng kotse ang isang lalaki

Her focus immediately shifted toward the guy who seemed to be in his late twenties. He was tall and... Extremely good-looking.

"Tina, we have to go, " anito sa babae.
"Nate, thid car is three weeks old. Look what happened. "
"We'll do something about it okay? Kelly is tired, she needs to rest. "

Bumuntong hininga ang babae at nag ikot ng mata. "Fine! " she said, grabbing the card from Anna hand. Umirap pa ito bago tumalikod. Pabalik na ito at ang lalaki sa kotse nang bigla at halos sabay na muling humarap ang mga ito sa kanya. Kasunod niyon ay nakarinig siya ng mga tili gawa ng grupo ng ilang katao na nagkumpulan sa tapat ng bintana ng sasakyan na nabangga niya.

"Sabi ko na kotse ito ni kelly eh! Pa autograph naman idol! Pa-selfie, please. "

Anna eyes narrowed as another door of the car opened. Lumabas doon ang isang babaeng may highlights ang buhok, maputi at makinis ang balat, sexy talaga namang maganda. Pinagkaguluhan ito ng mga taong lumapit sa kotseng nakaparada.
Celebrity?

Curious na sinipat niya ng tingin ang babae, kaya hindi nya napansin ang pagbubulungan ng dalawang nasa harap niya. Gayun na lang tuloy ang gulat niya nang bigalang agawin ng lalaki ang hawak niyang helmet. Mabilis nitong sinuot iyon at walang sabi-sabing sumampa sa likuran niya.

"Patakbuhin mo, "utos nito

"Ano? "Takang tanong niya "Teka... "

"I said, patakbuhin mo! Come on lets go! "Anito sabay hawak da balikat niya. Kakaiba ang kaba na pumalo sa dibdib ng dalaga nang maramdaman ang higpit ng kamay nito at iyon ang nagtulak sa kanya para padyakanang kickstart ng motorsiklo

Desire:Nate EnchavezTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon