CHAPTER FOUR

383 8 0
                                    

Ibig sabihin na hindi totoo ang Denly affair dahil may ibang lalaki sa buhay ni Kelly? O pinagsasabay nito ang dalawa?

Mga artists nga nman, oo!

Inilayo ni Anna ang tingin. Ano bang pakialam Niya sa intrigang showbiz, wala nga siyang interes sa Mga iyon? Nakakapaghinayang lang na mukhang nakikisosyo ang lalaking naroon kay Denver De Cera

Nakakapanghinayang?
Lihim siyang umiling.
This early ay hindi niya maikaila ang pagiging crushable ng lalaki kahit pa nga parang hindi ito marunong ngumiti.

"Uhm... Ano na? Magkano ba ang kailangan kong bayaran sa naging damage ng kotse n'yo? " ungkat muli niya  para mailayo ang atensyon Kay Nate.

"Actually, that car is new insured kaya walang problems.," Ani ni Cristina.

"Hindi n'yo ako sisingilin? " duda siya roon Bakit pa siya kakausapin ng Mga ito kung ganoon?

"Hindi naman  puwedeng ganoon lang iyon" tumayo ang talent manager at gumawi  sa tapat ng poster "pero, Oo, puwedeng hindi ka namin pananagutin soon. In exchange for... A little favor. "

"Favor? "
"There is a role we want you to play. "
"Role? " namilog ang Mga mata ni Anna

"K-kukunin n'yo akong artists? "Hindi siya makapaniwala. Kalian pa siya naging artistahin?

"Parang ganoon Pero... Hindi talaga ganoon. " nalito siya roon.

"We are  not offering you a role in a movie or TV show, " sabat ni Kelly na nakakapit sa balikat ng lalaki. "This is in real life. "

"Real life? "

"We want you to play the role of Nate's love interest"

"Ha? " gulat siyang napatingin sa lalaki at nakita niyang hinagud-hagod nito ng ilang daliri ang noo

"Kapag nagawa mo yon, wala ka nang kahit Anong iintindihin sa damage na nagawa mo sa kotse ko. "

"Teka, para saan?  I mean... Hindi ko yata maintindihan... "
Naglabas ng cellphone ang talent manager matapos mag swipe nang ilang ulit ay iniharap nito sa kanya ang screen. "This photo was taken yesterday if you can remember. "

Sinapat niya iyon "Yes, I remember. Pinagkaguluhan siya ng mga... Fans? "

"Hindi lang fans ang nandiyan. May isa diyan na protege ng isang  kilalang showbiz reporter na taga -kabilang network at naghahanap ng negative na maisusulat tungkol sa Denly love team. Look at the picture again, " Cristina zoomed in the photo hanggang sa ma-focus sa nasa background na si Nate. "Dati  nang iniintriga ng showbiz reporter na iyon na may third party sa Denly love team at si Nate ang itinituro. "Muling nag swipe sa screen ng cellphone si Cristina "here's another one. "Mas namilog ang mata ni Anna nang makita ang isa pang picture. Siya kasi ang naroon, nakasakay  sa motor at nakaupo sa likuran niya ang lalaking nagsusuot ng helmet.


"Kumakalat ang mga pictures na iyan sa ilang showbiz news site at sa social media. I'm sure may social media account ka, right? "

"Yes, pero hindi naman ako ganoon ka active,"sagot niya. Its been two days since she last updated her status in her social media accounts. Si Mark ang talagang nakababad sa ganoon, pero malamang na hindi iyon mapapansin ng kakambal niya dahil hindi rin ito mahilig sa showbiz news.


"The truth is, hindi ka namin pinipili para gampanan yung role na gusto naming gampanan mo, " sabi muli ni Cristina"ikaw ang nakita ng pipitsuging reporter na nandoon na kasama ni Nate na umalis sakay ng motorbike. We were forced to confirm it was you and not us who were with him then. Now, we have no choice kundi ikaw na nga ang palabasin na babae sa buhay niya to prove na wala silang kaugnayan ni Kelly"

May biglang naalala ang dalaga,. "Kung ganoon yung reporter na nandoon... Ang tinakasan niya kahapon kaya basta na lang siyang sumampa sa motor ko? "

"That's correct" cristina confirmed"at y'ung mga fans na rin. "

Natatawang napailing si Anna. Kapraningan pala kung ganoon  ang mga naisip niya tungkol sa lalaki. "Eh, bakit... Kailangan niya silang takasan? Bakit hindi nyo na lang alamin? Mukha namang totooo.. "Aniya sabay hagod ng tingin sa dalawa.

"Hindi iyon puwede. "Kelly answered"that could ruin my career"

"Bakit naman? "

Si Cristina ang nagpaliwanag... "Importante  ang mga fans sa career  ng isang artista. Dahilsa kanila kaya sikat. 'Yung mga fans ng Denly, may fantasy sila na sina Denver at Kelly ang magkakatuluyan kaya hindi puwedeng sumingit ang isang non-showbiz na gaya ni Nate. Ilang hate messages na ang natanggap ni Nate galing sa Denly fanatics. Ilang beses na rin siyang na bash sa social media. All because pinagahihinalaan siyang panggulo sa Denly love team. although totoo yon, hindi iton puwedeng ma confirm dahil ikakatabang iyon ng pagtingin ng mga fans, ikakasira iyon ng love team at posibleng ng career na rin ni Kelly. We could not let that happen., kaya kailangan namim ng isang babae na maglalayo kina Kelly at Nate sa isa 't isa sa mata ng publiko, "




"At ako iyon? "Itinuro ni Anna ang sarili.

"It has to be you"

Parang gusto niyang matawa. "Wait lang, ha? "
Aniyang  hindi ikinubli ang pagkakangiti. "Baka naman.... Gusto n'yo lang gumawa ng reality show na ang concept ay.... Patatagpuin nyo yung dalawang tao na hindi magkakilala. Involved sa isang showbiz personality yung isa tapos ang challenge, yung isa ay kailangan mapaibig niya yung guy para mailayo dun sa sikat.. And the, at the end of the day.. Maiinlove sila sa isa't isa. Iyon ba yon? "

Kapwa sandaling natahimik sina Kelly at cristina sa speculations  na binitiwan ni Anna.

"You think puwede kang ma-inlove kay Nate? " tanong ng artista mayamaya.


Siya naman ang natigilan. Hindi niya napigilan ang sarili na tapunan muli ng tingin ang lalaki at nakita niyang nakatingin ito sa kanya na parang naghihintay ng kasagutan.




Parang siyang bigalang nahiya"Kung..... Iniisip nyo na wala akong kakayahan na bayaran yung naging atraso ko, mali kayo. Tingin ko naman, hindi  yon milyones para---"

"We are not blackmailing you if that's what you think, "agaw ni Cristina. "Like we've said, hindi ka namin pinili. It just so happened na ikaw ang kailangan gumawa niyon. Hindi ito magiging mahirap, may ilang bagay lang na kailangang gawin para ma-divert ang hinila ng reporter  ng kalabang station at matigil siya sa pagsusulat ng negative tungkol kay kelly. Iyon lang iyon. "

Mababaw na buntong hininga ang pinakawalan niya saka tumayo "alam nyo.... Ordinary lang akong tao. Ayaw ko ma involve sa mga--"

"Hindi ko. Lang babalewalain ang naging damage ng kotse ko, "putol ni kelly. "Im willing to pay you just name your price. "

Naningkit na. Naman ang mga mata ni Anne.

"i just want  to spare nate from the harsh world of showbusiness and social  media kaya namin ito ginagawa, " dagdag  nito. ",kung pinoproblema mo yung possibility na mainlove kayo sa isa't isa.... Well... Nate is.. A very good looking guy at kahit sino puwede talagang magkagusto sa kanya. But for your own good.
, sikapin mong huwag iyong mangyari. Kasi, im pretty sure he'll never fall inlove with you or anyone else for that matter. "

Nagtaas noo si Anna sa sinabing iyon ng artista. Hindi niya alam kong sobrang confident lang ito o gusto nitong ipamukha sa kanya na hindi siya ang tipo ng babae na makakahuli sa pagtingin ng isang gaya ni Nate Enchavez.

She's no way near of a competition, wika nga.
Either way ay parang nasaling niyon ang ego niya. Pareho lang naman silang babae. Oo at lamang ito sa ganda, marahil sa kaseksihan at sa kasikatan, peri may mga qualities din naman siya na siguradong wala rito.

Humugot siya ng buntong hininga bago muling nagtanong

"Ano ba... Ang mga kailangan kong gawin kong sakali? "







Itutuloy




















Desire:Nate EnchavezTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon