CHAPTER THREE

448 12 0
                                    

~ ~ ~ ~ ~ ~ ~

"Na-print mo na ba yung tarp na pinagawa ni Kapitan para sa paliga nila? " tanong ni Anna sa kapatid nang makita ito sa kusina nang sumunod na araw.

"Kahapon pa"sagot nito sinundan ng pagkagat sa jumbo hotdog na nakatusok sa hawak na tinidor.

Gaya ng nakagawian ay nagtimpla siya ng energy drink na karaniwang niyang iniinom tuwing umaga."Nasaan na yung design jersey ng Team Believers? "

"Itanong mo kay Daddy sabi nya siya ang gagawa ng design sa computer di ba? Hanggang ngayon wala pa kaya di ko pa na-print sa transfer paper. Masyado kasing busy. Tingnan mo, ang aga -aga wala na naman. Malamang kasama ulit yung babae niya"

"Hayaan mo nga siya"saway niya sa paglilitanya ng kakambal. "Ako nang gagawa. Ikaw na'ng maghatid n'ung tarpaulin, pinapa-deliver yon ni kapitan sa barangay hall"

"Ikaw na"tanggi nito "bumili ka na rin ng ulam natin mamayang tanghali"

Doon na siya napakunoy-noo "kumakain ka pa nga, ulam na naman mamayang tanghali ang iniisip mo? Aba sumusobra na yang katakawan mo. Tingnan mo nga yang katawan mo malapit ka nang magmukhang elepante"

"Huwag mong pakialaman ang katawan ko okay? "

Napailing nalang si Anna bago humigop sa laman ng hawak na tasa. Hindi niya pinansin ang pagtunog ng telepono sa sala nang makitang gumawi roon si Mark.

"O, telepono, "sabi nitong iniabot sa kanya ang receiver"ikaw ang hinahanap"

Tinanggap niya iyon. "Decolores Printshop, good morning",.

"Is this Anna Moral? "Tanong ng boses ng babae. Sa kabilang linya.

"Yes Ma'm, how may I help you? "

"This is Cristina Santos. Tungkol ito sa car na nabangga mo kahapon. " napaunat siya nang bahagya nang marinig iyon.

~ ~ ~ ~ ~ •••••••••~ ~ ~ ~ ~ ~

Alam ni Anna na kailangan niyang panindigan ang sinabing babayaran niya ang damage ng kotseng nabangga niya, kaya kahit may pag-aalangan ay nakipagkita siya sa babaeng tumawag. Napaisip pa siya kung bakit sa halip na sa talyer ay pinapunta siya nito sa isang bahay sa loob ng isang exclusive subdivision sa Quezon City.

Nabuhay ang pagdududa niya habang nakatayo sa tapat ng magandang bahay na tinumbok ng address na sinabi ng babae. Naalala niya ang lalaking naki-backride sa kanya. Kung tama ang hinala niya na involved iyon sa illegal activities ay maaaring ganoon din ang babaeng nagpakilalang si Cristina dahil magkasama ang mga ito.

What if sa pagpunta roon ay malagay siya sa alanganin?

Her uncertaintied grew when she noticed that the house was located in an isolated part of the village. She decided to go back to where she parked her motorcycle. Pero natanaw na pala siya ng tao sa loob ng bakuran.

"Hey! "Tawag ng babae na agad nagbukas ng gate "Come in, "

Anna eyes roamed around as she entered the gate. maganda ang nakita niyang loob ng bakuran. Covered ng well-trimmed grass ang lawn although hindi iyon kawalan. Maayos ang pagkakatanim ng mga halaman sa paligid at maluwang ang garage kung saan nakaparada ang itim na Land Cruiser. Wala roon ang Subaru na nabangga niya. Malamang ay nasa repair shop iyon.

She was expecting to see suspicious personalities as she went through the front door. Gaya halimbawa ng mga lalaking armado., mga mukhang goons tulad sa mga miyembro ng sindikato sa ilang pelikulang napanood niya. Pero wala siyang nakitang ganoon.

Instead, isang unipormadong katulong ang kinausap ng babae nang nasa loob na sila.

Nagpahanda ito ng merienda bago siya sinenyasan na maupo sa leather sofa.

Sunod niyang napansin ang isang malaking nakakuwadrong picture na nakasabit sa pinaka exposed wall ng malawak na sala. Parang enlarged copy iyon ng cover ng isang magazine at naroon ay ang close-up photo ng artistang si Kelly Paraiso.

Ah! Siya yung pinagkaguluhan kahapon! She realized.

Iginala pa niya ang tingin hanggang sa mahagip niyon ang lalaking nakaupo sa isa sa tatlong stool sa mini-bar sa isang sulok. Napaangat nang bahagya ang mga kilay niya nang makilalang iyon ang lalaking basta na lang sumampa sa motor niya nang nakaraang araw. Nakatingin ito sa kanya at hindi niya alam kung bakit parang may kumalabit sa sentro ng dibdib niya nang. Magtama ang mga mata nila.


Kung guwapo ang tingin niya sa lalaki nang una ay parang mas gumuwapo pa ito ngayon. He wore black polo with sleeves rolled up to his elbows, Wrangler jeans and leather shoes. Sa ganoong ayos ay parang napakalinis nito, dahilan para bigla siyang ma-conscious.


Nakasuot lang siya ng personalized t-shirt, faded maong pants at local brand na rubber shoes. Kung itatabi siya rito ngayon ay siguradong magmumukha siyang ewan.



"Si kelly Paraiso ang nasa poster na iyan, "sabi ni Cristina na naupo sa pang-isahang couch sa dulo nh inupuan niya "kahapon, nung nabangga mo kami parang hindi mo siya pinansin. Aren't you a fan of her? "

"Ah hindi ko sya agad na recognize"sagot niya. "Pero kilala ko siya. Sobrang sikat siya, marami siyang commercial sa TV,. Teka bahay,.... Ba niya ito? "


""No this is Nate house"tumingin ang babae sa lalaking nasa mini-bar. "Hes Nathaniel Enchavez and as I have already told you, I'm Cristina Santos. Talent manager ako at isa sa mga alaga ko si Kelly. "

Tumango siya"So paano natin aayusin yung nangyari kahapon? "Ungkat niya habang inilalapag ng lumapit na maid ang dalawang baso ng juice sa center table.


Hindi pa nakakasagot si Cristina nang sumungaw bigla si Kelly Paraiso. Kung saan ito nanggaling ay hindi alam ni Anna dahil hindi naman ito pumasok sa front door.

"Hey! "Nakangiting bati nito, pero natigilan nang makita siya"Oh! Siya ba? "

"Yes"sagot ni Cristina
"Have you told her already? "

"I was just..... starting to tell her. "

"Ah okay, "anito saka gumawi sa kinaroroonan ni Nate

Dahil hindi naman talaga mahilig sa mga artista ay hindi masyadong na-amaze si Anna na may kaharap siya ngayong isa at iyong itinuturing pang pinakasikat sa panahon ngayo. Ang ikinagulat niya ay ginawa nitong pag-abot sa mga labi ng lalaking nilapitan.


Napaangat ang isang kilay niya. Hindi updated pero alam niyang ka-loveteam ni Kelly Paraiso ang artistang si Denver De Vera. Denly ang tAwag sa love team ng mga ito at gaya ng ipino-portray sa TV ang alam ng mahihilig sa showbiz ay magkarelasyon ang mga ito.





Itutuloy








Desire:Nate EnchavezTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon