CHAPTER TWO

530 9 0
                                    

~ ~ ~ ~ ~ ~ ~ ~ ~

Sa pangambang mahulin siya for driving without helmet ay inihinto rin agad ni Anna ang motorsiklo nang bahagyang makalayo

"Why did you stop? "Sita ng lalaki.

"Hindi ako tatawid ng EDSA nang wala akong helmet" sagot niyang mabilis na umibis at lumayo nang ilang hakbang.

Bumaba rin ang lalaki"Im sorry. Kailangan ko lang.... Makalayo agad doon. "
Napakunot -noo siya. Base sa sinabi nito ay malinaw na may tinakasan ito sa pinanggalingan nila. Pero hindi ba't mga babae at ilang binabae lang naman iyong naglapitan sa kotseng sinakyan nito?. Mayroon ba itong atraso sa isa sa mga iyon?

She started at him from head to toe. Mukha naman itong matinong tao. Anong atraso kaya ang puwedeng magawa ng lalaking ganito kaguwapo?. Iniabot nito sa kanya ang helmet saka naglabas ng cellphone mula sa bulsa ng suot na coat.

"Are they still there? "Narinig niyang tanong nito sa kausap sa kabilang linya "I'm here, just a few meters away. Yes, kung sigurado kayong hindi na susunod yang mga iyan okay" Humugot ito ng malalim ba paghinga pagkatapos ng tawag.

Lalong na-curious ang dalaga. Pero mayamaya
Ay napatutop siya sa bibig sa biglang naisip. Sa panahon ngayon mainit ang authorities sa mga taong may illegal activities lalo na sa mga involved sa drugs. Hindi kaya isa ito sa mga under surveillance ng mga alagad ng batas?

Shucks!

Mabilis siyang sumakay ng motorsiklo at nagsuot ng helmet. Idadamay pa yata siya ng kumag na ito sa kung anong problema nito. Ayaw niyang matokhang ano!

Pinipindot ni Anna ang automatic start button ng motor nang pumarada sa tapat niya ang pulang Subaru. Bumukas ang pinto niyon sa driver side at dali-daling pumasok doon ang lalaki. Matapos iyon ay hunarurot na iyon palayo.

Nakamaang na sinundan iyon ng tingin ni Anna. May illegal na bagay kaya ang kinasasangkutan ng lalaking sumakay roon para tumakas nang ganoon?

~ ~ ~ ~ ~ °°°°°°~ ~ ~ ~ ~ ~

Hindi man agad naka-move on sa kakaibang na-exprience nang umagang iyon ay nawala rin sa isip ni Anna ang nangyari nang makauwi siya sa bahay. Dinatnan niya si Mark na nanonood ng TV sa sala, kaharap ang isang platong kanin na may nakapatong na dalawang tipak ng fried chicken.

"Si Daddy? "Tanong niya rito.

"Di pa umuuwi. Kung saan na naman siguro kinaray n'ung matandang dalagang prospect niya, " sagot nito sa pagitan ng pagunguya.

"Hindi matandang dalaga si Rosana. Biyuda yon, "pagtutuwid niya

"Whatever"ismid nito.

"Bakit ba ang init ng dugo mo dun sa tao? "

"Epal eh. Dahil sa kanya kaya kinalimutan na ni Daddy si Mommy"

"Ano ka ba? Tatlong taon nang wala si Mommy. "

"Kaya dapat na siyang kalimutan? "Umingos ito.

"Bahala kayo kung yan ang gusto nyo, Pero huwag nyo akong igaya sa inyo"

Angel rolled her eyes habang hinuhubad ang kanyang jacket. Sa kanilang tatlo ng daddy bila ay si Mark ang hindi pa talaga nakaka-recover sa naging pagkawala ng ilaw ng kanilang tahanan.

Things, actually, had never been easy for her,. Isa silang masaya at masasabing almost perfect na pamilya dati. Very close sila kahit apat lang sila. May mataas na posisyon sa isang goverment agency ang daddy nila habang mina-manage ng mommy nilang si Lenie ang tatlong hardware stores nila sa iba't ibang parte bg Quezon City. Although hindi nila itinuturing na isa silang mayamang pamilya, masasabing maalwan naman ang pamumuhay nila nang mga panahong iyon.

Sabay silang nagtapos ng pag aaral ni Mark. Siyempre, dahil kambal ay magkaedad sila. Business Management ang kurso nito habang Fine Arts ang kanya. Everything was smooth-sailing in their family, hanggang isang araw ay ipinakita ng tadhana na kahit nang isang magandang pamilya na gaya ng sakanila ay hindi exempted sa mga pagsubok sa buhay.

Nasa bangko ang mommy nila noon nang pasukin iyon ng mga hold-upper. Dahil nagtangkang manlaban ang mga security guards ay nagkaroon ng barilan at isa si Lenie sa naging casualties.

Para silang pinagsakluban ng langit at lupa sa nangyari. Part of each of them also died with her. Pare parehong silang nawalan ng direksyon. Nalulong si Greg sa pag inom ng alak at napabayaan ang sarili at ang trabaho dahilan para ma-terminate ito. Si Mark naman na katu-katulong ng mommy sa pagpapatakbo ng negosyo ay ini-isolate ang sarili sa mundo. Hindi na ito naglalabas ng bahay at ibinunton ang sama ng loob sa maghapong panonood ng TV, pagbabad sa Internet at walang kontrol na pagkain.

At siya.... Oh well, she cried almost everyday for months, na para bang iyon na lang ang gusto niyang gawin sa buhay. At dahil pare-pareho silang nawalan ng pakialam sa maraming bagay ay naging mabilis ang pagbagsak ng kabuhayan nila. Nawala halos lahat ng naipundar ng kanilang pamilya.

Pero masasabing masuwerte pa rin si Anna. Marahil ay malakas lang talaga ang personality niya dahil siya ang unang natauhan. It happened when some of her friends convinced her to go hiking outside Metro Manila.

Habang nasa summit ng isang bundok ay nakatingin sa ibaba ay parang nakita niya muli kung gaano kaganda ang mundo. Na realize niya na marami pa silang magagawa. Life has to go on. For them at ang pagtalikod nila sa buhay ay hindi ikinatutuwa ng mommy niya saanman ito naroroon.

"Alam mo, dapat matuwa ka na lang dahil masigla na ulit si daddy, " sabi niya habang isi nasabit ang hinubad na jacket sa likod ng pinto.

Siya rin ang naging responsable para matauhan si Greg sa realidad. Siya kasi ang unang gumawa ng paraan para mabawi ang mga nawala sa kanila. Itinayo niya ang dati na niyang pangarap na printing business sa isang sulok ng kanilang garage. Struggling ang unang buwan ng maliit na negosyong iyon. Pero eventually ay naging maayos din ang takbo. Dumami ang customer nila at isa na roon si Rosana. Nagpaimrenta ito ng mga t -shirts at tarpaulin para. Sa zumba club na ini-sponsor nito. Ito ang nagyaya sa daddy niya na maglabas ng bad vibes sa katawan sa pamamagitan ng sasakyan pag e-exercise. Hanggamg sa naging jogging partner na ito ni greg

"Bakit ako matutuwa doon?? " asik ni Mark

"Paano kung dalhin niya rito ang babaeng iyon at ipalit sa puwesto ni mommy? "

"Masyado ka namang advance mag isip. Friends lang sila" anang dalaga saka umiling. Bagaman katulong niya ang kakambal sa trabaho ay hindi pa rin niya it maibalik sa dati. Hindi niya alam kung ano ang hindi niyo maiwan sa saring mundong nilikha matapos mawala ang mommy nila. Ang mga alaala ba o ang mga pagkain na pinili nitong makasama sa mundong iyon? Sobrang overweight na ito at nag-aalala na siya sa kalusugan nito.

"Sa ngayon. Pero pag hindi tumigil si Daddy sa kakasama sa babaeng iyon, hindi malayong mangyari yung sinabi ko. Ikaw ba gusto mong makasama rito sa bahay ang babaeng iyon at pumalit sa puwesto ni Mommy? "


"Walang puwedeng pumalit sa puwesto ni Mommy. Mark. Alam mo., ang dapat mapalitan ay yang habit mo. Ang bilis maubos ng laman ng ref natin dahil diyan, eh"

"Nagtratrabaho ako kaya may karapatan akong kainin ang laman ng ref"muli siyang inismaran nito

"Hindi mo ko dapat pinagsasalitaan ng ganyan mas matanda ako sa iyo, baka nakakalimutan mo"

"Sus five minutes lang naman yon"

"Kahit na. Nauna parin akong lumabas", anito saka dumukot ng pagkain sa kandong na plato at isinubo nang pakamay.








Itutuloy



Desire:Nate EnchavezTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon