Chapter 1 Finding My True Love

219 4 0
                                    

“Hindi ko mahal si Yuan kundi ang pera at mamanahin lang niya. Hindi ko kayang mahalin ang tulad niya. Im sure kung meron mang magmamahal sa kanya dahil lang din sa kayamanan niya.” Iyan ang kataga na wika ng dati niyang kasintahan na si Vinia na paulit ulit na naririnig niya kahit matagal na niya ito narinig. Ito ang salita na hindi niya malilimutan dahil ito ang salitang ayaw niyang marinig sa babaing kanyang mamahalin muli.

” Yuan,pare okey ka lang ba?” wika ng kaibigan niya pagpasok nito sa opisina niya. Nakita kasi siya nitong tulala na naman.Pinapasok na siya ng sekretarya nito dahil hinihintay na siya ni Yuan kahapon pa.

” May nakita ka na bang bahay na matutuluyan ko?” tan0ng niya agad dito at hindi na sinagot ang tanong nito. “Sigurado ka na ba sa gagawin mong pagtira doon? Squatters area iyon malayong malayo sa lugar na kinalakhan m0,pare. Kakayanin mo kayang mabuhay doon?” ang mahabang litanya ng kaibigan niyang si Kenny sa pagtira niya sa squatters area. Hindi kasi ito makapaniwala sa gusto niyang gawin na magpanggap bilang mahirap upang mahanap ang totoong magmamahal sa kanya.

“Sigurado na ako,pare. No one can change my mind even lola and lolo.”ang paninigurado niya sa kaibigan saka muling nagsalita. “May nakita ka na bang bahay, Kenny? I want to transfer there as soon as possible.” ani nito.

“Meron na akong nakita maliit pero maayos naman kaya puwede ka ng lumipat doon. Kung gusto mo puwede nating puntahan mamaya o bukas ang bahay.” sambit ni Kenny.

“Huwag na!Lilipat na naman ako doon sa makalawa eh. Ang importante may matutuluyan na ako.” ang tugon niya.

“Paano itong company? Sino papalit sa iyo dito?” ang tanong ni Kenny.

“Si Tom muna pansamantala ang papalit sa akin dito habang wala ako dito.” ang sagot niya sa kaibigan.

“Ah okey! Sige,pare mauna na muna ako may tatapusin pa pala akong trabaho. Kita na lang tayo mamaya.” pamamaalam nito at sabay tayo para makipagkamay sa kaibigan.

“Sige,pare ingat ka. Kita na lang tayo mamaya.” tugon niya sa kaibigan at ito ay umalis na.

“Kamusta po,Mang Kardo? Busy po kayo sa paglilinis niyang kuwarto ah.” ang pangungumustang wika ng dalagang si Yanyan sa kapitbahay nilang balo.

” Heto mabuti naman. May lilipat na kasi dito,Yanyan baka sa makalawa lilipat kaya nililinisan ko na. Eh ikaw,kamusta naman?” ang wika nito sa dalaga.

“Ah ganoon po ba. E, di mabuti po para may bago na naman pong kapitbahay. Mabuti naman po ako kahit pagod kakauwi lang po galing sa palengke. Bumili nga lang po ako ng lutong ulam diyan sa kanto para may maiulam mga kapatid ko.” mahabang litanya niya sa kausap.

“Alam mo binata ang uupa dito. Baka bagay kayong dalawa.” panunukso nito sa dalaga.

“Kayo po talaga,Mang Kardo ako na naman nakita ninyo. Pass na po muna ako diyan. Ayoko na po muna. Alis na po ako,Mang Kardo baka po nagugutom na mga kapatid ko” ang wikang paalam niya pero ang totoo ay umiiwas lamang siya sa topic na ganoon dahil hindi pa siya nakakamoveon sa huling relasyon niya.

” Okey! Ingat ka,Yanyan. Ikamusta mo ako sa mga kapatid mo.” pahabol na wika ni Mang Kardo.

“Ate Yanyan,sabi nga po pala ng teacher namin sa katapusan daw po ng buwan may babayaran daw po kame na two hundred fifty pesos pati rin daw po sila Emman.” ang wika ng pangalawa niyang kapatid na si Ricky pagdating niya ng kanilang bahay.

” Hala! Sa katapusan na ba iyon? Wala pa akong pera. Bale five hundred ang babayaran ninyong dalawa. Sige, pag-iipunan ko at kung magkulang uutang na lang muna ko kay Aling Celia.” ang wika niya sa kapatid.

Ayaw mo pa kasi kaming hayaan na tulungan ka,ate magtrabaho.” reklamo ng kapatid niyang si Ricky dahil awang awa na ito sa kanilang ate na simula ng mamatay ang kanilang mga magulang ay ito na ang nagtatrabaho upang mabuhay silang magkakapatid.

” Oo nga,ate. Kahit magtinda lang kame ng diyaryo at pandesal sa umaga bago po kami pumasok sa iskwelahan para matulungan ka po namin kahit papaano sa gastos po sa iskwelahan.” segundang wika ng bunsong si Emman.

Nasa high school na ang pangalawa niyang kapatid na si Ricky at nasa elementarya naman ang bunso nilang kapatid.

“Hay naku! Tumigil kayong dalawa diyan. Ang gusto kong gawin ninyo ay mag-aral ng mabuti para kahit mahirap lang tayo nakapagtapos kayo. Gagawin ko ang lahat makapagtapos lang kayong dalawa. Lalo kayo mga lalake kayo.Magiging padre de pamilya kayo balang araw kaya talagang kailangan ninyong makapagtapos para magkaroon kayo ng magandang trabaho.” mahabang wika niya sa mga kapatid. Dahil sa totoo lang gusto niya talagang mapagtapos sa pag-aaral ang kanyang dalawang kapatid hanggang kolehiyo. Ayaw niyang matulad ang mga ito sa kanya na nahihirapang makahanap ng magandang trabaho dahil sa hanggang second year hayskul lang ang natapos. Kaya hanggang sa pagtitinda na lang ng gulay sa palengke ang kanyang trabaho.

Opo,ate mag-aaral kaming mabuti ni kuya para naman masuklian namin ang paghihirap mo para mapag-aral kami. Kaso po puwede po bang kumain na tayo,ate kasi nagugutom na dinosaur ko sa tiyan eh. Baka kainin tayo.” ang pakuwelang sambit ng bunso niyang kapatid na si Emman habang himas-himas ang tiyan na halata mong gutom na gutom na talaga.

“Ikaw talaga,Emman seryoso si ate bigla kang nagpatawa. Malapit na ngang umiyak si ate Yanyan oh.” ang tugon naman ni Ricky habang tumatawa sabay lapirot sa ilong ng kanilang ate na siyang ikinagulat nito. Dahil sa nakita nilang reaction sa kanilang ate ay kapwa silang tumakbo papalayo rito.

” Kayo talagang dalawa ha! Lagot kayo sa akin kapag naabutan ko kayo.” sambit niya at sabay habol sa kanyang dalawang kapatid. Sila nga ay naghabulan sa loob ng kanilang munting tahanan. Nang kanyang abutan ang dalawang kapatid ay kanya itong kiniliti hanggang sa kiniliti din siya ng mga ito. Hindi nagtagal ay kapwa na rin silang napagod kaya kumain na rin sila.

” Yuan apo ko, totoo ba sinabi sa amin ni Kenny na lilipat ka na raw at talagang itutuloy mo ang plano mo?” wikang tanong ng kanyang lola.

“Opo,lola sa makalawa na po ang lipat ko doon.” ang magalang na sagot niya. “Hindi na ba namin mababago ng lola mo iyang plano m0,apo? Alam mo naman kung gaano kami kasanay na nandito ka.” ang wika ng lolo niya. “

Sigurado na po ako lolo at lola. Huwag po kayong mag-alala dadalaw pa rin naman po ako dito sa inyo. Tulad ninyo po mamimiss ko rin kayong dalawa. Mahal na mahal ko po kayo eh.” ang malambing na wika niya sa kanyang lolo at lola sabay salita muli. ” Saka malay ninyo sa pagtira ko muli dito may kasama na ko.” ang pabirong wika niya. ” Bueno apo, kung saan ka masaya susuportahan ka namin ng lola mo. at siguraduhin mo lang na dadalawin mo kame dito” ani nito.

” Dahil kung hindi pupuntahan ka namin sa tinitirahan mo.” pabirong pananakot ng kanyang lola sa kanya. “

Nakakatakot naman si lola. Syempre naman pupuntahan ko pa rin kayo dito. I love you,lolo at lola.” seryos0ng wika niya sa mga ito at humalik sa mga noo nito.

Kung hindi lang talaga kailangan na umalis siya pansamantala sa kanilang mansiyon ay hindi niya iiwan ang kanyang lolo at lola dahil ni minsan ay hindi pa siya nahiwalay sa mga ito. Mahal na mahal niya ang mga ito kaso nga lang kailangan niyang patunayan sa kanyang sarili na may magmamahal sa kanya bilang siya at hindi lang dahil sa kayamanang meron siya. Hindi man siya sigurado kung may magandang mangyayare sa kanyang plano pero handa siyang tumaya panget man ang maging resulta nito.

Finding My True LoveWhere stories live. Discover now