Makalipas ang dalawang linggong pag-iisip at pagkalap ng impormasyon ni Julio tungkol sa ginawa ni Vinia ay sasabihin na niya ang lahat ng kanyang nalalaman kay Yanyan. Sana hindi pa huli ang lahat para lumigaya sina Yuan at Yanyan. Nang nakipag-ayos siya sa dalawa ay totoo at tapat iyon. Hindi na rin siya nakipagsabwatan pa kay Vinia. Napag-isip-isip niya kasi na kung mahal niya talaga si Yanyan ay hahayaan niya itong lumigaya sa piling ng taong mahal nito na alam naman niyang mahal na mahal din ito. Darating din naman ang araw para siya naman ang lumigaya.
” Yanyan, may sasabihin ako sa’yo. Ang totoong nangyare kina Vinia at Yuan. ” bungad niyang panimula dito habang pareho silang nasa sala nito.
” Hindi ako interesado,Julio. Kaya huwag mo ng sabihin pa. ” ang suway nito sa mga sasabihin pa ni Julio sa kanya.
” Kahit sabihin kong inosente talaga si Yuan sa lahat at gusto lang talaga ni Vinia na magkahiwalay kayong dalawa? ” patuloy pa rin ni Julio sa kanyang gustong sabihin dito.
” Anong ibig mong sabihin,Julio sa sinasabi mo? “
” Inosente si Yuan. Lahat ng nangyare ay planadong lahat ni Vinia. ” Isinalaysay nga niya dito ang lahat ng kanyang nalaman at pati ang pakikipagsabwatan niya dito ng una hanggang sa pag ayaw na niyang makipagsabwatan dito sinabi niya lahat.
Sa mga nalaman niya buhat kay Julio ay sising-sisi siya sa ginawa kay Yuan at galit na galit siya kay Vinia. Pinaglaruan sila nito at higit sa lahat ay ang pagsira ni Vinia sa pagkakaroon ng magandang pamilya sana ng batang nasa kanyang sinapupunan. Pero mabuti na lang ay nalaman niya agad ang mga iyon. Gagawa siya ng paraan para magkabalikan sila ni Yuan at lalo ang mapatawad siya nito. Sana hindi pa huli ang lahat para sa kanila ni Yuan.
” Salamat sa mga sinabi mo, Julio. Kaya lang hindi ko alam kung paano magsisimula kay Yuan. Sobra ko siyang sinaktan at pinagbintangan sa bagay na hindi naman pala niya ginawa. Kung sana pinakinggan ko lang ang paliwanag niya. ” ang mangiyak-ngiyak na wika ni Yanyan kay Julio.
” Sshhh.. Dont cry, Yanyan. Its not your fault. Everything will be alright. Yuan loves you. ” ang pag-aalo nito sa umiiyak na dalaga.
” Sana nga,Julio. Sana mahal pa ako ni Yuan. ” tanging naibulalas nito kahit umiiyak pa rin.
Sa mansyon naman nila Yuan ay abala na siya sa pag-eempake ng kanyang mga damit. Sa makalawa na kasi ang kanyang flight papuntang Canada. Doon na siya maninirahan para maasikaso ang kanilang bagong biling steel company sa bansa na iyon. Magbabakasyon na lang siya paminsan-minsan dito sa Pilipinas para makasama ang kanyang lolo at lola.
” Sigurado ka na ba,pare sa ginagawa mo? Talaga bang iiwan mo na kami dito sa Pilipinas? ” bungad sa kanya ng bagong dating na si Kenny galing sa restaurant nila.
” Oo naman, pare kaya ikaw na ang bahala sa lahat dito lalo kina lolo at lola. ” mabilis naman niyang sagot dito habang isa-isang tinitiklop ang mga damit sa maleta.
” Si lolo at lola lang ba? Hindi ba kasama si Yanyan at ang magiging baby ninyo? ” tudyo nito.
” Of course pati sila. Kahit naman hindi ko sila ihabilin sa iyo aalagaan mo naman sila, di’ba? ” halata sa tinig nito ang kalungkutan.
” Para sa’yo oo naman.Babalitaan pa kita araw- araw. ” pakwelang sambit ni Kenny pero ang totoo ay gusto lamang niyang mapatawa ng konti ang kaibigan niyang alam niyang nahihirapan.
” Aasahan ko yan,Kenny kung hindi sisisantihin kita sa trabaho mo. ” biro rin niya dito.
” Hindi ka ba magpapaalam sa kanya? ” biglang seryosong tanong nito at umupo na sa kama habang hinihintay ang isasagot niya.