“Manong, paano po ang tubig dito?” ang tanong agad ng kaibigan niyang si Kenny sa may-ari ng bahay na si Mang Kardo. Aakalain mo tuloy na ito ang titira sa bahay na iyon.
” Umiigib lang kame ng tubig dito. Sa may labasan may makikitang poso tapos maraming nakapila doon kami umiigib ng tubig. Kailangan nga lang gumising ng maaga para ikaw mauna sa pila. May iniwang drum sa likod ng bahay ang dating nakatira dito kaya puwede ninyong magamit iyon ng kasama mo.” ang mahabang paliwanag ni Mang Kardo.
“Yuan ayos na ba itong bahay sa iyo at ang tungkol sa tubig?” ang tanong nito kay Yuan ngunit hindi pala ito nakikinig sa kanila dahil busy ito sa kakatitig sa isang babaing nakikipag-kuwentuhan sa tindahan kaya hindi niya alam ang pinag- uusapan nina Kenny at Mang Kardo.
” Yuan, are you with us?” ang tanong ulit niya sa kaibigan at biglang bumalik sa huwisyo ang binata.
” Ano nga ba uli iyong sinasabi m0,pare?” ang napapahiyang tanong niya sa kaibigan ngunit hindi pa rin naaalis ang tingin niya sa dalagang pumukaw ng kanyang atensyon.
“Ang sabi ko kung okey lang ba sa iyo itong bahay at iyong sa tubig.” ulit na wika ni Kenny.
” Oo naman. Ayos na sa akin iyon.” mabilis na sagot ni Yuan.
” Kung ganoon naman pala maiwan ko na kayo kasi may pupuntahan pa ako. Punta na lang ako dito mamaya kung sakaling may itatanong pa kayo.” pamamaalam nito.
” Sige po,ingat po kayo.” tugon niya.
Nang naiwan na silang dalawa ng kaibigan niyang si Kenny ay inayos na nila ang kaunting gamit na pinamili nila na gagamitin niya sa pagtira sa bahay na iyon.
“Sa tingin mo ba may kakailanganin pa akong bilhin na gamit dito sa bahay?” tanong niya sa kaibigan.
” I think you need to buy new bed. Tingnan mo papag lang iyang tutulugan mo. For sure sasakit iyang likod mo diyan.” sagot nito.
” Ayos na itong papag na ito para tulugan ko. Kasama na iyan sa pagtira ko dito. Kailangan ko na lang magkaroon ng trabaho.” sambit niya.
” You mean maghahanap ka pa rin ng trabahong pang mahirap?” gulat na tan0ng ni Kenny sa kaibigan niyang si Yuan. Hindi kasi niya inaasahang maghahanap din ito ng trabaho bukod sa pagtira sa lugar na iyon. Hindi kasi siya sang ayon sa plano nito dahil hindi niya nakikitang makakaya ng kaibigang matalik ang pagtira sa squatter’s area na iyon sapagkat lumaking mayaman ang kaibigan niya na kahit kelan ay hindi naranasang maghirap.
” Oo, pare sigurado ako. Huwag kang mag-alala sa akin makakaya ko ito. Saka alam mo naman kapag ginusto ko eh.” mabilis na sagot nito.
” Bahala ka talaga. Sana lang hindi ka mahirapan.” sambit nito at iniwan siyang nag-iisa sa sala.
” Kakayanin ko talaga at hindi ako susuko. Makikilala ko rin ang babaing nakalaan para sa akin. Mamahalin niya ko ng totoo at hindi lang dahil sa pera ko” wika niya sa kanyang sarili. Sobra kasi siyang nasaktan sa mga narinig niya sa kanyang dating nobya. Akala niya totoong mahal siya nito dahil siya totoo niyang minahal ito. Aalukin na niya sana ito ng kasal noong araw na marinig niya ang katagang hinding hindi niya makakalimutan at nagbigay ng malaking lamat sa kanyang puso.
Kinagabihan ay hindi dalawin ng antok si Yuan kahit na matagal na siyang nakahiga kaya napagpasyahan niyang magpahangin muna sa labas baka sakaling antukin siya maya-maya. Hindi pa siya nakakaupo sa bangko ng biglang may narinig siyang babaeng humihingi ng saklolo. Hindi na siya nagdalawang-isip pa kanya na itong sinaklolohan. Nang nakarating na siya sa lugar na iyon ay nakita niya ang babae na hawak-hawak ng dalawang lalakeng lasing sa braso.