” Malapit na tayong magkita,Ianna. Mahal na mahal pa rin kita. Wala ng makakapaghiwalay sa ating dalawa. ” ang usal sa sarili ni Julio habang titig na titig sa litrato ng dating nobya na hanggang ngayon ay mahal na mahal pa rin niya.
Kahit taon na silang hiwalay nito ay hindi kailanman nawala ang dalaga sa kanyang isip lalong lalo na sa kanyang puso. Marami man siya naging ibang nobya ay wala ni isa man sa mga ito ang pumalit sa puso niya. Sinubukan niyang magmahal ng iba ngunit hindi siya nagtagumpay na magmahal ng iba.Tanging ang dating nobya niyang si Ianna ang nasa puso niya. Hindi niya talaga nais na hiwalayan ang dating nobya kung hindi lang talaga inatake sa puso ang kanyang mama noon. Mula ng maghiwalay sila ng dating nobya ay para na rin siyang namatay dahil ang nobya lang ang kanyang buhay. Sobra niyang mahal ito. Desidido na siyang balikan muli ang dating nobya kahit magalit pa ang kanyang mga magulang na hanggang sa ngayon ay hindi pa rin gusto ang dalaga. Gagawin niya ang lahat para lamang magkabalikan sila ng dating nobya. Ito lamang ang tanging babae ang gusto niyang makasama habambuhay. Mahalin man siya nitong muli o hindi ay okey lang sa kanya basta ang importante ay makasama niya ito habambuhay. Wala ng sinuman ang makakapaghiwalay sa kanila.
Abala sa paglilinis ng kanilang bahay si Yanyan ng biglang may nahulog na litrato sa kabinet na kanyang nililinisan. Agad niya itong dinampot at bigla na lang nagbalik ang alala sa kanya noong kasama pa niya ang taong nasa litrato. Wala rin siyang kaalam- alam na isang buwan na lang ay muli ng magbabalik sa Pilipinas ang dati niyang nobyo na si Julio.
Ikadalawang taon na anibersaryo nila noon iyon ni Julio. Nagcelebrate sila nito sa Baguio. Ang araw na iyon na ang pinakamasayang anibersaryo nila dahil kahit na mraming pagsubok
sa kanilang relasyon ay umabot pa sila ng dalawang taon. Hindi kasi siya gusto ng mga magulang nito dahil mahirap lamang siya samantala ang pamilya ng nobyo niya ay isa sa mga
mayayamang tao sa mundo. Pilit silang pinaglalayo ng mga ito pero talagang pinaglalaban siya ng nobyo dahil mahal na mahal siya nito tulad ng pagmamahal niya dito.
” Happy second year anniversary,mahal ko. ” masayang bati ni Julio sa nobyang si Ianna sabay abot ng mga roses at chocolates.
Kasalukuyang inihahanda ng nobya ang kanilang baon na pagkain na kanilang kakainin ng tanghali na iyon. Picnic style ang kanilang ayos. Dahil pareho nilang naisip iyon. Ang kanilang
baon ay ang paborito nilang pagkain pritong manok, adobo, kanin, ,sandwich, softdrinks at prutas. Masaya na sila kapag magkasama silang dalawa.
” Thank you,mahal ko. Happy anniversary din. ” ganting bati nitong niyakap ang nobyo.
” I love you very much, Ianna. You’re the most important person in my life now and forever. ” malambing na sambit ni Julio na titig na titig sa magandang mukha ng nobya.
” Mahal na mahal din kita, Julio. Mahal na mahal ng sobra. ” tugon naman ng nobya niya na tulad niya ay titig na titig din sa nobyong si Julio.
” Always remember that whatever happens I love you and I always will,Ianna. ” saad niya and he kissed Ianna in forehead.
” Yeah! I will remember that,Julio. Ikaw lang ang mamahalin kong lalaki at wala ng iba pa. ” she said sincerely.
” You’re my life,Ianna. “
” You’re my life too,Julio. ”
Laking pagtataka ni Yanyan sa sarili kung bakit sa pagkaalala niya ng pangyayaring iyon ay bakit hindi na siya nakakaramdam ng panghihinayang at lungkot. Dati naman kapag naiisip niya iyon ay sobra pa siyang nasasaktan at umiiyak pa nga siya pero bakit ngayon hindi na. Di ba nga dinadrama-drama pa niya iyon dati