” Marianna Baltazar,ang ganda yata ng mga ngiti natin diyan ha!” sitang wika ni Cleo sa kaibigang si Yanyan. Kanina pa niya kasi ito nakikitang nakangiti.
” Siyempre,bez feeling ko maganda na naman ang magiging araw ko ngayon at makakaubos na naman tayo ng paninda natin.” mabilis na sambit niya na may mga ngiti pa rin sa labi.
Maganda kasi talaga gising niya kahit alas-tres ng madaling araw siya laging nagigising para mamakyaw ng kanilang ititinda sa palengke. Idagdag pang hindi na niya muling nakita ang lalaking kinaiinisan niya ng sobra.
” E, d maganda.bez para malaki na naman kikitain nating tatlo nila Tita at matutuwa na naman iyon sa ating dalawa.” nakangiting hirit naman ni Cleo sa sinabi ng kaibigan.
” Ano’ng sa ating dalawa? Correction,sa akin lang matutuwa si Tita noh! Saka panigurado iyon lalo pa marami akong suki.” paniniyak niyang wika na nakangiti pa rin.
” Lakas ng fighting spirit mo,bez ah!” tugon naman ni Cleo na hindi yata napansin ang unang sinabi nito.
Makikita mo talaga sa itsura ni Yanyan ang saya lalo sa kanyang mga mata. Ngunit lingid sa kanyang kaalaman na ang araw din na iyon ang sisira sa maganda niyang araw dahil sa isang taong kanyang makikita.
” Dito na lang,hijo. Salamat sa pagtulong dito sa mga pinamili ko.” ani ng isang ginang na tinulungan ni Yuan sabay abot sa kanya ng fifty pesos.
” Naku,wala po iyon, Ayos lang po iyon trabaho ko naman po ito. Sige po ingat po kayo.” wika naman niya sa ginang ng kanyang maihatid sa tricycle.
Halos dalawang linggo na rin siyang nagtatrabaho bilang kargador sa palengke. Nahihirapan man siya sa trabaho ay masaya naman ang pakiramdam niya dahil nakakatulong siya sa bawat taong kanyang natutulungan kahit ang kapalit ay kaunting halaga. Hindi niya rin akalain na sa pagkakargador niya makikita ang kanyang matagal ng gustong makita. Kapag kasi pumunta siya sa puwesto nila Cleo ay hindi niya naaabutan ang dalagang si Yanyan pero ngayong araw na iyon ay magkikita na sila.
” Hi miss! Saan nga pala ilalagay itong banyera ng isda?May binili lang si Cleo kaya nauna na ako dito.” magalang na bungad ni Yuan sa kausap pero hindi niya naaaninag ang itsura ng kausap dahil ito ay nakayuko na parang may inaayos na hindi niya alam.
” Pakilagay na lang po diyan sa gilid.” mabilis na sagot ni Yanyan na nakayuko pa rin kaya hindi niya nakikita kung sino ang kausap niya.
” Dito po pa?” muling tanong ni Yuan na sinisigurado kung doon ba sa kinatatayuan niya ilalagay ang banyera ng isda.
” Sige po diyan na lang po. Ayusin ko na lang po mamaya pagkatapos ko dito.” medyo inis na niyang wika sa kausap.
” Sigurado ka ba sa sinasabi mo? Kasi kung dito ko ilalagay nakaharang sa daan eh. Bakit kasi hindi ka humarap sa kausap mo at iwan mo muna iyang ginagawa mo para magkaintindihan tayo.” pagsusungitan ng lalaki kaya naman hindi nakaligtas iyon sa pandinig ni Yanyan kaya asar niyang hinarap ang lalaki. Sa kanyang pagharap dito ay hindi niya inaasahan ang kanyang makikita at maging ang lalaki ay ganun din kaya naman pareho sila ng nasabi sa pagkakabigla.
” I-K-A-W?” sabay nilang nasambit sa pagkabigla na makikita mo talaga sa kanilang maaamong mukha,
” Anong ginagawa mo ditong lalaki ka ha? Kapal ng mukha mong magpakita pa sa akin.” nanggagalaiting wika ni Yanyan ng makita muli ang lalaking kinaiinisan.
” Hindi makapal ang mukha ko ha! Super guwapo lang na magpapa-ibig sa iyo,Miss Dragon.” sabay kindat ni Yuan sa dalagang si Yanyan lalo nitong ikinainis.
” Hindi lang pala makapal ang mukha mo kundi AMBISYOSO pa in capital letters pa. As if namang iibig ako sa mukhang bakulaw na tulad mo. Kung ikaw din lang ang lalaking mamahalin ko huwag na lang,oy!” inis na sambit niya kay Yuan. Kapal talaga ng mukha nitong lalaking ito. wika niya sa sarili.
” Hindi ah! Im just telling the truth,Miss Dragon. Im one hundred percent sure that you will fall inlove with me more than i expected.” paninigurado nito at nagsalita ng wikang english. Sarap na sarap siyang inisin ang babaeng kausap kasi naman lalong gumaganda ito sa paningin niya kapag naaasar.
” Aba’t may paenglish-english pa ang walanghiyang bakulaw na ito.” usap niya sa sarili.
” I assure you,bakulaw I will never fall inlove with you because you are the one who will fall in love with me. I’ll make it sure.” sabay irap na wika ni Yanyan sa kausap na si Yuan.
” Whew! Ang feeling mo pala eh. Me, will fall inlove with you? I wont allow it to happen.” pang iinis na naman niya.
” Whatever! Puwede bang umalis ka na dito bago pa kita masaktan.” pagtataboy niya dito dahil sa totoo lang asar na asar na siya sa kaharap sobrang feeling.
” Masaktan o baka mahalikan?” pagtutuwid nito ng huling sinabi nito at ang tono ay nang-iinis na naman with matching beautiful eyes pa.
Imbes na magalit sa narinig ay may kalokohan siyang naisip ng mahagip ng kanyang mga mata ang banyera.
” Oo naman gusto kitang halikan. Sandali lang ha!” malambing na wika niya kay Yuan at dahan-dahan siyang lumapit sa banyera ng isda para kumuha ng isang malaking isda. Walang kaalam-alam ang binata sa binabalak ni Yanyan. Nakatalikod pa naman si Yuan dahil may tumawag sa kanya na kargador din sa palengke kaya hindi niya nakita ang ginawa ni Yanyan na paglapit at pagkuha ng isda sa banyera.
” Ready ka na ba sa halik ko,bakulaw?” malambing na tanong nito.
” Sige ba!” nakangiting harap niya sa dalaga. Sa kanyang pagharap sa talaga ay biglang duldol sa kanya ng isda.
” Ito halikan mong,bakulaw ka.” inis na wika ni Yanyan sabay duldol ng isda sa labi ni Yuan.
” Aray! Ano ba? Masakit ha!” angal niya sa ginagawa sa kanya ng dalaga.
” Bagay lang yan sa tulad mong bakulaw. Eto pa halikan mo pa. Kapal ng mukha mo” wika ni Yanyan na hindi pa rin tumitigil sa ginagawa niya. Habang ang kanilang paligid ay puno na ng taong nakikiusyoso
” Tama na naman. Masakit na talaga! Tama na.” angal niyang wika muli.
Nang makita ni Cleo na maraming tao sa kanilang puwesto ay nagmamadali siyang pumunta dahil akala niya ay mga mamimili ang mga iyon. Kaya naman laking gulat niya ng makita ang kanyang bestfriend na si Yanyan na may lalaking hinahampas ng isda.
“Bez,tama na yan. Tigilan mo na yan.” pagsusumamo niya sa kaibigan at pilit niyang kinuha ang hawak-hawak nitong isda.
” Wag mo akong pigilan,bez. Masyado yang lalaking yan eh.” galit na wika niya habang inilalayo na siya kay Yuan.
Ito namang si Yuan ay parang basang sisiw sa kanyang itsura. Ikaw ba naman ang hampasin ng paulit- ulit sigurado ganoon din magiging itsura mo.
” Layo mo na nga iyan sa akin,Cleo. Grabe ginawa sa akin oh!” sumbong nito sabay punas sa kanyang sarili.
” Bagay lang sa iyo iyan.” sigaw muli ni Yanyan.
” Ano bang ginawa ko sa iyo? Wala naman akong ginawa ah!” sambit ni Yuan habang pinupunasan ang sarili.
” Tumigil na nga kayong dalawa. Tama na ha!” awat niya sa dalawa at muling nagsalita muli. Kayong lahat diyan umalis na kayo tapos na ang palabas.” pagtataboy niya sa mga taong nakikiusyuso at muling binalingan ang dalawa.
” Kayong dalawa,ano bang problema ninyo? Daig nyo pa ang bata sa inasal nyo kanina ha? Hindi na kayo nahiya.” talak niyang wika sa dalawa na ang boses ay kunwaring galit.
” Ewan ko ba diyan sa babaing yan. Bigla na lang akong inaway at hinampas ng isda.” mabilis na sumbong ni Yuan kay Cleo. Sa narinig na sinabi ng lalake sa kaibigan ay nabuhay na naman ang kanyang inis sa lalake.
” Ewan mo ha! Kapal ng mukha mo. Bastos!” sigaw niyang muli kay Yuan at nagtatangkang sugurin muli si Yuan. Buti na lang naharangan agad siya agad ni Cleo.
” Naku, Yuan umalis ka na muna kasi galit na galit sa iyo ang bestfriend ko. Mag- usap na lang tayo sa susunod.” pagtataboy niya dito.
” Mabuti pa nga. Daig pa ng kaibigan mo ang isang dragon eh.” wika niyang ngingisi-ngisi na nakatingin kay Yanyan.
“Pang-asar talaga.” wika na lang niya sa sarili. Tanging matalas na irap na lang ang tinugon ni Yanyan sa nakakalokong sinabi ni Yuan. Kung nakakamatay lang ang binigay na irap ni Yanyan sa binata siguradong patay na ito sa kinatatayuan nito ngayon.