9 pm na at pauwi palang ako ngayon. Masyado kasi akong ginagabi dun sa bar na pinagkakantahan ko. Tapos sakto pang nasira ang kotse ko.
Malas talaga tapos ngayon sa bahay ko sa Navotas ako uuwi. Kaya nandito ako sa LRT ngayon.
Pagsakay ko ng LRT. Pito na lang ang tao sa tren. Mapasarado na rin kasi e. Kaya unti na lang ang sumasakay.
Tumabi ako sa isang lalakeng nakashades at nakacup.. pero kahit na tago ang mukha niya e. Mahahalata mong gwapo siya.
Tatlo lang kaming babae.. then the rest lalake na.
*U.N STATION*
Bumaba yung dalawang babae at yung isang lalake.
Apat na lang kami sa LRT.
Ewan ko ba kung bakit ako kinakabahan.
Ako lang ba o talagang nakatingi sakin yung lalakeng nasa katapata ko.
Mukhang adik na rapist kasi yung nasa tapat ko.
Sinubukan kong tumingin sa direksyon ng lalakeng ukhang adik at nakita ko na nakatingin nga siya saakin..
Iniwas ko kaagad yung tingin ko at sa sobrang takot ko bigla akong napakapit sa katabi ko. Sa pagkapit ko sakanya bigla siya napatingin saakin.
"Sorry ha!" Sabi ko dun sa guy na katabi ko. Mahina lang naman yun.
Medyo malayo rin ang distansya namin dun sa mamang mukhang adik na rapist.. ang salbahe ko ba? E. Sa yun ang nakikita ko e. Kung makatingin parang ginagahasa niya na ako ng paulit ulit sa utak niya.
Ngumiti lang yung katabi ko at humarap siya dun sa lalaking nakatingin sakin.
"Kilala mo ba yung lalakeng nakatingin sayo?" Jmiling lang ako.
Maya maya.. nagulat ako ng bigla akong akbayan ng katabi ko. Pero mas nagulat ako sa sinabi niya.
"Babes.. Lapit ka nga dito masyado kang malayo sakin" sabay hinila niya ako palapit sakanya kaya napayakap ako sakanya.
Pipiglas sana ako ng magsalita uli siya.
"Sumakay ka na lang sa acting ko.. mukhang may pag nanasa sayo yung lalakeng yun e." Kaya hindi na ako sumagot pa.
Pero nangangatal ako sa kaba.. nanginginig ang buong katawan ko sa takot.
"Babes. Peram ng phone mo dali" bigla akong humiwalay sakanya. At nagbigay ako ng why-look.
"Magseselfie tayo para may remembrance tayo sa pagsakay sa LRT." Then he winked at me.
"Ahh.. kasi babes.. low bat na yung phone ko he-he" medyo awkward talaga yung ganung feeling.
Hoy! Baka isipin niyong feel ko ang tawagan namin ah! Hindi ko feel nakiki ride lang ako para maligtas.
Bigla niyang kinuha yung phone niya at sinet yun sa camera.
Haha.. wala bang retrica para maganda ako xD. Sige matuwa pa ako nasa bingit ako ng panganib.
Nagpose kami ako naka sweet smile ako syempre para naman maganda ako. Tapos siya nakayakap sakin at nakasmile din.
"1...2...3... say love you" then he click the button.
*5th Avenue*
Last station na lang. Pero hindi pa rin bumababa yung mamang mukhang adik..
Tinignan ko yung katabi ko. Tinago niya na yung phone niya.
Binulungan niya ako. "Saan ka bababa?"
Kinuha ko yung card ko at pinoint ko yung munomento. At tumango lang siya.
*MONUMENTO*
Bumaba na kami pero still naka sunod pa rin yung lalake samin.
Pagkababa namin ng hagdaan agad niya akong inakbayan. Tapos naglakad na kami.
"Pano yan? Nakasunod pa din siya satin. Anong gagawin natin?" Hinawakan niya ako sa bewang at bigla niya akong....
Hinalikan....
O_O- me
Pero parang magkadikit lang yung labi namin pero matagal.
Hanggang sa nilagpasan na kami nung Mamang mukhang rapist.
"Ba-bakit m-mo k-ko hi-hinalikan?" Nag make face siya.
"First kiss?" Umiling ako. Syempre yung Ex-boyfriend ko ang first kiss ko pero matagal na kasi nung mula ng ay humalik sakin.
"Ahh.. sorry yun lang yung naisip ko para mauna siya satin e." Sabay kamot siya sa ulo niya na para bang nahihiya.
After shock pa rin ako pero pinilig ko ang ulo ko at humarap sakanya.
"Okay lang yun... salamat sa pagtulong saakin ah." Nagbow ako at tumakbo niya.
Hindi ko na alam kung ano bang reaksyon niya o kung
may sinabi pa ba siya.
BINABASA MO ANG
"The Existence of Fate" (Completed)
RomanceI just want to try a shot story hehe.. i'm not good to do a shot story but i hope you will enjoy this. :"> And this story was base on a true story.. ENJOY.. hindi na ata to one shot e hahaha xD