Behind the Boundaries of Blood

316 6 6
                                    

Behind the boundaries of Blood
Prologue

"Umaatake na ang mga bampira!!"

"Tumakbo na kayo! Nanjan na sila!!" Sigaw ng isang lalake na hinihingal

Hating gabi na ng marinig namin ang sigaw niya. Ang buong kampo ay nagkaka gulo dahil sa narinig naming sigaw. Dahil sa sinabi ng isang sundalo nag mamadali kami ngayon na lumikas at mag handa para sa mangyayaring patayan sa loob ng kampo.

Wala naman kaming iba pang kalaban kundi ang mga bampirang walang awang pumapatay ng mga tao. Gusto nilang mag hari harian sa mundo ng mga tao at gawing mga alipin ang mga tao.

Dahil sa gusto nila hindi kami papayag na mag pa api sakanila at gawin kaming hayop. Kung gulo ang gusto nila o patayan, pag bibigyan namin sila. Hindi namin sila uurungan!

Nagkaka gulo na ngayon ang buong kampo dahil naka pasok na nga ang mga angkan ng bampira. Hindi na rin namin maiwasan na hindi magulat sa mga pagsabog at palitan ng putok ng mga baril.

Ibang klase ang mga armas namin dito at pang pasabog dahil may halo itong kemikal na siyang may kakayahan na pumatay ng bampira. Ang mga bala ng armas namin ay gawa sa silber, kaya ginawa itong silber para mapatay agad ang mga bampirang matamaan nito kahit saang parte ng katawan kaya nito sunugin ang isang bampira.

"Sigfred! Itakas mo na si Lenin kailangan mailayo si Lenin sa mga bampira!" Bulyaw ko sa kanan kamay ko habang ibinibigay si Lenin

Si Lenin ay isang half blooded vampire sanggol pa siya ng mapapunta siya sa amin. Binigay siya sa amin ng isang matandang babae na hindi namin kilala.

Ang sabi lang sa amin ng matanda, buhayin daw namin siya at ilayo sa mga bampira. Dahil ang kanyang buhay ay na nganganib, pag laki daw niya magagamit daw namin siya laban sa mga bampira. Matapos niyang sabihin mga yun, bigla na lang ito nawala na parang bula sa harapan namin.

"Pero paano kayo pinuno?"

"Di na importante ang buhay ko! Ang mahalaga ligtas si lenin! Kaya ilayo mo na siya dito ako na bahala sa mga bampira!" Bulyaw ko

Dahil sa sinabi ko, agad nitong ipinasan si lenin at tumakbo papalayo. Habang papalayo sila nakikita ko sa mga mata ni Lenin ang mga patak na luha.

Hindi ito nakakapag salita dahil hindi niya kayang mag salita. Hindi ko alam kung bakit siya ganun, siguro nasa lahi na nila yun.

Hindi ko inaasahan na dito na pala ako mamatay, hindi ko man lang masisilayan ang paglaki ng isang half blooded vampire. Kahit half blooded siya tinuturing prinsesang anak ko parin siya.

Matapos sila makalayo, may bigla namang sumulpot na iilang bampira sa harapan ko. Nag ninisig ang mga mata nito at naka labas ang mga pangil, may mga dala itong spada na punong puno ng dugo. Sa tingin ko marami na silang napatay na tao.

At dahil sa nakita ko, agad ko ikinasa ang rifle na dala ko at pinag babaril ang iilang bampira sa harapan ko. Hindi ko alam na may bampira pa palang susulpot sa likod ko.

Sa pag sulpot niya doon naman ako nasaksak at tumagos ito sa dibdib ko. Dahilan ng pagka hina ko at pagka bagsak sa sahig.

"Masyado kayong nag mamalakas! Kung ako sa inyo ilabas niyo na ang prinsesa!"

"Hin--di ko al-am ang sina-sabi mo" paudlot na saad ko habang naka luhod sa bampirang sumaksak sa akin

"Hindi mo alam pero ikaw ang nag palaki! Ang dapat sayo mamatay!" Bulyaw nito sabay iwinasiwas nito ang spada niya sa ulo ko dahilan ng pagkaputol ng ulo ko

Behind the boundaries of bloodTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon