BTBB
Chapter IV- Before the battle between Redwood and Shadow vampire started -
"Sigfred! Ano ginawa mo! Bakit umiiyak ng palabas si Lenin?" Bungad sakin ni Nero nung pumasok siya sa barracks ko
"Nero wala akong ginawang masama, sinabi ko lang sakanya yung pinaplano ko" Saad ko sabay tungga ng alak
Napaupo muna siya sa sofa ng barracks ko sabay naki inom ng alak sa harapan ko.
"Alam mo sigfred masyado pang bata si Lenin para ipasok siya sa mga PK. Hindi mo ba naiisip ang magiging kinahatnan? Pwede siyang mapahamak doon" Saad nito habang ngumunguya ng pulutan ko
"Nero kung mapapahamak man siha doon hindi siya pababayaan ng mga taong nandoon dahil miyembro rin sila dati ng mga IS tsaka sa atin sila lumalapit sa tuwing may kailangan sila" Saad ko sakanya
"Pero---"
Naudlot si Nero ng may biglang sumabog na isang malaka na bomba malapit sa kampo namin. Dahil sa pagsabog nagkaroon ng isang malakas ng pagyanig ng lupa sa loob ng kampo namin. Maraming nasirang mga gamit at marami din nasaktan dahil sa pag sabog.
Kami naman ni nero ay napatilapon sa kinauupuan naming sofa.
*Siren Blaring*
*Pinag alalahanan po namin ang lahat na mag ingat matapos na may sumabog na isang malakas na kapangyarihan sa gitna ng Redwood. Kung sakali lang mag handa na ang lahat para sa pag pigil natin ng gulong nangyayari doon sa redwood*
"Ughh!" Inda ko
"Sigfred ok ka lang?" Bungad ni Nero habang inaalis yung mga bagay na bumagsak sa amin
"Ok lang ako, hanapin mo si Lenin! Ako na bahala sa mga tauhan natin"
"Sige, mag ingat kayo!" Saad nito sabay tumayo na siya papalabas
Habang ako naman ay pinilit ko ng tumayo kahit masakit yung pagkaka tilapon namin. Kinuha ko agad yung mga gamit at baril na lagi namin dala sa tuwing nakikipag harap kami sa mga bampira.
Matapos akong mag handa lumabas narin ako ng barracks. Pagkaka labas ko naka pila na ang buong IS.
"Mag si handa ang lahat! Pipigilan natin ang gulong nangyayari ngayon sa gitna ng redwood. Kahit anong mangyari kung patayan ang gusto nila pag bibigyan natin sila! Maitigil lang ang giyerang sinimulan nila! Patayin niyo ang lahat ng bampirang humarang sa atin! Wag kayong ma awa at matakot! Nasa likod natin si pinuno!" Bulyaw ko sa kanilang lahat
"Yes sir!" Yell of them
"Ok let's move!!" Bulyaw ko at sumakay na kami sa mga armored car namin
Kahit naka alis na kami sa kampo patuloy parin ang pag se serena ng emergency siren namin. Hindi kasi ito natigil hanggang wala pang nababalita tungkol sa pag sabog.
Ngayon papunta na kami doon at habang binabagtas namin ang kagubatan, nakikita namin ang isang malaking usok na pinag mulan ng pagsabog.
"Pinuno, tignan niyo! Ang daming nag kalat na mga abo ng bampira" Saad ng gunner namin sa armored car
"Pag sabihan niyo ang iba na mag handa! Wag kamo sila mag tu tunganga. Tiyak na sinimulan nanaman nila ang giyera sa gitna ng Redwood" saad ko
BINABASA MO ANG
Behind the boundaries of blood
VampireStrated: September 8 2019 Ended: Author: DRACULA'S BLOOD/DraculaScythe Language: TAGALOG "Vampires occur everywhere, but in busy cities no one notice" "The strength of the vampire is that people will not believe in him" Naniniwala ba kayo sa mgaa b...