BTBB
Chapter ILenin Point of View
Araw ng lunes at araw rin ng unang pasok ko sa sa isang university. Tama kayo isa akong college student pero ako lang yung naiiba sa kanila. Dahil ako ay hindi nakakapag salita. Hindi ko alam kung bakit hindi ako marunong mag salita simula pa nung bata ako
Siguro namana ko lang ito kaya hindi ako nakakapag salita. Pero kahit ganito ako nakakaya ko naman ang makipag sabayan sa mga tao.
Syempre hindi naiiwasan ang apihin ako at tratuhin ako na walang silbi dahil isa lang akong pipe na hindi nakakapag salita.
Nasa hallway ako ng university, hinahanap ko kasi yung pangalan ko sa bulletin board. Hindi ko alam na kung saan ang room ko tsaka kung anong section ko. Kinuha ko lang naman sa college ay nursing, matagal ko ng gusto maging nursing at tumulong sa mga kasamahan nila tatay Sigfred.
Masyadong maraming studyante dito kaya wala akong magagawa kundi makipag siksikan sa kanila para mahanap yung pangalan ko.
"Aray ko naman" inda ng isang magandang babae sa tabi ko
Nag sign language ako na ibig sabihin ay "Pasensya kana"
"Ay pasensya na rin di ko alam na hindi ka nakakapag salita" saad niya sabay ngiti
"Ano pangalan mo pala?" Dagdag niya habang nakikipag laban sa siksikan
Itinaas ko ang ID na suot ko galing sa school saka naman nakita niya yung pangalan ko.
"Ayy inday! Magkaka klase tayo. Isa rin akong nursing student, kanina ko pa nakikita yung name mo sa listahan ng section natin"
"Ay ganun ba? Pasensya kana masyado kasing tao kaya hindi ko masyadong makita yung pangalan ko" saad ko gamit sign language
"Soo shall we go now?" Her ask
"Nga pala pangalan ko pala ay Iyonna Riley. Nice to meet you Miss Lenin Khan" Saad niya sabay hinila na niya ako papunta sa taas
Papunta na kami ngayon sa classroom namin at iilang studyante rin ang mga nakakasalubong namin. Naka tambay sila sa kanilang mga room at habang kami naman ay nag lalakad.
Ilang minuto rin ay naka dating na rin kami sa aming classroom. Bumungad sa amin yung mga boys na naka tambay sa loob na akala mo nasa bahay lang. Feel at home lang sila akala mo walang prof na darating
"Ui may chix nanaman dumating!" Bulyaw ng isang lalakeng hambog
"Ano ka ba theo! Rumespeto ka naman. Kailangan pa bang pag sabihan ka para tumigil ka?" Bulyaw ng isang lalake
"Sorry, pansesya kana Mr. President"
Umupo kami ni iyonna sa pinaka likod habanag yung mga lalake naman tumutukso sa amin nung pumasok kami ay nasa harapan. Ilang minuto rin ang lumipas ay pumasok na rin ang prof namin.
Tumagal ng isang oras ang pagtuturo ng prof namin. Ngayon ay breaktime nanamin next subj namin ay mamaya pa kaya may time pa kami para makipag kwentuhan sa isat isa ni iyonna.
"Iyonna, mga dati mo bang kaklase mga yan?" Sulat ko sabay turo sa mga lalake
"Ay yang mga yan ba? Oo mga mababait yan. Ilang taon narin kaming nag sama mga yan. Kahit ganyan mga yan may respeto yan sa atin"
Half day lang kami ngayon dahil college lang kami kaya bago pa man matapos ang klase. Napag planuhan na namin na tumambay muna at mag palipas ng oras sa isang malapit na 7/11 dito sa school.
BINABASA MO ANG
Behind the boundaries of blood
VampireStrated: September 8 2019 Ended: Author: DRACULA'S BLOOD/DraculaScythe Language: TAGALOG "Vampires occur everywhere, but in busy cities no one notice" "The strength of the vampire is that people will not believe in him" Naniniwala ba kayo sa mgaa b...