BTBB
CHAPTER IISigfred Point Of View
Kadarating lang naming mag ama sa kampo, si Lenin naman ay nauna ng lumabas dahil abala ako sa pag aayos ng mga gamit ko dito sa loob ng kotse. Pumunta si Lenin sa mga matalik niyang kaibigan na nag tatrabaho dito.
Hindi alam ni Lenin na kaya siya dito at kaya ko siya pinapahinto sa pag aaral dahil gusto ko siyang maging Parallel Killer.
Ang Parallel killer o PK kung tawagin, ay isang killer na pumapatay ng mga masasamang tao o bampira dito sa mundo ng mga tao. Hindi kilala sa mundo ng mga tao o bampira ang pangalan ng mga PK, dahil sila ay napaka misteryosong tao na may kakayahan na pumatay ng kahit sino.
Ang buhay ng isang PK ay hindi madali, dahil maraming bawal ang dapat niya sundin. Isa na doon ang pagbabawal sakanila na makipag kita sa mga mahal nila sa buhay pati narin ang pag tulong sa kanilang mga kapwa. Ang mga PK ay kilala bilang isa kamatayan dahil sila ay walang kinakatakutan at wala rin silang awa na kung pumatay ng mga tao o bampira.
Ang role ng isang PK ay ang ayusin ang buong mundo at kalabanin ang mga masasamang tao at bampira. Ang kapangyarihan ng isang PK ay parang isang malakas na uri ng isang bampira. May kakaibang kakayahan rin sila na tulad sa mga matataas na bampira. Kaya hindi sila ganun kadali para talunin at patayin ng mga tao.
Maliban na lang kung isusuko niya ang kanyang trabaho sa mga bampira at tao.
Ang isang PK ay napaka delikadong tao dahil pinag hihigpit na sa lahat ang panoorin ang PK na pumapatay ng mga Tao o Bampira. Dahil pag ito'y pinanood mo, tiyak na buhay mo na rin ang susunod. Kahit naka takbo kana at malayo kana sakanya, masusundan ka parin niya at mapapatay ng wala sa oras.
"Fred! Bakit naparito yata si Lenin? Bakit mo siya dinala dito? Mukhang kagagaling niya lang sa paaralan niya ah" Bungad sa akin ng matalik kong kaibigan na si Nero
"Nero, ipapadala ko siya bukas sa kaibigan ko na matagal ng umalis sa pagiging Pk" saad ko na siyang ikinagulat niya sabay hinila ako sa walang tao
"Teka--" naudlot ako ng mag salita siya
"Naloloko ka ba! Gusto mo ba mabaliw yung bata? Hindi na nga nakakapag salita yung bata tapos dadalhin mo ba doon" Bulyaw ni Nero
"Nero kung sa ikakabuti ng lahat isasakripisyo ko siya" maiksing saad ko
"Fred! Hindi sapat na dahilan yang sinasabi mo. Nandito naman tao, kaya natin iligtas ang buong isang katauhan tapos ipapadala mo si Lenin doon sa malaimpyernong training? Hindi ko alam kung mabubuhay pa ba ang anak mo"
"Hindi ko rin alam kung magugustuhan ito ni panginoon" dagdag pa niya
"Buo na ang desisyon ko nero, pasensiya kana dahil pag ito hindi ko ginawa. Tiyak na mag kakaroon ng isang malaking apocalypse sa gitna ng syudad, dahilan ng pagkakawala ng mga bampira sa bundok." Saad ko
"Sino nag sabi sayo niya?"
"Isang misteryosong bampira na dumalaw sa amin. Isa siya malakas na uri ng bampira at hula ko hindi siya nag sisinungaling sa akin dahil nakikita ko sa mga sugat niya ss katawan ang mga sinasabi niya sa amin" saad ko
- Flashbacks About The Mysterious Vampire -
"Eve, pwede mo bang i akyat muna si Lenin sa kwarto niya at bantayan mo na rin siya doon" utos ko sa babaeng nag babantay kay Lenin
BINABASA MO ANG
Behind the boundaries of blood
VampireStrated: September 8 2019 Ended: Author: DRACULA'S BLOOD/DraculaScythe Language: TAGALOG "Vampires occur everywhere, but in busy cities no one notice" "The strength of the vampire is that people will not believe in him" Naniniwala ba kayo sa mgaa b...