Behind the Boundaries of Blood V

51 2 0
                                    

BTBB
Chapter V

Lenin Point of View

Kakadarating ko lang sa Donovan, at mabuti na lang malayo ako sa pinang galingan ng pagsabog. Nakakapag taka naman na wala man lang rumispondeng mga taga IS. Siguro busy lang sila sa nangyaring kaguluhan sa Redwoods.

Nandito ako sa Donovan para hanapin ang kampo ng mga PK. Pero sa tingin ko napaka imposibleng mahahanap ko yun kasi masyadong malaki ang Donovan.

Wala na akong panahon pang mag tigil pa sa kampo ng IS dahil lahat naman sila pinag tatabuyan ako. Pati narin si Lola xenia na siyang naging lola ko dun sa IS. Lahat sila natatakot pigilan si Tatay sa magiging plano niya kaya napag isip isip kong mag sarili na lang ako tutal matanda na ako at wala na silang paki sa akin.

Kumakain ako ngayon dito sa isang restaurant ng donovan. Hanggang ngayon hindi parin ako nag paparamdam sakanila, dahil binalock ko ang lahat ng number nila sa phone ko. Nag kakagulo ngayon sa Donovan at umaalingaw ngaw ang mga sirena ng pulis at ambulansya.

Mabuti na lang safe dito sa pinag kakainan ko kasi masyado ng malayo ito sa pinang galingan. Dala dala ko ngayon ang isang backpack ni tatay sa kampo, walang iba laman ito kundi ang mga sarili kong gamit at damit.

Napalingon ako sa isang lalakeng kakapasok lang, napalingon ako sakanya dahil siya lang ang may kakaibang suot. Lahat kami naka casual mistulang siya naka fully hood jacket. Hindi ko alam kung may sakit ba siya o sadyang tinatago lang niya sarili niya sa iba.

Papunta siya sa direksyon na kung saan ako naka upo. At ako naman ay nag mamadali akong ubusin ang pagkain na inorder ko. Hanggang sa naka lapit na siya at tumayo na ako.

Pero, bago pa man ako maka alis pinigilan niya ako na siyang ikinatakot ko dahil sa itsura niya. Nakita ko sa mga mata niya na isa siyang bampira, dahil bigla itong nagbago ang kulay. Naging pula ito at lumabas ang kanyang mga pangil.

"Finally, nakita rin kitang babae ka! Tiyak na matutuwa si panginoon *** pag nakita ka niya" saad niya sabay tumawawa niya ng malakas na siyang ikinagulat ng lahat

Wala akong ginawa kundi pumiglas sa mga kapit niya sa kamay ko

"Hahaha!!" Pag tawa pa niya ng malakas hanggang sa nakita na ng lahat na bampira siya. At dahil doon nag takbuhan na ang lahat ng tao

*Gun Shoot*

"Hhmmm!" Pagka gulat ko ng tumalsik ang matutulis na kamay niya sa harap ng mukha ko.

Tumalsik ito dahil may bumaril sa kamay niya. Tinamaan ito na siyang ikinagulat ko dahil umaagos sa harapan ko ang dugo na nanggagaling sa kamay niya.

Ang bampirang nasa harapan ko ngayon ay namimilipit sa sakit at napa bitawan niya ako. Ako naman imbis na tumakbo na, natakot ako at napa tutalala dahil sa nangyayari.

"Mamatay na kayo mga PK!!" Bulyaw ng bampira sa harapan ko at agad niyang sinugod yung lalakeng bumaril sa kanya.

*Continues Gun Shoot*

Matapos niyang barilin yung bampira. Saka naman ito nalagas na parang abo sa harap namin.

Papalabas na sana siya ng bigla ko siyang binato ng kutsara. Tinamaan naman siya sa ulo niya haha, ayaw kasi tumingin may sinulat ako para sakanya.

Behind the boundaries of bloodTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon