BTBB
CHAPTER III- At The Redwoods Forest -
Ilan taon na ang lumipas matapos mamatay si panginoon Azazel. Hanggang ngayon hindi parin nahupa ang galit na namumuo sa amin mga ordinaryong bampira sa mga matataas na bampira.
Dahil sa giyerang sinimula nila pati ang mga tao itinataboy na kami at pinapatay. Hindi naman namin maiwasan na hindi makipag laban at ipag tanggol ang sarili namin sa mga iyon.
Kahit kalahi namin sila, wala parin silang awa sa amin. Unti unti nila kaming pinapahirapan tulad ng kanilang ginawa kay panginoon Azazel.
Simula nung sumiklab ang napaka misteryosong pag atake sa kampo ng mga IS. Umupo si Panginoon Azazel para imbestigahan ang nangyari doon at para ipakita sa mga tao na mali ang kanilang iniisip.
Pero ito ay naudlot dahil siya ay kinidnap at biglang nawala sa kanyang tinutuluyan. Uupo sana si panginoon azazel bilang isang FORNEUS ng lahat ng bampira. Pero hindi siya nag tagumpay dahil bigla siyang nawala.
Ang pagiging FORNEUS ng lahat ng bampira ay hindi ganun kadali. Dahil kailangan mo pang humingin ng mga permiso sa mga nakakataas na bampira. Kumbaga sila ang mayor ang mga matataas naman na bampira sila yung mga naninilbihan sa gobyerno. Iba ang presidente, mga ninilbihan sa gobyerno at mayor sa mga bampira.
Dahil may mga sarili itong tawag. Ang Mayor sa kanila ay isang FORNEUS ng mga bampira na may hawak sa lahat ng bampirang nasasakupan niya. Ang mga naninilbihan naman sa gobyerni ay ang mga bampirang MASTEMA at ang presidente naman ng lahat o diyos ng mga bampira ay BELPHEGOR.
Si Azazel ay nawala ng limang taon matapos mangyari yung misteryosong pag atake. Itinawag itong misteryoso, dahil lahat ng umatake doon sa kampo ng mg IS ay hindi mga ordinaryong bampira kundi isang matataas ma bampira.
Nag simula ang paglusob nila noong taong 2020 at nawala si Azazel taong 2021. Bago pa siya umupo marami ng bumabatikos sakanya dahil sa kanyang anak na nawala. Ang usap usapan sa mga Mastema, ang anak daw ni Azazel ay ipinalalaki ng mga tao na naninirahan sa Donovan. Kaya hindi na kathang isip para sa amin kung bakit may umatake sa mga IS.
Siguro kaya nila inatake ang mga taga IS para kunin at patayin ang anak ni Azazel. Ang anak ni Azazel ay may dugong itim na ibig sabihin ay isa siyang napaka delikadong bampira. Ang isang dugong itim na bampira ay may kakaibang kapangyarihan na walang nakaka alam kung anong klase ito. Pero naka patay ito kahit kanino man, mapa bampira man o tao.
Orcus o ibig sabihin ay God of the underworld vampire. Orcus ang tawag sa may mga dugong itim na hindi maipaliwanag kung anong klaseng kapangyarihan ang meron sila. Hindi rin alam ng mga mastema kung gaano ito kalakas. Buong impormasyon tungkol sa Orcus ay wala silang alam. Dahil ang isang Orcus ay isa lamang urban legend o kathang isip na kinukwento kadalasan sa mga bahay bahay ng mga bampira.
Dahil nahihirapan na ang mga Mastema at Belphegor sa pag hahanap sa anak ni Azazel. Pinatungan nila ito ng isang malaking salapi na may kasamang pang habang buhay na pag papainom ng dugo sa kung sino man ang mahanap dito.
Masyadong malaki ang salaping naka patong dito kaya halos lahat ng bampira na nandito ay hinahanap na ngayon ang anak ni Azazel.
"Rory! Kamusta ang pag hahanap mo sa anak ni Panginoon Azazel?" Bulyaw sakin ni Papa nang maka pasok ako sa mansyon namin
"Pa, ang balita ko ang pangalan ng anak niya ay si Lenin. Naninirahan siya kasama ng kangyang tatay tatayan. 24 years old na siya at pumapasok na siya sa kolehiyo"
BINABASA MO ANG
Behind the boundaries of blood
VampirosStrated: September 8 2019 Ended: Author: DRACULA'S BLOOD/DraculaScythe Language: TAGALOG "Vampires occur everywhere, but in busy cities no one notice" "The strength of the vampire is that people will not believe in him" Naniniwala ba kayo sa mgaa b...