Behind the boundaries of blood VI

85 5 0
                                    

BTBB
Chapter VI

Lenin Point of View

Umaga na at mukhang ito na ang unang araw ko sa loob ng PK, hindi ko alam kung anong tawag dito sa mala kastilyong kampo ng mga pk.

Masyado kasi itong malawak at napapaligiran ito ng malalaking pader na kadalasan nakikita natin sa mga kastilyo o castle.

Kasing laki at lapad nito ng 'Great Wall of China' hindi ko nga alam kung saan ba ang lagusan o daanan papalabas ng pk kasi masyadong malawak at ang daming mga makalumang bahay na gawa sa bato.

Mabilis lang lumipas ang oras kagabi hindi ko namalayan na naka tulog na ako nang matapos akong ihatid nung isang lalakeng hindi ko makilala dahil sa suot niya.

Inilibot niya ako sa buong kastilyo ng PK at sinabi niya sa akin ang ibat ibang detalye tungkol sa mga bahay dito at sa mga silid na siyang pinag babawal sa lahat.

Nasa isang bahay ako ngayon na kung saan ako naka tulog, hindi ko alam kung saan parte ito ng kastilyo pero sa tingin ko hindi na importante yun dahil kanina pa ako nagugutom at mukhang tanghali narin. Napasobra ako ng tulog dahil napagod ako kagabi.

Tumayo na ako sa kinahihigaan ko at pumunta sa lamesa ng maliit na bahay ko. May pagkain kasi sa lamesa ko kaya hindi na ako nag dalawang isip pa na kainin kita.

Habang kumakain ako, nakita ko naman yung bag at maleta na dala dala ko kanina. Naka lagay ito sa munting sala ko at katabi non sa may mesa may isang papeles na may kasamang ballpen.

Hindi ko alam kung ano yun at tungkol saan. Mukhang importante ito at kailangan kong basahin. Babasahin ko na lang siguro pagkatapos ko kumain dito.

Mabilis lang ako kumain at bago pa man ako matapos may biglang kumatok sa pinto ng bahay ko.

*Knock* *Knock*

Siguro naman hindi ko na kailangan pang pag buksan siya dahil hindi naman ito naka lock at hindi rin ako nakaka pag salita.

Tulad nga ng sabi ko, bumukas ang pinto at iniluwa nito ang lalakeng kausap ko kagabi.

Pagkaka pasok niya hinubad niya ang maskarang suot niya at lumantad ang makinis niyang mukha sa harapan ko.

Dahil sa ginawa niya, napa nga nga ako at napatulala na parang statwa. Natulala ako dahil ang gwapo niya!

May mga singkit na mata siya, matangos na ilong at mahabang buhok na kulay dilaw. Hindi naman sa sobrang mahaba, hanggang leeg lang niya yung buhok niya. Tapos yung labi niya ang pula pula, aakalain mo talaga na para siyang bampira dahil lahat ng mga bampira ay mapupula ang labi.

"Gising kana pala hime"

"Pasensya kana kung napagod kita kagabi sa kaka tour sa loob ng Boundaries of Blood" Dagdag pa niya sabay umupo siya sa sofa

"Boundaries of blood?" Takang tanong ko sa papel na hawak ko

"Boundaries of Blood o sa tinatawag na BOB ito yung kastilyong kinatatayuan ng bahay mo ngayon. Nasa loob tayo ng BOB, BoB ang tawag ng lahat dito dahil ang lahat ng bampirang nawawalan na ng sarili, dito nila ipinapatapon para mabigyan ng sapat na tsansang mabuhay dito sa mundo. Yun ay ang pumatay ng mga ka kapwa nilang bampira"

Naabot mo na ang dulo ng mga na-publish na parte.

⏰ Huling update: Oct 07, 2019 ⏰

Idagdag ang kuwentong ito sa iyong Library para ma-notify tungkol sa mga bagong parte!

Behind the boundaries of bloodTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon