JULLAN'S POV
Nandito kami ngayon sa park kasama ko sina hazel,marie,darline,stacy at mariel.... Kasama nila ang mga anak nila... Si hazel at nathan ay may dalawang anak si Nathalia ang panganay dalawang taon at pangalawa si nathaniel isang taon lang ang agwat... Si marie at renz naman may kambal na anak na lalake sina blaster uno at blake dos magtatatlong taon na rin sila limang buwan lang ang tanda ni cloud sa kanila.... Si stacy at theo wala pang anak... Si mariel at tristan naman may prinsesa din emerald kaedad ni nathalia.... Darline at cyrus naman may lalaking anak din si daryl...
"Hindi ko akalain na hanggang ngayon magkakasama pa rin tayo at may mga sari sarili nang mga pamilya" nakangiti na sabi ni hazel habang nakatingin sa mga bata na naglalaro...
"Oo nga." Pag sang ayon ni mariel habang nakain.... Ang takaw niya siguro buntis yan hihi!
"Guys ha! Wag kayo mawawala sa birthday ng kambal kong gwapo" paalala ni marie samin...
"San nga ulit yun gaganapin?" Tanong ni darline..
"Sa isang isla yung may resort na sunrise beach and resort... Ninong kasi nina blaster at blake ang may ari nun.." Sabi niya..
"So nirentahan mo ang buong resort or hindi?" Tanong ni hazel...
"Hindi... Kasi simpleng celebration lang naman tayo tayo lang yun" sabi ni marie..
"Sikat ba na resort ang pupuntahan natin?" Tanong ko..
"Yup! Yung sunrise beach and resort nga! yung pangatlo sa sikat na beach and resort sa bansa natin... Di ka naman nakikinig eh" Tuwang tuwa na sabi ni marie..
Yun pala yung sinasabi niya na resort... Pangatlo lang sa sikat yung akin nga pangalawa.... di naman sa nagmamayabang haha!
"Taena! Galing mo pumili ng ninong ng kambal mo yayamanin talaga!" Sabi ni darline..
"I know right" mayabang na sabi ni marie...
"Mom im hungry na po" napatingin kami kay emerald ng lapitan niya ang nanay niya na si mariel...
"Oh gutom ang princess ko... Sige aalis na tayo pupunta pa tayo sa daddy mo sa office niya..." Sabi ni mariel at nagpaalam na samin isa isa....
"Ay! Ako rin may swimming lesson sina blaster at blake... Sige na bye mga friend" sabi ni marie at umalis na rin...hanggang sa lahat sila nag sialisan maliban samin ni stacy at cloud...
"Oh bat nandito ka? Wala ba kayong date ni Theo?" Asar ko sa kanya... Tumawa lang siya.. Habang ako pinupunasan ng pawis si cloud..
"Si ate naman! Sawa na ako sa mukha nun bukas na lang kami mag date... Ngayon kayo muna ni cloud ang sasamahan ko sa bahay... Gusto ko rin makipaglaro sa pamangkin ko" sabi Stacy sabay pisil sa pisnge ni cloud...
"Ouch! Tita ganda naman you hurting me! I hate you!" Sabi ni cloud kay stacy... Si stacy naman tumawa lang...
"Kaya lab na lab kita eh! Kasi tawag mo sakin tita ganda" tuwang tuwa na sabi ni stacy...
"Because it's true naman po you're beautiful po im just telling the truth po because the truth will set you free" sabi ni cloud habang naka poker face..
Kami ni stacy napanganga.... Aba! San nakuha ng anak ko ang salitang 'the truth will set you free'
"Nak san mo nakuha yang mga ganyang words mo?" Tanong ko...
"Mommy uso po manuod ng drama try niyo rin po minsan di yung lagi kayong busy di na kayo nakakarelax" sabi ni cloud..
"Te jullan sigurado ka bang tatlong taon lang si cloud... Eh parang nasa fifty plus na ata yang anak mo... Parang sinapian ng matanda... Grabe tayo pangaralan eh" sabi sakin ni stacy...
"Di ko din alam" natatawang sabi ko at umuwi na kami...
PAGKAUWI namin si cloud naman ay naglalaro sa garahe ng bola kaya nandito ako sa kusina para gawan siya ng juice... Si stacy ayun napagod sa pakikipag laro kaya natulog na sa kwarto niya...
Habang nagtitimpla ako ng juice narinig ko na sumigaw si cloud..
"Mommy!" Pagtingin ko sa likod ko nandun na siya at may hawak na dalawang bola....
Kanino yung isang bola?!
"Nak san galing yang malaki mong ball?" Tanong ko sa kanya at binigay ko na ang juice na gawa ko...
Uminom muna siya bago sumagot...
"May nagbigay po sakin neto... Matangkad na lalaki po siya... Sabi niya regalo niya sakin... Mommy! Siya din po pala yung nagbigay ng toy car ko nung birthday ko!" Masigla na sabi niya sakin...
Naalala ko nung birthday ni cloud lumabas si cloud pagbalik niya may malaking toy car na siya... Tinanong ko kung kanino galing sabi niya sa matangkad na lalake daw... Sino kaya yun?
"Talaga?.... Alam mo ba ang name niya?" Tanong ko..
Umiling siya..
"Di po mommy... Pero mukha namang mabait" sabi niya..
"Sa susunod wag mo na yun kakausapin baka bad guy yun at kunin ka... Ok?" Sabi ko..
"Ok po mommy" sabi ni cloud at umakyat na sa kwarto niya manonood daw siya ng cartoon...
Naiwan ako sa kusina na nagiisip kung sino yung lalaki na nagbigay ng laruan sa anak ko...
Posible kayang si azrael yun?
Naalala ko nagpakabit na pala ako ng cctv....
Pumunta ako sa gate ng bahay nakita ko yung guard na nagbabantay...
"Manong raul" tawag ko sa kanya..
Lumingon siya sakin at ngumiti...
"Ano po yun maam?".
"Nakita niyo po ba ang lalaki na nagbigay ng laruan sa anak ko?" Tanong ko.
"Ay maam di po! Nasa cr po ako nun" sabi niya..
"Ahh pwede tidnan natin yung cctv footage nun?" Sabi ko.
"Ah sige po maam tara po" sabi niya...
Pagpunta namin kung san may computer binalikan namin yun oras na naglalaro si cloud mag isa...
Maya maya may lalaking lumapit sa gate ng garahe... Hindi makita ang mukha dahil naka sumbrero na itim... Nakasuot ng all black na damit siya...
Parang pamilyar siya... Pero di siya si azrael! Bakit ko nga ba sinasali si azrael dito wala na nga siya!
"Ahm sige manong salamat ho" sabi ko at umalis na dun...
Kilala ko talaga yung lalaki.... Nakita ko na yung ganong pangangatawan...
Sino ba siya?!
BINABASA MO ANG
FROM STEPBROTHER TO LOVER
Romance[Book 2- my bully my stepbrother my lover] Madami pa kaming pagdadaan na pagsubok... Kakayanin kaya namin ang pagsubok na dadaan samin? Kakayanin ko kaya ang pagsubok na gugunaw sa mundo ko?