Episode 56

11.1K 265 183
                                    

Cygny

"Hintayin mo na lang ako sa room ko." I told Hue as I squeezed his hand.

Hue nodded and tucked my hair behind my ear. I peck a kiss on his lips before I turn my gaze at Harrie's house. Bumuntong hininga ako. I will do this now. Hindi ko na dapat ito pinatagal pa. I have to tell him the truth.

I ready myself. Isang buntong hininga pa ang ginawa ko. I smile at Hue one last time before I hop off of his car. Umuulan pa rin kaya't agad akong napatakbo patungo sa bahay ni Harrie kahit basa na naman ang mga suot ko.

Malakas ang pagtibok ng puso ko dahil sa kaba noong pindutin ko na ang door bell. Nang bumukas ang pinto, si Aling Esmi ang bumungad sa akin. Siya ang kasambahay nina Harrie na itinuring na naming Nanay slash Tita slash Lola.

"Ay jusmiyo kang bata ka! Bakit basang basa ka?" Nag-aalalang hinila niya ako papasok ng bahay. Pinunasan niya agad ang basang buhok ko gamit ang tuwalya na nakasabit sa kanyang balikat. "Baka magkasakit ka. Naku naman!"

I just chuckle and pinch her cheeks which she doesn't like. Hinampas niya ang aking kamay kaya napabitaw ako sa malusog niyang mga pisngi.

Nagpatuloy lang siya sa pagpunas sa akin. Bakas sa kanyang mukha ang pag-aalala. When I was a kid, I always wished Mom to look at me with the same worried eyes as Aling Esmi's everytime I'm in a minor trouble. Back then, I am always hopeful but as I grew older, I learned to know better than that illusion. Mom will never look at me with that same motherly emotion. Natutunan ko na lang iyong tanggapin sa pagtagal ng panahon.

"Nasaan po si Harrie?" I look around. He is nowhere to be found. Kadalasan kasi ay nasa sala siya, nagchecheck ng test papers or activities or whatever.

"Nasa kwarto na siya. Katatapos niya lang kumain." Pinunasan niya ang mukha ko.

"May nangyari ba sa inyong dalawa?" She looked at me with confusion on her eyes.

"Ano pong ibig niyong sabihin?"

"Mukha kasing malungkot si Harrie noong dumating siya." She pursed her lips as if thinking of something.

When she smiled again, she continued drying my hair. "Alam ko na. Baka napagalitan na naman ng Dean iyong batang 'yon."

Ipinatong niya ang twalya sa aking ulo. "Oh siya, puntahan mo na iyon at baka kailangan lang ng yakap mo." Sinundot niya ako sa tagiliran at pinilit kong ngumiti.

"Opo." I pinch her cheeks again while laughing nervously, she scowled at me.

Kinakabahan akong umakyat sa hagdan. Nang marating ko na ang pinto ng kwarto niya ay natigilan ako. Nakahawak sa dibdib, malalim na buntong hininga muna ang ginawa ko bago ko iyon katukin.

"Come in!" Came by the baritone voice of Harrie.

Bumuntong hininga pa muna uli ako bago ko buksan ang pinto. Unti-unti, pinihit ko ang door knob. Magkahalong kaba at lungkot ang nararamdaman ko noong buksan ko na ang pinto. And there he is. Nakaupo sa kanyang swivel chair. Nakangiti sa akin.

"Hey." Pinilit kong itago ang kaba.

Tumayo siya at saka inakbayan ako. I flinched for a bit but I recovered quickly. Naglakad kami patungo sa kanyang kama. Pareho kaming naupo doon.

Kismet's Perfect FiascoTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon