Episode 42

13.3K 327 71
                                    

Cygny

The day after Hue decided to join his family in California, wala na kaming sinayang na oras. Sinulit namin ang mga araw na magkasama pa kami. Na nahahawakan pa namin ang isa't isa. Panigurado kasing mamimiss namin ito kapag umalis na siya.

We occupied our whole May on the best way that we can.

First week was a blast.

Wala kaming ginawa ni Hue kundi ang mag-gala. Pumunta kami sa Mall of Asia, buong maghapon lang kaming nagyakapan habang nakatingin sa Bay Area. We also done that thing with chain and all. 'Yung isusulat mo ang name mo sa isang padlock tapos ila-lock mo 'yung sa 'yo sa partner mo. That thing is so romantic that it makes my heart flutter while Hue is creating a freaking gag sound.

The next day, pumunta kami sa Enchanted Kingdom, sumama ang mga kaibigan niya sa amin. Noong una ay ayaw niya pa nga kaso pinilit ko lang siya, hindi naman kasi pwedeng ako lang ang sumulit ng oras niya dito sa Pilipinas. Dapat ay magbonding din sila ng mga kaibigan niya.

I am one of the boys that day. Para akong nagkaroon ng apat na mga kuya, nakakatuwa lang. Napakaprotective nila, kung minsan pa nga ay sila ang tagapag-tanggol ko kapag sinusungitan ako ni Hue. By the way, Hue is so moody that day, gusto niya kasi talagang kami lang dalawa ang pumunta sa Enchanted Kingdom. Para talaga siyang bata kung magmaktol noong araw na iyon.

Lastly, we spent the last day of that week in Nasugbu, Batangas. Nag-camping kami kasama ulit ang mga kaibigan niya pero this time, pati na rin ang mga girlfriends nila. Thankfully, pumayag si Hue dito. Wala siyang nagawa kundi ang pumayag, nagtampo na rin kasi ako noong mapagod akong suyuin siya the day before that day.

That day, we played camping games like tug of war, beach volleyball, etcetera, etcetera, etcetera. To make the long story short, we concluded that day with a smile on our faces.

Second week was relaxing.

We decided to just spend the rest of our days with him teaching me how to drive his motorbike in daylight. While in night time, we are either cuddling while watching my favorite movies or stargazing on the vacant lot of the subdivision. Actually, isang beses lang namin ginawa ang stargazing. Nakakainis kasi si Hue, he wanted to have sex with me there. As in there. Outside. As. In. Outside. Sex.

Nagpatuloy lang kami sa ganoong routine hanggang sa dumating ang third week.

Ayaw pa rin ni Hue na lumabas kami. Gusto niya ay sulitin ang natitirang isang linggo namin nang nagyayakapan lang. Mas masaya daw kasi ang yakapin ako kaysa sa pumunta sa mga party. Napangiti naman ako dahil doon. Tama, dapat nga ay dito lang siya dahil paniguradong iiyak ako kapag umalis na siya.

All through out the month of May, tinuturuan niya akong i-drive ang motorbike. Thankfully, I'm a quick learner. Mabilis akong natuto.

Ngayong araw ko lang nalaman kung bakit niya ako tinuturuan, iyon ay dahil ibibigay na niya sa akin ang motorbike niya. My initial reaction that time was can I change its color? I want it to be pink.

He told me, "Don't. You. Ever. Fucking. Start. With. That." with a disgusting look and that was the moment I knew, I have to give up with that idea.

Sinabi din sa akin ni Hue na dapat ay alagaan ko ang motorbike niya. Dapat ay buo pa iyon pag-uwi niyang muli sa Pilipinas kung hindi ay mapipilitan siyang sapakin ako. I know it's a joke but there's a part of me that saying he's serious with that.

Kismet's Perfect FiascoTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon