CHAPTER ONE

15 0 0
                                    

Bakit sinasabi nila na madali lang naman ang mabuhay sa mundo?
Hihinga ka lang daw tapos yon na, buhay ka na basta masaya ka?
Totoo ba yon?
Sabi pa ng iba ang buhay daw ay simple lang, kailangan mo lang daw sumabay sa agos ng buhay at hayaang ang tadhana na ang magdikta sa kung saan ka dapat mapunta?

Tama ba yon? Isipin ko pa lang ay parang nakakalito na paano pa kaya kung ako na mismo ang magsasalita? O pano pa kaya kung maririnig niyo ang nasa isip ko?

Teka ! Teka! Teka!

May tanong ako?

Sintigas na ba kayo ng mga bato?
Sintibay na ba kayo ng bakal?
O sitatag na ba kayo ng mga bundok para harapin ang mga hamon ng buhay?

Hindi mo maamin sa sarili mo ano?
Kasi buhay ng iba ang inaatupag mo!
Sya! Pagbibigyan kita.
Buhay ko naman ang alamin mo!

Sige, magsimula tayo doon sa 'sumabay' kuno sa agos ng buhay...

"Literal na inutil ka talaga!" Nagulat ako sa sigaw ng boss ko.
Nakapagtataka bakit siya sumisigaw?
Nag angat ako ng tingin dahil nakafucos lang ako sa computer at di ko pinapansin ang mga bulong bulungan kaya nagulat din ako ng magtama ang mga mata naming dalawa.

"B-bos-""Aba! At talagang painusente ka pa huh!?" Putol niya sa sasabihin ko.
"Talaga bang tinakasan ka na ng utak Lester?"nagtataka pa rin ako kung ano ba nagawa ko at bakit galit na galit tong boss ko sa kin?

Bakit kaya!?

*Pak!* Napapikit ako ng ihampas sa mukha ko yong dala niyang mga papel.

Ngayon ko lang yon nakita ah!?
Kanina pa ba niya hawak yon?

"Lester! Nasan ba ang isip mo!? Nandito Ako sa harap mo! Ayusin mo yang kapalpakang ginawa mo huh!"tinignan ko lang siya dahil namulat ako sa riyalidad na pinagalitan niya pala ako ng biglaan at wala na akong nagawa.

Ni ipaliwanag ang sarili ko ay hindi ko na din nagawa.

Pinulot ko yong mga paper na hinagis niya sa'kin kanina.

Tinignan ko yon isa isa at hays!

Ang palpak ko nga

Mali ang mga nakaprint at alam ko na ako talaga ang may gawa non dahil ako lang naman ang taga-gawa ng schedule dito sa office hays...

Napabuntong hininga ako ng malalim dahil sa isipin minus points na naman ako sa ginawa ko!

"Ba't kaya di pa magresign ano? Lagi namang palpak, wala ng ginawang tama eh"
"Oo nga, hay naku akala ko pa naman mag eimprove eh jusko, ilang taon na dito palpak pa rin"

Napayuko ako sa mga narinig ko.

Aba!
Kasalanan ko bang magkamali palagi?
Hoy! Tao lang din naman ako ah!

Nagpipigil ako at baka makapagsalita ako ng hindi maganda kaya napagdisisyonan ko na bumalik na lang sa ginagawa ko kanina at ayusin ang palpak na trabahong nagawa ko..

Bakit ang dami nilang sinasabi?
Pare pareho lang naman kaming empleyado dito eh bakit kung makapagsalita sila kala mo mga perpekto?

Bakit? Lahat ba ng ginagawa nila ay tama?
Napapagalitan din naman sila ni boss ah? Wala naman silang naririnig sa kin ah? Tsk! Kaasar!

Teka? Ano ba mali dito?

Inusisa ko pa ng mabuti ang mga papel na pinulot ko kanina at nanlaki ang mga mata ko dahil

SINO KA?Where stories live. Discover now