Sa itaas ng aming bahay,
Sa may bubong na puno ng dumi ng pusang gala,
Nakaupo at nakatingala habang ninanamnam ang pait ng serbesa sa lalamunan.
Katulad nang kung gaano kapait ang maiwan,
At kung gaano kasakit ang hindi ipaglaban.Naalala ko nung una tayong nagkausap,
Isang maling mensahe na ipinadala sa maling numero ang nagbapago ng lahat.
Ngunit ang hindi naisip kailanman,
Sa ganoong paraan din natin wawakasan ang ating pag-iibigan.Saksi ang mga bituin sa ating pagmamahalan,
Sa twing sasapit ang alas dyis ay dito sa itaas ang ating tambayan.
Nilalanghap ang sariwang hangin habang magkatabi't magkayakap,
At patuloy na tumutugtog ang paborito mong kanta kahit na tayo'y inabot na ng ala- una.Ngunit katulad ng puting liwanag mula sa mapanglaw na buwan,
Ang ating samahan ay t'wing gabi lamang masususmpungan.
Sapagkat alam nating ito'y mali mula pa no'ng umpisa,
At gaya mo, alam ko na hindi na tayo dapat pa abutin sa itaas nang umaga.Dahil ang pagsikat ng araw ay siya ring hudyat ng pagtatapos ng ating isang gabing pag-iibigan,
Babalik muli sa dating gawi ang ating samahan,
Bilang magkapit-bahay na walang imikan,
Ngunit sa kaloob-looban ay nananabik sa paggawa muli ng isang gabing kasalanan.Ngunit ngayon ko lang naintindihan,
Na hindi lahat ng pag-ibig ay ipinaglalaban,
Dahil hindi lahat ng lumaban ay panalo,
Sapagkat, mahal, sa ating dalawa
Ako lang ang lumaban,
At sa huli, ako rin lang ang nasaktan.Sa itaas ng aming bahay,
Sa bubong na puno ng dumi ng pusang gala,
Nakaupo at nakatingala habang ninanamnam ang pait ng serbesa sa lalamunan.Napagtanto ko na kahit ako lang ang lumaban at nasaktan ay ayos lang,
Dahil mahal, sa simula't umpisa ang hangad ko lamang ay ang iyong kaligtasan.
Dahil mahal, alam at tanggap ko na, na iyong puso'y may laman nang iba.Tanggap ko na, na ako'y hindi sasapat kailanman, sa iyo, sa kahit na sino.
Ngunit para lang malaman mo, alam ko din ang halaga ko,
Hindi na ako tanga, para humabol pa sa'yo.Saksi ang Butuin, Buwan at Kalangitan nang aking sambitin ang salitang, "Paalam".
YOU ARE READING
The Poet Tries: Untold Love #Wattys2019
PoésiePoems about love. Poems about life. Poems about everything. Some things are better left unsaid.