Chapter 25: Huling Mga Kalokohan

1K 65 22
                                    

Pina-andar ni Dean ang kotse. Tumingin ulit ako sa book shop. Lumabas ang isang kasama ng tindera. Parang hinanap niya ang salarin. Ako. Bumalik siya sa loob nang hindi niya ako nakita.

"Chris, ikaw naman," sabi ko. "Ano ba ang task mo?"

"Magtake-out ng tubig sa drive thru ng jollibee," sagot niya. "Ang simple lang diba? Walang kapawis-pawis."

"Sige nga, pakitaan mo nga kami nang convincing skill mo?" aliw na tugon ni Becca.

Malapit lang sa book shop ang isang branch ng jollibee. At nang nasa drive thru na kami, hindi namin mapigilang tumuwa sa gagawin ni Chris.

Binuksan ni Chris ang bintana ng kotse. Umorder siya ng apat na burgers at fries sa isang babae.

"Wala na po ba kayong oorderin, Sir?" tanong ng babae.

"Actually, miss, meron pa," sagot ni Chris. "One glass of water. Uhaw na uhaw na kasi ako."

Ngunit wala kaming narinig na sagot sa babae. Tahimik lang siyang inabot kay Chris ang resibo. Siguro alam niya na kalokohan lang namin ito.

"Bro! Is that all you've got?" Ang boses ni Dean ay parang nang-iinis ngunit na-aaliw. "You really suck out there." Pinahinto niya ang kotse sa receiving area at kinuha ang burgers at fries.

"Really? See this!" Kinuha ni Chris ang isang burger sa kamay ni Dean at kinain ito. Umarte siya na parang nabulunan. "Miss, pahingi ng tubig!"

Totoo nga na kapag desperado ang isang tao, gagawin niya ang lahat ng bagay kahit nakakahiya.

"Pasensya na po, Sir. Hindi po kasi kami allowed magpatake-out ng tubig," wika ng isa pang babae. Pero sa kanyang hitsura, malapit na siyang madala sa pag-arte ni Chris.

"Ano ka ba, miss. Hindi naman ikalulugi ng jollibee ang isang basong tubig!" tugon ni Chris. Tinapik-tapik niya ang kanyang dibdib. "At tsaka, hahayaan mo na lang ba na mamatay ako?"

"Oo nga, miss. Hindi mo naman siguro gusto na mumultuhin ka nito?" dagdag ko habang pinipigilan ang aking sarili na humalakhak.

At sa wakas, nadala ang babae. Dali-dali siyang umalis sa receiving area upang kumuha ng tubig. Ilang segundo, bumalik siya at inabot ang isang pulang baso ng tubig kay Chris. "Sir! Ito na po."

Kinuha ni Chris ang baso. Tumigil siya sa pag-arte. "Salamat, miss. Siguro bago ka lang dito."

Sinirado ni Dean ang bintana. At humalakhak kaming apat. Napahawak ako sa aking tiyan. Kasi kahit napaka-pangit ng pag-arte ni Chris, nagawa pa rin niya ang dapat niyang gawin. At ang hitsura ng babae, parang nawalan ng limang daan.

Pero sana naman, hindi mapagalitan ng manager o kaya'y tanggalin sa trabaho ang babae.

Pinarking ni Dean ang kotse sa isang eskinita. Kinain at pinagsaluhan namin ang burgers at fries. Humina ang aming tawanan nang may magkasintahan na huminto sa pagitan ng kotse ni Dean at sa isa pa. Naghawakan sila ng mga kamay at palingon-lingon sa paligid.

Napa-atras na lang ako sa aking upuan nang marahas na sinandal ng lalaki ang babae sa banda kung saan ako nakaupo. Sinungguban niya ang babae ng matinding mga halik. Para akong nanood ng sinehan. Napansin ko rin na tutok na tutok si Chris at Dean.

Hindi siguro alam ng magkasintahan na merong mga tao sa kotse sapagkat nakapatay ang ilaw sa loob nito. Nang ginapang nang lalaki ang kanyang kamay mula sa likod ng babae at pababa, hindi na nakapagtimpi si Becca at paulit-ulit na tinapik ang sentro ng manubela.

Magkasunod na pumipeep ang kotse. Pina-ilawan ni Dean ang loob. Kumaway ako. Nanlaki ang mga mata ng babae at lalaki ng makita kami. Kita sa kanilang mukha ang sobrang pagkahiya. Sino ba naman ang hindi? Mabilis silang naglakad palayo.

"I wonder if they still have the interest to continue their love-making?" tuwang tanong ni Dean sa amin.

"Malabo na yata... Siguro sa susunod na araw," aliw kong sagot. Kumuha ako ng fries at kinain ito.

"Ano ba ang task mo, bro?" tanong ni Chris kay Dean.

"Just an old fashion prank pero nakakabadtrip ng araw sa side ng victim" sagot ni Dean. "Deflating someone's car."

Naghanap kami ng sasakyan na pagtitripan dahil ang aming hinintuan ay may isang guwardiya sa kanang banda. Mga sampong minuto, nakarating kami sa isang 7/11 shop. Pinahinto ko si Dean sa pagmaneho dahil natanaw ng aking mga mata ang pamilyar na kilos at katawan ng tao na aking kinamumuhian. Si Tito Tomas. Pumasok siya ng tindahan. Tumingin ako sa maliit na parking area. Ngumisi ako nang nakita ko ang motorsiklo na kanyang ginamit. Hindi sa kanya ito. Hiniram lang niya sa isang kapitbahay na lasinggero rin.

"Dean, pwedi bang iyon na lang ang kunan mo ng hangin?" Tinuro ko ang motorsiklo na may kalumaan.

"Walang problema." Lumabas si Dean sa kotse. Tumungo siya sa motorsiklo at lumingon-lingon muna. Nag-iingat na baka may makakita sa kanya. Mabilis niyang nakunan ng hangin ang gulong sa likod at naglakad patungo sa amin na parang walang nangyari. "Ano, okay ba?"

"Sobra." Ngumisi ako.

"Kanino ba 'yung motorsiklo?" tanong ni Becca. "Kung tutuusin, marami-rami namang mga magagandang motorsiklo at kotse sa paligid natin."

"Makikita niyo," tugon ko.

Ilang minuto, lumabas si Tito Tomas sa tindahan. May bitbit siyang alak. Bakit hindi pa 'yan namatay sa kanyang bisyo! Totoo nga siguro ang kasabihan, matagal mamatay ang masamang damo.

"Sana sinabi mo sa akin na sa gago mong tito 'yan," sabi ni Dean. "Para dalawang gulong ang kinunan ko ng hangin."

"Tama na 'yung isa ang kinunan mo ng hangin," sagot ko. Sinalubong ni Dean ang aking fist bump. Nagpasalamat ako sa kanya dahil kahit sa ganitong paraan, nakaganti ako sa aking gagong tito. Bahala na niyang solusyonan ang sinapit ng motorsiklo... Sana nga hindi niya masolusyonan, para mabogbog siya ng lasinggero niyang kapitbahay.

Pinanood namin si Tito Tomas na pina-andar ang motorsiklo at bumiyahe. Naghalakhakan kami nang huminto siya sa gilid ng kalsada at tiningnan ang gulong. Sa inis, sinipa niya ito. Lumingon siya sa paligid habang napabunot sa kanyang buhok. Nagbabasakaling mahanap pa niya ang salarin.

"That stupid has a long night," tuwang sabi ni Dean. "It takes thirty minutes to reach the nearest volcanizing shop."

Tuloy pa rin kami sa kakatawa habang pinanood si Tito Tomas papalayo habang tinutulak ang motorsiklo. Hindi na kami nagbalak na sundan siya ng lumiko siya sa kaliwang banda.

"Let's smoke," tugon ni Dean.

Kumuha si Becca ng pera sa kanyang pouch. Lumabas si Chris nang siya ang inutusan na bumili ng sigarilyo sa tindahan.

"Pero kailangan niyong malaman na hindi muna ako maninigarilyo," pabirong sabi ni Chris. "Magbabagong buhay muna ako."

"Loko!" aliw na sabi ni Dean.

Bumaba si Chris ng kotse at pumasok sa 7/11 shop. At bigla kaming nagulat ng umiyak si Becca. Wala akong ideya kung bakit na naman. Sapagkat sobra niyang saya sa mga nakaraang oras na kasama kami. Kumuha siya ng panyo sa kanyang bulsa at pinahiran ang kanyang mga luha.

Tears of joy, siguro.

"Abe. Dean," iyak niyang sambit. May kinuha siya sa kanyang pouch at pinakita ito sa amin. "May kailangan kayong malaman."

"Ano? May iba bang babae ang loko? Binuntis ba niya?" sunod-sunod na tira ni Dean.

"Sira!" Kinuha ko ang maliit na kahon sa kamay ni Becca at binasa ang pangalan nito. "Procarbazine? Para saan ito?" Tiningnan ko si Becca. Wala akong makita sa kanyang mukha kung hindi lungkot.

"Sa cancer," sagot ni Becca. "May cancer si Chris."

Mga Sirang Laruan |Completed|Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon