Chapter 30: Dalaw Sa Ospital

1K 66 88
                                    

Pagkahapon, matapos ang eskwela, pumunta agad kami sa ospital upang dalawin si Hannah. Hindi na kami nagtanong sa guard o sa receptionist dahil tinext ni Mr. Morales kung saang room sila. Sumakay kami sa elevator patungo sa ikatlong palapag.

Nang nasa harapan na kami ng pintuan ng room 206, kumatok si Dean. Bumukas ang pinto. Sinalubong kami ni Mr. Morales ng kanyang masayang mukha.

"Tuloy kayo," sabi niya.

Pumasok kami ni Dean. Sinara ko ang pinto. "Magandang hapon po, Mrs. Morales," marahan kong wika. Binigay ko ang bulaklak na binili namin sa isang flower shop.

Sinamahan ko si Dean na lumapit kay Hannah. Nang natanaw ko ang kanyang mukha. May gumulo sa aking isipan. Tama! Siya ang may-ari ng cellphone ko ngayon na napulot ko lang sa kalsada. Naka-oxygen mask siya. Malinaw sa aking mga mata ang pagbuo ng hamog sa bawat paghinga niya.

Wala ng buhok si Hannah. May leukemia kasi siya. Ngunit litaw pa rin sa kanya ang natural na ganda. Kung ako ang tatanungin, mas kamukha niya si Mrs. Morales. Maputi. Matangos ang ilong. May maliit siyang nunal sa gilid ng kanyang labi.

Hinawakan ni Mrs. Morales ang kamay ni Hannah. "Anak, may bisita ka."

Marahang dinilat ni Hannah ang kanyang mga mata. Papikit-pikit ang mga ito, nag-aadjust sa liwanag. Tahimik niya kaming tiningnan ni Dean. "Ma, bakit may dalawang gwapo na nakatitig sa akin? Ito ba ang mga sundo ko patungo sa langit?"

Ngumiti na lang kaming dalawa ni Dean.

"Pasensya na kayo, sadyang mapagbiro lang ang aking anak," sabi ni Mrs. Morales. "Pero kagaya ng sinabi niya, ang gugwapo niyo."

"Nako, salamat po." nahihiyang wika ni Dean.

Ako rin naman ay nahiya. Napakamot ako sa aking ulo. Lumingon ako sa likod nang umubo si Mr. Morales.

Nakuha rin niya ang atensyon ng kanyang asawa. "Iwan muna namin si Hannah sa inyo. Magpapahangin lang kami ng asawa ko."

"Sige po." Tiningnan ko silang dalawa na lumabas ng kwarto, nakangiti. Pero alam ko na sa kaibuturan ng kanilang mga puso, nababalot sila ng lungkot dahil sa sinapit ng kanilang anak.

"Sino ba sa inyo ang sumagip sa akin?" tanong ni Hannah. Tumingin siya sa akin. "Ikaw ba kuya?"

Ngumiti ako. "Hindi, Hannah." Umupo ako. "Si Kuya Dean ang sumagip sa 'yo."

Tinitigan niya si Dean. "Salamat kuya... At pasensya na kung ikaw ay naabala sa pagsagip sa akin."

"Huwag mong sabihin 'yan. Hindi nakaka-abala ang pagsagip ng isang buhay," tugon ni Dean.

Ngumiti siya bago tumingin sa akin. "Ikaw kuya, ano ang pangalan mo?"

"Ako si Abe," sagot ko. Pinasok ko ang aking kamay sa aking bulsa at kinuha ang cellphone. Pinakita ko ang kanyang selfie. Masaya siya dito.

Ngumiti siya at tumango. "Bagong bili ko 'yan. Hindi ko pa nga alam ang number ng dalawang sim niyan kung kaya hindi ko matawag-tawagan."

"Bakit hindi ko agad napansin na ikaw 'yang nasa picture?" tanong ni Dean sa kanyang sarili.

"Malabo na siguro ang mga mata mo," pang-iinis ko. "Palagi ka kasing--" Muntikan ko ng masabi ang salitang jakol sa harap ng babae. Mabuti na lang, nakapreno ang aking bibig.

"Sa aking wig siguro kuya," tugon ni Hannah. Palipat-lipat siya ng tingin sa akin at kay Dean. "Magjowa ba kayo? Pareho kasi kayo ng suot ngayon." Ngumiti siya. "Joke lang, alam ko naman na school uniform natin 'yan."

"Oo. Magjowa kami."Diretsong wika ni Dean.

Bumuntong si Hannah ng hininga. "Ganun ba. Akala ko pa naman mapipingwit ko ang isa sa inyo." Tumingin siya sa maliit na lamesa na nasa bandang kaliwa. "Kuya Abe, pakikuha naman ng cellphone."

"Ito ba?" Binigay ko sa kanya ang aking cellphone.

"Hindi 'yan. 'Yung nasa bag ko," sagot niya. "At tsaka hindi ko na 'yan babawiin. Sayo na 'yan Kuya Abe. Isipin mo na lang na regalo ko 'yan sa birthday mo."

Ngumiti ako. "Nako, salamat." Tumayo ako at kinuha ang cellphone sa bag. Parehong-pareho sa akin. Binigay ko ito sa kanya. "Meron ka bang gustong bigyan ng message? Ako na ang magtype."

"Hindi kuya. Gusto ko sanang hingin ang numbers niyo. Kung okay lang," tugon niya.

"Oo naman," Tinype ko ang contact numbers namin ni Dean. "Ayan, tapos na."

"Salamat Kuya Abe," sabi niya. "Pwedi rin bang makahingi ng pangalawang pabor sa inyong dalawa?"

"Ano naman iyon?" tanong ni Dean. "Kahit hindi mo pa sabihin. We're saying yes already."

Ngumiti si Hannah. "Meron kasi akong listahan ng mga dapat kong gawin bago ako isilid sa kabaong... Gusto ko sana na..."

"Ano?" tanong ni Dean. "Huwag ka ng mahiya."

"Hindi pa kasi ako nahalikan," wika niya. "Kaya gusto ko sanang mahalikan kahit sa pisngi man lang"

"At sino naman ang pipiliin mong humalik sa 'yung pisngi?" birong tanong ni Dean. "Ako o si Abe?"

"Pwedi kayo na lang dalawa?" pang-aakit ni Hannah. "Ang hirap kasing pumili sa inyong dalawa." Ang tono ng kanyang pananalita ay may halong biro.

"Oo, naman," tugon ko, na-aaliw.

Sabay naming dinampi ang mga labi namin ni Dean sa pisngi niya. At halata sa kanyang hitsura ang pagkakilig pagkatapos.

"Pwedi na akong mamatay," biro niyang tugon.

"Meron bang pangatlo?" aliw kong tanong.

Tumango siya. "Hindi ko pa kasi na experience ang sex." Tumingin siya sa amin na natahimik sa kanyang sinabi. Tumawa siya bigla. "Biro lang, pwedi bang mag selfie tayo?"

Nakahinga ako ng maluwag. "Oo, naman."

At humarap kami sa camera. Pinindot ko ang bilog na hugis sa screen ng cellphone ng dalawang beses. Tiningnan ko ulit ang mukha ni Hannah na masaya.

Ilang minuto, bumukas ang pinto. Pumasok si Mr. and Mrs. Morales. Nagpasalamat silang dalawa sa aming pagdalaw. Pumalit sila sa pag-upo.

"Pagaling ka, Hannah," tugon ko. "Tutulungan ka namin ni Dean na gawin ang nasa listahan mo."

"Aasahan ko yan, Kuya Abe," sabi niya.

"Basta huwag lang 'yun," wika ni Dean.

Ngumiti si Hannah at nagpa-alam sa amin. Lumabas kami sa kwarto. At nang sinara ko ang pinto, nakita kong hinalikan ni Mrs. Morales ang kanyang noo.

Lumabas kami ng ospital ni Dean na may ngiti sa mukha. Kahit nakakalungkot malaman na may leukemia si Hannah, masaya kami na nakilala siya. Isang babae na masayahin. Isang babae na matapang. At wala akong hinihiling para sa kanya kung hindi ang kanyang paggaling.

Mga Sirang Laruan |Completed|Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon