Mahal ko? O Mahal ako?

193 8 0
                                    

Ako nga pala si Marie Alcantara, college student, actually working student ako.

Mahirap lang ang pamilya namin. Hindi kayang tustusan ng mga magulang ko ang pag-aaral ko kaya nag aaral ako sa umaga nag tatrabaho ako sa gabi.

Kung ang iniisip nyo na isa ako'ng GRO?

Hindi po, nag tatrabaho po ako sa isang mamahaling Coffe Shop sa Makati.

Mas malaki ang na ti-tip ko kesa sa sahod ko.

Kaya nakukuha ko ang baon ko para sa araw araw.

Solo'ng anak lang ako pero kahit solo lang ako hindi pa rin sapat ang kinikita ng tatay ko para mapag aral ako.

Isang taxi driver ang tatay ko ang nanay ko naman meron syang maliit na sari sari store sa harap ng bahay namin.

Papasok ako ng trabaho ng makita ko ang poster ng kababata ko'ng si Sherwin.

Isa na syang sikat na model ngayon.

Simula ng sumikat sya madalang ko na lang syang makita at makausap.

May sasabihin ako sa inyong isang sekreto.

Promise nyo na hindi nyo ipag sasabi huh?

Kayo lang ng isa kong bestfriend ang nakakaalam nito.

Simula ng bata pa lang kami crush ko na sya hihihi.

Tatlo kaming mag kakaibigan.

Ako, si Sherwin at si Joey.

Noon nga napagkakamalan akong tomboy, kasi nga raw lagi kong kasama mga lalaki.

Wala naman masama maging bestfriend mo mga lalaki di ba.

Matalik kong kaibigan ang dalawang yun.

Simula pa lang ng mga bata kami, sila na mga kasama ko.

Mag kakapitbahay kami, pero syempre sila mayaman ako isa lang hamak na dukhang maralita. Nakzzz. ehehe

Mag kakasama na kami Elementary hanggang High School. Kahit mayaman sila sa public school pa rin sika nag aral para daw makasama nila ako.

Nagkahiwahiwalay lang kami ng mag College kaming tatlo.

Si Joey lagi ko yan nakakasama kahit busy sa pag-aaral nakakagawa sya ng paraan para mag kita kami.

Si Sherwin naman, simula ng maging model sya nawalan na sya ng oras samin ni Joey, nagkikita kita kaming tatlo pag hindi sya masyadong busy, yun nga lang sandaling sadali oras lang at agad din syang umaalis. Kasi kahit nag momodel sya nag aaral din sya.

Si Sherwin ang ideal guy ko, gwapo, mabait, sweet, talented at matalino.

Pero ewan ko ba kahit lagi kaming mag kakasama noon hindi man lang sya nag kagusto sakin.

Matinik sa babae si Sherwin palit ng palit ng Girlfriend hindi katulad ni Joey. Wala pa ata akong nabalitaan na nag kagirlfriend sya, hindi naman sa bekz sya or mapili sa babae, pero lagi na lang nya sinasabi sakin pag tinatanong ko sya sa mga ganun ay...

May hinihintay akong babaing mamahalin din ako balang araw...

Ang gulo ng sagot nya noh? pero sino kaya yun? sigurado ako na maswerte ang babaing mamahalin ni Joey dahil mapag-mahal na tao si Joey at sobrang bait at maalaga.

Mahal ko? O Mahal ako?Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon