Chapter 2 (11-23-15)

108 7 0
                                    


[Marie's POV]

Nag aalmusal ako ngayon, wala akong pasok dahil sabado at mamaya off ko rin sa work ko.

Habang umiinom ng kape ng biglang nag beep ang cellphone ko.

Namilog ang mga mata ko at muntik ko ng mabuga ang kape na iniinom ko ng mabasa ko ang text ni Sherwin.

1 message received

Guys mamaya kita kits sa Coffee Bar.. day-off ko. Bonding tayo! See you later!

sender:
Sherwin
+639192345678

"Owwww my Geeeeeee!!" napasigaw na ko sa sobrang saya at di ako makapaniwala na nag yaya mag bonding si Sherwin.

Isa kasi itong malaking himala, ang isang Sherwin de Guzman na sobrang busy, at hectic ng mga sked. nag yaya'ng makipag bonding samin mga bestfriend nya!.

Dati-rati kasi halos kami lang ni Joey ang nagyaya'ng gumimik, syempre si Sherwin minsan di pwede, kung makakasama naman sya, darating sya at aalis din agad dahil may shooting.

Agad ko'ng tinawagan si Joey.

Ring....

Ring....

Ring....

Nakatatlong ring palang at agad din sinagot ni Joey.

["Hello... Mar-"]

"Joey Oww Emm Geee nag text si Sherwin!!" di ko na pinatapos si Joey kasi naman sobrang excited ako eh.

["Oo alam ko, nag text din sya sakin. makakapunta ka ba?"]

"Oo naman madalang lang mag yaya lalaking yun kaya gora ako dyan, eh ikaw?"

["Baka hindi, may gagawin ako'ng report"]

"Ano ba naman yan Joey, hindi ba pwedeng ipag pabukas yan? Madalang lang na makumpleto tayo"

["Bahala na"]

"Joey?! i'm not going to accept "bahala na" as an answer"

["Ok, ok panalo ka nanaman, alam mo kasing di kita matitiis eh"]

"Yey!! kaya love na love kita eh malakas talaga ako sayo!"

["Ako daw love na love nya eh hindi naman ako yun, tsaka ako lang naman mahina sayo eh"]

"Ano ka ba, syempre love ko si Sherwin pero love din kita kasi bestfriend kita, kaya wag na mag selos, ehehehe"

["Haaaaay... sige na, sige na, mamaya na lang kita kitz sa Coffee Bar"]

"Ok! kita kitz... Bye..." masigla ko'ng pagpaalam at agad na rin in-end yung call.

At the Bar

10pm na ko nakadating ng Bar hinintay ko pa kasi si tatay galing sa pamamasada ng taxi, nag pahatid kasi ako sakanya.

Hindi naman ako masyadong late 9:30 naman kasi ang usapan.

Ang OOTN (Outfit Of The Night) ko nga pala.

Maxi skirt na leopard print at tube na black, naka black flat sandals lang ako at light lang ang make-up kaya tinernuhan ko na lang ng blood red lipstick. Yung hair ko naman kinulot ko sa dulo mahaba kasi ang buhok ko at bagsak.

Simple lang ako mag damit pero syempre pag gumigimik, pumuporma ako.

Pag pasok ko sa Bar agad na sumalubong sakin ang ingay at usok sa loob ng bar.

Mahal ko? O Mahal ako?Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon