Chapter 3 (12-7-14)

96 6 3
                                    

[Marie's POV]

Ahhhhh ang sakit ng ulo ko, di ko mamulat ang mga mata ko sa sobrang antok, nakahiga pa ako nito, ewan anong oras na ko nakauwi, nag lasing kasi kami ni Joey at talagang nalasing nya ko.

Tinaas ko ang comforter hanggang leeg ng may maramdaman ako na gumalaw sa tabi ko, wait! comforter? kelan pa kami nagkakumot ng makapal sa bahay? At bakit ang lamig? wala naman aircon ang kwarto ko uh, tsaka wala ako kapatid kaya wala ako kasama sa kwarto ko. Imposible na sila nanay at tatay kasi may sarili naman silang kwarto.

Bumangon ako at pinagmasdan ang paligid, nakahinga ako ng maluwang ng malaman ko kung kanino kwarto toh, akala ko nauwi na ko ng ibang lalaking walang ibang inisip kundi ang makipag sex sa mga nakakakilala nilang mga babae sa bar, laking pasasalamat ko na laging andyan si Joey para sakin, alam ko na wala syang gagawing hindi maganda sakin at di nya ko pag sasamantalahan, haaaaay napaka swerte talaga ng babaing mamahalin ni Joey.

Kung sya lang sana si Sherwin... kaya lang hanggang mag kaibigan lang talaga ang turing ko sakanya. Hindi naman mahirap mahalin si Joey, ewan ko ba bakit si Sherwin ang mahal at minamahal ko kahit na alam ko na babaero sya at walang ginawa kung di makipag talik sa iba't-ibang babae na nakikilala sa bar.

Haaaay kelan kaya darating yung araw na mamahalin nya ko.

Hanggang ngayon umaasa pa rin ako na mamahalin 'nya ko at hindi ako susuko.

Bago pa magising si Joey, tumayo na ko at nag-iwan ng note sa ibabaw ng drawer sa side nya.

Thank you Joey lagi ka nandyan para sakin at hindi mo ko pinababayaan...

***

"Oh anak nag pakalasing ka nanaman kagabi ano?! pasalamat ka talaga at napakabait 'nyang si Joey, kaya panatag ang loob namin ng tatay mo pag 'sya ang kasama mo, kung ibang lalaki lang yan pinag samantalahan na yang pag kababae mo, ikaw talagang bata ka"

"Nay... napasarap lang po inuman namin nila Joey, tsaka po hindi naman po ako iinom ng marami kung di ko 'sya ksama" sagot ko kay nanay habang nagre-ready na ako para pumasok sa trabaho. "Oh sige po nay, pasok na po ako" sabay halik sa pisngi nya.

"Mag iingat ka"

"Opo" at nag mano na ko bago lumabas ng bahay.

Habang nag aabang ako ng jeep tumunog ang phone ko.

Calling.... Joey

"Hello Joey!"

[Kumusta ang hang over?]

"Haaaay sobrang sakit ng ulo ko kanina, pasensya ka na di na kita nagising, nag mamadali kasi ako umuwi may trabaho pa kasi ako"

[Ok lang yun, papasok ka na ba nyan?]

"Oo nandito na ko sa kanto, nag aabang ng jeep"

[Sakto, padaan ako ngayon dyan, sabay ka na sakin, hatid na kita]

"Ayan ang gusto ko sayo eh, ehehehe oh sige hintayin kita, bye" pag end ko ng call kay Joey may tumawag sa pangalan ko.

"Marie!" paglingon ko, si Jacob pala...

"Hey! Jake..."

"Pasok ka na?" tanong nya ng makalapit na sya sakin. Malapit lang kasi ang bahay nila dito sa lugar namin.

"Oo eh, pero hinihintay ko si...."

Beep!!

Beep!!

"Oh ayan na pala 'sya" at bumaba ng driver seat si Joey, at pinag buksan ako ng pinto.

"Sakay na Marie" at ang sama ng tingin 'nya samin ni Jake, problema talaga nitong si Joey kay Jake?

"Gusto mo sumabay Jake?" syempre nakakahiya naman kung di ko 'sya yayayain eh sa iisang lugar lang naman kami nag ta-trabaho.

"Hindi sige wag na Marie, may dadaanan pa kasi ako" pagtanggi ni Jake, alam ko na kung bakit kasi nahihiya 'sya kay Joey, pamamgkin ng boss namin eh.

"Ok sige, una na kami huh?" paalam ko kay Jake at sumakay na sa kotse ni Joey.

"May kasabay ka na pala, bakit di mo agad sinabi eh di sana hindi ko na kayo naistorbo ng manliligaw mo"

"Hindi ko 'sya kasabay, ano ka ba. Nakita lang 'nya ko nag aabang ng jeep, nun dumating ka halos kakadating lang din 'nya nun"

"Ok, ano pala sabi 'sayo nila tita? inumaga ka na ng uwi?" pag iiba ni Joey sa usapan. Kilala ko na toh, hindi na 'sya makikipag talo sakin pag nalaman na 'nya ang buong nangyari at agad din naman nawawala ang inis or galit 'nya pag nakapag explain ka na sakanya ng mabuti. Ganyan ang ugali ni Joey kilalang kilala ko na 'sya.

"Nagalit ng konti, konti lang naman syempre dahil ikaw ang kasama ko, kung iba lang siguro lalaki nakasama ko lagot na ko kay nanay, kalbo ang aabutin ko ehehehehe"

"Ahahahahaha sinabi mo pa! naalala ko tuloy ng 1st time natin mag bar nila Sherwin. Sobra ako'ng natakot kay tita ng inumaga tayo ng uwi tapos lasing na lasing ka pa at nag susuka, pag hatid namin sa bahay 'nyo nakahanda na yung gunting na ipang kakalbo 'sayo ahahahahaha"

"Ang bad mo, 1st time ko kaya malasing ng ganun, di nyo naman kasi ako pinigilan sa kakainom ng margarita ng mga panahon na yun, sarap na sarap kasi ako kaya ayun na lasing ako ahahaha"

"Ang mas nakakatawa pa nun nalasing ka nag tatapat ka kay Sherwin na gusto mo 'sya ang at ang masaklap pa nun hindi mo alam na wala si Sherwin sa table natin at napagkamalan mo ko na ako si Sherwin, akala ko nga ako na yung gusto mo eh, sisipain na sana kita nun kung hindi mo lang binanggit ang pangalan ni Sherwin ahahahaha" pang aasar ni Joey sakin. Simula nun alam na ni Joey na gusto ko si Sherwin at lagi na 'nya akong inaasar.

"Ayan ka nanaman eh, oo na nakakatawa na ko ng mga panahon na yun, buti na lang sayo ko nasabi, kung hindi, lagot na ko nun kung sakaling si Sherwin ang kasama ko. Nakakahiya talaga, tsaka baka sira na pag kakaibigan namin ni Sherwin ngayon at di ko na rin 'sya makakasama kahit madalang lang na mag ka-oras ang lalaking yun, haaaaaay napakaswerte ko at isa ka sa naging bestfriend ko Joey, Thank you!" at agad ko 'sya kiniss ng mabilis sa pisngi nya, at nagulat 'sya sa ginawa ko.

itutuloy...

Mahal ko? O Mahal ako?Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon