Chapter 5 (01-12-15)

68 5 2
                                    

[Marie's POV]

Nakakainis talaga ang Joey na yun, hindi talaga sya pumunta. On time pa naman ako ngayon kasi maagap nakauwi si tatay at agad ako nahatid, sinabi ko pa naman sakanila na kasama ko si Joey kaya pinayagan ako uminom.

Lagot ako nito pag nalaman nila nanay na si Sherwin lang kasama ko, hindi naman sa walang tiwala sila nanay at tatay kay Sherwin. Pero syempre alam nila na matinik sa babae si Sherwin at baka pabayaan lang ako pag sya kasama ko.

"Marie!!" Nagulat ako ng may humawak sa balikat ko. Nakatalikod kasi ako.

"Sherwin! Agap mo uh..."

"Wala akong masyadong apointment ngayon at balak ko talaga na mag karoon ng quality time sa mga bestfriend ko" tapos nilibot nya ang paningin nya.. "Si Joey?" Nag tataka nyang tanong.

"Wala eh, tinawagan ko sya kanina tapos ayun hindi daw sya makakasama dahil maraming ginagawa at mag re-review daw" inis na sabi ko, di ko matago ang inis na nararamdaman ko... kasi naman eh... alam ko na mangyayari sakin nito mamaya pag may nakita na naman sexy'ng babae ito'ng si Sherwin, maiiwan lang ako mag isa dito. Kung nandito sana si Joey atleast may kasama ako mag lalasing dahil siguradong wasak na naman ang puso ko mamaya.

"Oh bakit naiinis ka dyan? Ehehehe" natatawang sabi ni Sherwin, sabay akbay nya sakin. Gusto ko sana sabihin sakanya ang reason ko pero baka batukan lang ako nito eh.

"Eh kasi naman madalang lang na mag karoon ka ng time para samin, tapos si Joey naman tong wala, hindi tayo kumpleto kaya naiinis ako" palusot ko na lang. Pero hindi pa rin nya inaalis ang pag kakaakbay nya sakin kaya parang nanginginig ang mga tuhod ko at feeling ko matutumba ako anytime na alisin nya ang mga braso nya sa balikat ko.

"Nandito naman ako eh" sabay kindat nya sakin "tsaka may next time pa naman, tara shot na tayo" tinaas nya ang kamay nya na nakapatong sa balikat ko, kaya muntik na ko matumba dahil sa ginawa nyang yun, pano naman sobra akong nanlalambot, ang lapit kasi ng mga katawan namin. Sheeeet lang....

Hindi ko namalayan na umorder na pala si Sherwin at ngayon mag sisimula na kaming uminom...

Isang boteng Tequila ang inorder ni Sherwin para saming dalawa.

Isang boteng tequila? Tapos kami lang dalawa ang iinom... Anong balak nya? Lalasingin nya ba ko? O well keri ko naman siguro toh...

[Joey's POV]

Shit na malagkit... Anong balak nya?

Lasing na sya uh at hindi pa sya tumitigil sa kakainom.

Masayang nag ke-kwentuhan si Marie at Sherwin sa table nila. Nakakapag taka lang na walang nilalanding babae si Sherwin at hindi nya iniiwan si Marie.

Hmmmmm parang masama toh uh.

Nagpipigil lang ako na lumapit sakanila dahil nasabi ko na hindi ako makakapunta.

Nandito ako sa sulok ng VIP area, nasa madilim na parte ako para hindi ako makita nila Marie at Sherwin.

Actually nauna na ko dumating sakanila sadyang hindi lang talaga ako makikita sa lugar ko ngayon.

Kanina ng makita ko na nakaakbay si Sherwin kay Marie napatayo ako para lapitan sila para alisin ang mga braso ni Sherwin kay Marie, pero shit lang, ng makita ko ang mga ngiti ni Marie na masaya sa ginawa ni Sherwin na paatras ako. Ayokong sirain ang gabi ni Marie, madalang lang na maging masaya si Marie at alam ko na si Sherwin lang ang mag bibigay ng kasiyahan sa kaibigan ko.

"Excuse me, are you alone?" Lecheng toh istorbo pa, nakikita naman nya na wala ako kasama tatanong tanong sya na are you alone? Are you alone mo mukha mo!

"Obvious ba?" Inis na sabi ko sa babaing nakatayo sa harapan ko pero di ako nag aksaya ng panahon para tumingala at tingnan ang mukha nya. Isa lang naman sya sa mga babaing makati na nag hahanap ng mararausan ngayong gabi.

"Heheheehe may monthly period ka yata Joey, ang sungit mo huh" dun ko palang sya tiningnan at nagulat ako ng makita ko kung sino ang nasa harapan ko.

"Amanda?!" Gulat na gulat nasabi ko, dahil hindi talaga ako makapaniwala na nasa harapan ko sya ngayon... "Kelan ka pa dumating?" At napatingin ako sa lugar nila Marie nakita ko na tumayo sila at pababa sa dance floor.

[Marie's POV]

"Tara Marie sayaw tayo!" Yaya ni Sherwin at hinila hila pa ko. Ang dami na naming naiinom. Hindi ko kasi napansin na halos maubos na namin ni Sherwin ang isang bote ng tequila, kasi naman ang sarap ng kwentuhan namin at nag e-enjoy talaga ako.

"Hahahaha sandali lang Sherwin na hihilo na ko" natatawa kong sabi, pano naman kasi para syang bata sa ginagawa nya.

"Hahaha hindi yan, tara na...konti pa lang naiinom natin eh" kaloka ano akala nya sakin sunog baga na malakas uminom at hindi tinatamaan ng alak. Kung hindi ko lang mahal toh kanina ko pa binatukan eh, kahit naman sya halatang lasing na.

"Oo na yan na, ehehehe" at tumayo na ako pero inalalayan ako ni Sherwin at naka hawak sya sa bewang ko habang naglalakad kami pababa sa dance floor.

Ang daming sumasayaw kaya nakipag siksikan kaming dalawa ni Sherwin, buti na lang kahit na maraming dumidikit na babae at gusto syang makasayaw hindi nya ko iniiwan.

Sa loob loob ko nag papasalamat ako kay Joey na hindi sya dumating dahil eto kami ngayon ni Sherwin masaya na sumasayaw at hindi ako iniiwan.

Habang sumasayaw kami may binulong si Sherwin sakin "Tara lipat tayo ng ibang lugar..." sabay halik nya sa tenga ko, shiiit bigla ako kinilabutan sa ginawa nya.

"Saan?!!" Sigaw ko para marinig nya ang sasabihin ko.

Instead na sumagot sa tanong ko, hinila na nya ko palabas ng bar at tinungo ang parking lot.

Hindi pa man ako nakakasakay ng kotse ni Sherwin, bigla nya ko'ng sinandal sa kotse nya at hinalikan sa mga labi.

Lumaki ang mga mata ko sa pag ka bigla sa ginawa nya.

Hindi ko namalayan na napapikit na pala ko at nilagay ang mga kamay ko sa batok ni Sherwin at tinugon ang halik nya.

"Nandito lang pala kayo, sorry late ako nakadating. Tinapos ko lang ginawa ko"

What the?!!

Pareho kaming nagulat ni Sherwin kaya agad kaming naghiwalay sa posisyon namin kanina at umayos ng tayo.

itutuloy...

Mahal ko? O Mahal ako?Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon