[Marie's POV]
Papasok ako ng trabaho ng makita ko ang billboard ni Sherwin.
Napatigil ako sa pag lalakad at tinitigan ang picture ng lalaking matagal ko ng gusto.
Haaaaaay...
Bakit hindi mo kasi ako napapansin...
Sabay yuko ko at nag patuloy ng pag lalakad.
Pag pasok ko sa Coffee shop na pinagtatrabahuhan ko agad ko binati ang manager ng coffee shop na nadatnan ko'ng nkatayo' sa may counter.
"Good evening Sir" nginitian lang ako ni Sir Mark at dumiresto na ko sa locker room para mag palit ng uniform.
Pag labas ko ang dami na agad costumer.
"Marie pwedeng pakilinis ng table 4? thank you" pakiusap ng kasamahan kong si Bea.
"Ok!" at agad ko ng nilinis ang table 4, mababait ang mga kasamahan ko sa trabaho kaya hindi ako nahihirapan makisama sa kanila, ng matapos na ko, may nakatayo sa gilid ko pag tingin ko si Sherwin pala.
Biglang bumilis ang tibok ng puso ko.
Shems ang gwapo n'ya talaga.
"Hi Marie!" bati ni Sherwin sabay tap nya sa balikat ko.
"Oh Sherwin na padaan ka?" patay malisyang tanong ko.
"Nag crave kasi ang girlfriend ko ng Frap and Cake kaya dinala ko s'ya dito, nasabi ko kasi sakanya na the best ang kape at cake nyo dito"
Dun ko lang napansin ang babaing kasama nya at napatingin ako sa mga kamay nila, mag kahawak kamay sila.
Ouch...
"Ah ehehe oo masarap talaga dito, oh sige maiwan ko muna kayo" paalam ko kay Sherwin at sa girlfriend nya'
Pag punta ko sa counter nakahinga ako ng maluwang, kanina kasi biglang sumikip ang dibdib ko, felling ko nawalan ako ng hangin at nahirapan huminga.
Ang sakit sa pakiramdam na makita ang lalaking mahal mo na may kasamang ibang babae.
Hindi na naman bago sakin na makita si Sherwin na may kasamang ibang babae kaya lang, di ko lang talaga maiwasan na masaktan at makaramdam ng matinding selos.
Idagdag pa ang pag ka-inggit, kasi bakit hanggang ngayon pagiging kaibigan lang ang turing nya sakin, ako na matagal na nyang nakakasama hindi man lang nagawang mapansin bilang isang babae na pwede nyang mahalin at maging girlfriend...
Maganda naman ako....
Sexy...
Lahat ng katangian ng isang babaeng magugustuhan ni Sherwin nasakin na.
Pero bakit ganun?
May kulang pa ba sakin?
Sabagay mahirap lang kami ang mga nagiging girlfriend ni Sherwin halos lahat may kaya' at mayaman.
"Hi Marie!" bumalik lang ako sa katinuan ng may bumati sakin at napalingon ako sa may counter, nakatalikod kasi ako pakunyaring inaayos ang mga lalagyan ng mga coffee beans.
"Oh Joey!" Masigla ko'ng bati sa isa ko pang bestfriend. "Tagal ka'ng di nag pakita sakin uh, anong pinag kakaabalahan mo?" nakalapit na ko sakanya.
"Busy lang sa school, nandito rin pala si Sherwin, na daan ko sya sa table nila ng girlfriend nya pinakilala nya sakin kanina, tindi talaga ng lalaking yun, iba na naman kasamang babae."
"Oo nga nakita ko rin sya kanina pa"
"Marie pakiserve naman sa table 4, thanks!" naputol lang ang kwentuhan namin ni Joey ng marinig ko ang utos ng barista namin na si Jacob.
Sa dami dami ba naman ng ipag se-serve na order bakit sa table 4 pa, sabagay trabaho ko toh eh, di dapat ako nag re-reklamo.
"Ok Jake!" pinasigla ko na lang yung boses ko para di halata na nawala ako sa mood. Jake nakasanayan ko itawag kay Jacob.
"Maiwan muna kita Joey! Order ka na tapos puntahan kita maya sa table mo" paalam ko kay Joey.
Nakalapit na ko sa table nila Sherwin, di ko maiwasan na di kabahan pag andyan sya sa paligid.
"Excuse me sir, maam. Here's your order" agad ko pinatong lahat ng inorder nila sa table.
"Thank you Marie!" sabi ni Sherwin at ngumiti sya sakin.
Ngumiti na lang ako, at umalis.
"Marie pa serve naman nito sa table 8" pag dating ko sa counter meron ulit kasunod na order.
"Ok, no problem Jake!" nakangiti ko'ng sagot.
"Thanks!" sabay kindat sakin.
Pag dating ko sa table 8, kay Joey pala order yun.
"Nanliligaw pa rin ba sayo yung barista nyo Marie?" bigla biglang tanong ni Joey, di ko pa nga nalalagay sa table nya order nya.
"Oo ang tyaga nga eh, kahit ilan beses ko na syang binasted sige pa rin ng sige" sagot ko habang pinapatong mga order nya, tama "mga" kasi good for two mga order nya tapos two frap pa.
Hmmmm may date kaya ang mokong na toh?
"Upo kana Marie" sabi nya na hindi man lang tumitingin sakin hawak nya cellphone nya at busy sa katext nya.
"Huh?" tanong ko.
"Sabi ko umupo ka na, kain na tayo" ngayon nakatingin na sya sakin.
"Hindi ko pa break time Joey, tsaka madami pang trabaho, baka mapagalitan ako" sagot ko sakanya.
"Pinag paalam na kita sa manager kaya umupo kana, ok?!" sabay tayo' nya at pinag hila nya ako ng chair.
Tumingin muna ako sa lugar kung nasaan naka pwesto Manager ng Coffee Shop.
Nag tama ang paningin namin at tumango at ngumiti sya sakin, ibig sabihin pinayagan nya ko.
Ano ba yan nakakahiya talaga itong si Joey, porke Tita nya may ari ng Coffee Shop na toh ang lakas ng loob.
Wala na rin ako nagawa kundi umupo, nagugutom na rin kasi ako, hindi ako masyadong nakakain ng dinner kasi nag mamadali ako pumasok.
"Ikaw talaga kahit kelan, porke favorite ka ng Tita mo ginagamit mo powers mo" natatawa ko'ng sabi kay Joey.
"Hahaha ano ka ba ang tagal ko rin di nag pakita sayo, namiss ko lang naman bestfriend ko, masama na bang maglambing?" natatawa pang sagot ni Joey.
"Oo na, oo na. Ikaw talaga, kung di lang talaga kita bestfriend. eehehehe"
"Ayan napatawa na rin kita, kanina kasi di maipinta yang mukha mo" napansin pala nya, sabagay kilalang kilala na talaga ako nitong si Joey, alam nya na nalungkot ako sa nakita ko kanina.
"Ano ka ba! pagod lang ako kaya ganun itsura ko kanina" pakunyari ko'ng sagot, alam ko naman na di maniniwala lalaking toh pero ewan ko ba bakit ko pa nasabi ang di kapani-paniwalang palusot na yun.
"Oo na nga lang" pailing iling na sagot ni Joey, sabay abot ng Frap sa harap ko.
At tahimik na kaming kumain ng mga inorder nya.
itutuloy...
![](https://img.wattpad.com/cover/25512412-288-k795441.jpg)
BINABASA MO ANG
Mahal ko? O Mahal ako?
Novela JuvenilSino ba ang pipiliin ni Marie? Ang lalaking matagal na n'yang mahal na hindi s'ya kayang mahalin O ang lalaking laging nandyan sa tabi nya na naghihintay na mahalin nya.