Chapter 6 (01-15-15)

50 4 0
                                    


[Joey's POV]

Masisisi nyo ba ko sa ginawa ko? Kayo kaya na makita ang babaeng mahal nyo na may kahalikang ibang lalaki, anong gagawin nyo? Kahit sabihin na bestfriend ko kahalikan nya, p*ta! muntik ko na nga maupakan si Sherwin eh, pero alam ko naman sa sarili ko na wala ako sa posisyon para magalit at manuntok.

"Joey!" Gulat na gulat si Marie.

"Ehehehe Wrong timing ba? Pasensya na, uwi na sana ako ng hindi ko kayo nakita sa loob, dun lang naka park yung kotse ko kaya sa hindi inaasahan na kita ko kayo, he-he-he" totoo naman na malapit lang dito ang pinag park ko ng kotse at talagang mapapadaan ka talaga dito papunta dun. Pero syempre palusot ko lang yun, ang totoo nyan talagang sinadya kong i-interrupt sila baka saan pa mapunta ang halikan na yun.

"Haaay buti na lang nakasunod ka samin pare..." Si Sherwin mukhang wala lang sakanya ang mga nangyari "tara na ulit sa loob Marie" sabay hawak nya sa kamay ni Marie. "Tara Joey!"

Bago sila makalampas sakin, biglang natigilan si Sherwin. Pag lingon ko...

Sheeeeet si Amanda pala....

Hindi ko namalayan na sumunod pala sya sakin, buh pasensya sya di ko naman sinadya na makita nya ang nakita ko... Sunod sunod sya eh... akala ko nasa loob lang sya.

Nagulat ako ng hindi man lang pinansin ni Sherwin si Amanda at parang wala syang nakita. Nilagpasan lang nila ni Marie na parang walang tao sa dinaraan nila. Nabunggo pa nga ng konti ni Sherwin sa balikat si Amanda at di man lang nag pa sorry ang walanghiya. Pero lumingon si Marie ng makalampas sila kay Amanda. Pero saglit lang yun dahil hila hila sya ni Sherwin.

Si Amanda parang na istatwa sa mga nakita nya kanina nakayuko sya at tulala. Kaya agad akong lumapit sakanya.

"Amanda, sumunod ka pala. Ang akala ko nasa loob ka" pag sisimula ko.

Tumingin sya sakin at ngumiti lang sya na parang walang nangyari "Ehehehe Ok lang yun, kasalanan ko naman ang lahat di ba?" at agad din nawala ang ngiti sa mga labi nya, nakita ko na nangingilid na ang mga luha sa mga mata nya kaya agad syang yumuko.

Hinawakan ang mag kabilang balikat nya para i-cheer up sya "Wala kang kasalanan, mas pinili mo lang kung ano ang makakabuti sayo. Darating din ang araw na mapapatawad ka nya at maiintindihan kung bakit mo nagawa ang lahat ng yun" tumingala sya at ngumiti sakin kahit na may mga luhang umaagos sa mga mata nya.

Si Amanda ang Ex-girlfriend ni Sherwin, actually first love and one true love sya ni Sherwin.

High school palang kami ng maging mag syota ang dalawang yun, ng mag graduate kami ng High school bigla na lang umalis si Amanda at pumunta ng ibang bansa. Bago sya umalis nakipag hiwalay sya kay Sherwin.

Hindi ko talaga alam ang reason ni Amanda kung bakit sya umalis at hiniwalayan nya si Sherwin ng ganun ganun lang... Kahit si Sherwin, wala syang kinikwento samin. Ayaw nyang pag usapan ang tungkol sakanila ni Amanda. Simula rin ng mag hiwalay sila naging babaero na si Sherwin.

Parang nag papalit lang sya ng brief kung mag palit ng babae. Halos araw-araw iba ang kasama nya at lahat ng mga babaeng yun nakukuha ni Sherwin... you know what i mean...

Pero malakas ang pakiramdam ko na kaya bumalik si Amanda para ayusin ang nasira nilang relasyon ni Sherwin.

Nakikita ko na mahal pa rin ni Amanda si Sherwin... pero si Sherwin?? yun ang hindi ko alam... at yun din ang aalamin ko.

[Marie's POV]

"Sherwin... wait di ba si Amanda yun?" habang hila hila nya ko papasok sa loob ng bar. Kahit naiilang ako ng konte dahil sa nangyari samin kanina nagawa ko pa rin itanong yun sakanya.

"Ewan, di ko kilala yung babaeng yun, kilala mo ba yun? Hindi kasi sya familiar sakin eh"
Kahit nakatalikod sya sakin bakas sa boses ni Sherwin ang pag kainis.

"Ah ok" tanging nasagot ko na lang.

Bakit nakaramdam ako ng hindi maganda sa pag balik ni Amanda?

Balak nya kayang balikan si Sherwin?

Matapos nyang iwan si Sherwin noon.... babalik sya dito ng ganun-ganon lang...

Pano na ko? Sa nangyari pa naman samin ni Sherwin kanina, parang nag karoon ako ng pag-asa na magugustuhan nya rin ako.

Pero ngayong nakita si Amanda parang nawala ang pag-asang naramdaman ko.

Ngayon, tanging takot at pangamba ang nasa dibdib ko... alam ko kasi hanggang ngayon, mahal na mahal pa rin ni Sherwin si Amanda...

itutuloy...

Mahal ko? O Mahal ako?Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon