Chapter 7

46 4 0
                                    


[Sherwin's POV]

P*ta! Hindi ako makatulog kahit antok na antok na ko at pagod galing shooting pero pag ipipikit ko ang mga mata ko mukha nya ang nakikita ko.

"Ayoko na!" Napasigaw ako sa sobrang inis at napaupo sabay gulo ng buhok ko.

Simula ng halikan ko si Marie, hindi na sya mawala sa isipan ko. Alam ko na mali ito pero naguguluhan din ako sa sarili ko.

Siguro dahil walang nangyari samin ni Marie kaya ko lang sya naiisip, nasanay kasi ako na pag nahalikan ko ang isang babae agad ko syang makukuha ng ganun kadali.

Tama baka yun lang ang dahilan...

Biglang nag beep ang phone ko na nakapatong sa side table.

Agad ko kinuha ang cellphone ko. Pag open ko, nag taka ako dahil galing sa unregistered number ang text...

Wala naman ibang nakakaalam ng number ko baliban sa mga Boss, relatives and close friend.

From;
+639198765432

Pwede ka ba makausap?

Hindi na ko nag reply at agad ng tinawagan ang nos. na nag text sakin.

Calling....

+639198765432

Nakakailang ring pa lang at agad sinagot ng kabilang line ang tawag ko.

"Hello? Sino toh?" Matigas na tanong ko.

"Sherwin..." natigilan ako ng mapag alaman ko kung sino ang kausap ko ngayon.

"Ano kaylangan mo? Wala na tayong dapat pag usapan. Dahil matagal ng tapos ang satin. Kaya pwede ba Amanda! Tigilan mo na ako!" I-e-end ko na sana ang call ng mag salita sya.

"Sherwin please.... bigyan mo ako ng chance na makapag explain sayo. Bahala ka na kung maniniwala ka sakin. After ko mag explain kahit wag mo na ko pansinin or kausapin. O kaya ibura mo na ako sa buhay mo. Please Sherwin... Nag mamakaawa ako, hayaan mo akong mag paliwanag" umiiyak sya sa kabilang linya.

Inaamin ko na nakaramdam ako ng pangungulila sakanya, at bigla ko na lang syang namiss.

Namiss ko ang kung anong meron samin noon.

Pero pag naaalala ko ang ginawa nya sakin dati. Napapalitan ng pag kamuhi at galit kay Amanda ang nararamdaman ko.

"Bahala na... i-te-text na lang kita kung handa na ko makinig sa mga kasinungalingan mo!" Hindi ko na hinintay ang sasabihin nya at agad ko na in-end ang call at in-off ang celphone ko.

"BWISIT!!!" bakit hanggang ngayon sya pa rin.... Ng makita ko sya sa bar kagabi gusto ko syang lapitan para yakapin pero kinontrol ko ang sarili ko.

At ngayon na narinig ko ang boses nya, bakit ayan nanaman ang puso ko na nag mamadali sa pag tibok...

Oo inaamin ko, hanggang ngayon sya pa rin ang Mahal ko.

Pero dapat gumawa ako ng paraan para iwasan na nya ako o kaya dapat gumawa ako ng paraan para makalimutan ko na sya.

Pano kaya kung ligawan ko si Marie?

Mukha namang type nya rin ako, kasi ng halikan ko sya kagabi hindi naman sya tumanggi at tinugon pa nya ang halik ko...

Napapangiti ako sa mga naiisip ko.

itutuloy...

AN;
Sorry sa mabagal na pag a-update sa Story na toh guys... Sana di kayo mag sawa sa pag hihintay. Thank you!😘

Naabot mo na ang dulo ng mga na-publish na parte.

⏰ Huling update: Feb 17, 2015 ⏰

Idagdag ang kuwentong ito sa iyong Library para ma-notify tungkol sa mga bagong parte!

Mahal ko? O Mahal ako?Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon