Prologue

80 3 2
                                    

I heard someone once say that fairytales could happen in real life. That somewhere in this universe, we have a Prince Charming.

Naniniwala ka ba, na sa tagal mong mabubuhay dito sa mundo, may ‘happily ever after’ palang maghihintay sayo?

Ang galing ko no? Nag sisimula na akong magkwento, hindi niyo pa nga pala ako kilala. (>.<)

Ako si Cady. Pronounced as Key-Dee. Cady Miles Pineda buong pangalan ko, 13 years old, at nasa first year high school palang. Aaminin ko, maliit ako. Yung tipong “petite” ba? Oo, yun yun. Mapayat, pero hindi naman masyadong pandak. Sabi nila, maganda daw ako. Natatawa lang ako kasi alam ko namang hindi totoo at hindi mangyayari yun. Yung buhok ko, dark brown sa ilaw at abot sa may shoulders ko. Light brown naman yung mga mata ko. Nagmana ako sa papa ko eh. =)))

Sa lahat ng mga katangian ko, ang pinakapaborito ko ay ang ngumiti. Hindi ko nga alam kung bakit eh. Kahit hindi maganda yung pakiramdam ko, optimistic parin, at palaging naka-smile. Ang weird ko no? Sabi nga ng mga kaibigan ko, hindi yun maganda eh. Hindi daw kasi dapat tinatago ang totoong nararamdaman, kasi alam daw nilang maiintindihan nila yun. Pero, ganun ako at hindi na ata yun magbabago.

Tulad ng lahat ng tao, may grupo o ‘circle’ of friends din ako, kung tawagin. Apat kaming mga babae. Una, si Tricia. Siya yung pinakatalented sa amin. Sobrang GC pa niyan! Marunong na nga mag gitara, piano at violin pa! Oh, san ka pa diba? Haha. Pangalawa, si Nikka. Siya yung pinakamaganda sa amin. Ang cute niya, tapos ang galing pa sa Math! Kung lalaki ako, sure ako magkakacrush ako sakanya. Nakaka-tibs eh. Joke! Best friend ko din yan! Last but not the least, si Maya. Siya yung pinakacute! Marunong siya kumanta (kahit sabi niya hindi daw) tapos ang galing niya sumulat at gumawa ng mga story. Gumawa nga siya ng kanta dati eh!

Eh, ako? Wag niyo na tanungin. Walang espesyal sakin. Di naman ako CNB; si Nikka yun. Di ako sobrang talino; si Tricia yun. Di rin ako composer; si Maya yun. So, ano ba ako? Sino nga ba ako?

Songs, tears, and happy ever after :)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon