Three months na akong high school at feel na feel na ng batch namin ang pagiging freshmen. Wow ha.
“Cady! Si Nikka?”
Nakayuko kasi ako sa armchair ko nun. Napatingin ako sa harap ko. Si Anthony lang pala eh. Classmate naming lalaki. Sobra siya sa pangaasar, pero mabait din naman. Haha. At least matino diba?
“Nasa… canteen ata? Bumaba sila ni Tricia eh. Sumasakit kasi ulo ko. Nagpabili ako ng tubig.” Nginitian ko siya, pero ang weak nung smile ko. Mygosh, ang sakit ng ulo ko. Sobra!! Parang yung mga veins ko, sasabog na eh.
“Ano ba kasing ginawa mo? Bakit sumakit ulo mo?” Naks naman! Concerned siya oh. Di yan palaging ganyan.
“Math kasi eh! Nakakalito.”
Kinamot niya yung ulo niya. “Ahh. Osige, mauuna na ako ah?”
Umalis na siya. Mauuna? May klase pa! Diba?
Napatingin ako sa watch ko. 4:30 PM. Kaya naman pala eh! Porket early dismissal, mangiiwan nalang?
Wala na ring tao sa classroom namin. Ano ba iyan. Ang dumi ng kwarto namin. Hindi naman kasi dapat palaging umaasa sa presidente para maging cleaner, diba?! Ay nako.
Yep, ako yung president ng class namin, tapos Secretary ng batch namin. Hehe. Ang active ko eh, no? Wala lang. Masaya kasi pag ganun!
Pagkatapos ko mag walis, kinuha ko yung bag ko at lumabas na ng classroom.
“Tabi, tabi, tabi!” May taong tumatakbo sa corridor. Maya-maya… Aray! Nahulog pa kaming dalawa sa sahig.
Tumayo ako, tapos napatingin sa tuhod ko. Ang laki ng pasa! Hayy, kaya ko to. Tiwala lang.
“’Di mo ba alam kung ano ibig sabihin ng tumabi ka? Ha?”
Ang sungit naman nung guy. Pasalamat siya, di siya pangit. Haha. Joke lang!
“Excuse me, hindi naman kasi dapat sumisigaw sa corridor. May nagkaklase pa diba?” Mas lalong sumakit yung ulo ko. Ano ba iyan. Si Kuya Takbo kasi eh.
“Sorry na,” sabi niya, sabay punas ng pawis niya, “may ipapasa pa kasi akong project eh. Deadline, 5 PM.”
“Eh, bakit ngayon ka pa tumatakbo? May 30 minutes ka pa ah!”
“Kaya nga. Pero may basketball try outs pa kami hanggang 7.”
“Ahh. Okay, okay. Sorry na napagalitan pa kita or something. Sumasakit lang kasi ulo ko eh. Goodluck sa try outs!” Bait ko, no? De, joke lang. Hahaha.
Tumango siya sakin. “Sige.” Sabay alis.
“Bye.” Bulong ko. Bumalik na naman yung sakit ng ulo ko. Hayyyy.
“Caaaady! Uyy! Hello? Earth to Ms. Pineda. Nandiyan ka pa ba?”
I shook my head. Napatingin ako kay Tricia at Nikka. Mukhang sobrang concerned.
“Oh? Ano meron?”
“Nakatulala ka, kanina pa! Nakainom ka na ba ng gamot mo?”
“Hindi pa…”
“Eto oh. Galing kay Maya. Umalis na siya eh. Pero pinabigay niya sakin. Para daw sayo.”
Kinuha ko yung gamot, tapos ininom ko na. Ang sweet ng mga friends ko no? Love ko yang mga yan eh!
“Thank you.”
Nginitian ko sila. Si Nikka, naglakad palayo. Nag-cr ata? Ewan ko.
Priiiiiiiiiiit! >O<
Nabigla ako. Napatalon tuloy ako. Ang sakit kasi sa tenga nung whistle ni Coach eh. Right now, nasa may quadrangle kami. Nakaupo, naghihintay.
“Sige, aalis na ako ah! Kitakits bukas! Bye, Cady! Pasabi kay Nikka, umalis na ako ah? Thank you!” Sabay takbo naman paalis si Tricia. Okay, so ako nalang ang naghihintay ng sundo? Pinanood ko nalang yung mga naglalaro ng basketball.
Si Nikka kasi, kasama sa cheerdance. May practice pa naman sila. So ayun. I’m all alooooone! Haha. :P
Yung mga basketball boys pala ng batch naming yung naglalaro. Actually, parang try outs eh. Ewan. Sinabi pa naman sakin ni—
Uyy! Si kuya Takbo! Nandun oh! Tumaas bigla yung kilay ko, tapos napangiti ako sa sarili ko. Nakakatawa kasi siya sa jersey niya! Parang di alam yung gagawin! Hay nako. Good luck, kuya Takbo! ^_^V
Di ko pa nga pala alam ang pangalan niya… Ehh, ano naman? Malalaman ko rin yan. Haha.