2. Intraaaaams! ^_^v

30 2 0
                                    

Since Secretary ako ng Batch, syempre busy ako dahil Intrams na! Lista ng players dito, lista ng players doon. Hay nako! Nakakapagod! After days of trying, nalaman ko na pangalan ni kuya Takbo. Daniel Rivas daw. Wew! Kapangalan pa yung celebrity crush kong si Daniel Padilla. Haha!

“10 minutes left.” Sabi ng teacher namin sa Math. Ughh, nagqquiz kasi kami eh. Ang hirap kaya!

Knock, knock.

Ano ba iyan. Napatingin ako sa doorway. Nakabukas naman. Sino ba iyon? Hayy. Si kuya Tak—este, si Daniel. Kung maitatanong niyo, friends ba kami? Medyo. Haha. Kasama namin siya sa banda eh. Di ko pa siya naririnig kumanta, pero sabi ni Tricia na magaling daw. Haha.

“Ma’am, may I excuse Cady Pineda? May batch officer meeting daw po kasi sila.”

Tumingin sa akin si Ma’am. “Miss Pineda, you may go right after you finish your test.”

Tapos, tinignan niya si Daniel. “Thank you, Mr. Rivas.”

Buti nalang! Kakatapos ko lang sa quiz eh. Hehe. Lumabas na ako ng room, tapos sinundan ko siya papuntang Conference Room.

“Ano daw papagusapan?”

Tumingin siya sa akin, tapos ngumiti. Mukha siyang mabait na ano. Haha. “Ewan ko. Dalian mo. Iniintay ka na nila Sandra.”

Si Sandra yung Batch President naming. Tumakbo na ako papunta sa Conference Room. Ang bilis ng takbo ng puso ko. Ano ba iyan. Ang cheesy tuloy. Ew.

“Oh, ba’t ka namumula?”

“Pinatakbo kasi ako nitong si Daniel.” Tapos nag ‘belat’ face ako. Haha!

“Ayiiie. Ano ‘to, ano ‘to?” Sabi naman nila. Ang lakas mantrip!

“Wag niyo nga ako asarin, kasi di ko siya crush at mas lalong di niya ako crush!”

Nagtinginan si Abby (vice president) at si Sandra (president). Ngumiti naman si Cholo (treasurer).

“Wala naman kaming sinasabing ganun ah. Ikaw ha! Mga iniisip mo!” Tawang tawa pa silang tatlo kasi magkakasabay sila. Hay nako.

“Pwede ba. Wag niyo na ako ganyanin. Baka kung ano pa mangyari sakin.” Nag ‘belat’ face nanaman ako. Hahaha! Ang priceless nung mga mukha nila. Parang mga taong nasisiraan na ng bait! =)))

“K.” Sabi ni Abby. Ang sungit! Joke lang. Mabait ‘yang si Abby eh. Haha. Nadala lang siguro sa pang-aasar.

“Sino nagsabi sayong wala siyang crush sayo?” Hirit naman ni Jason (auditor). Ano ba yan! Akala ko closed na yung topic eh! Grr.

“Wala lang. Feel ko hindi. Yun yun. Change topic, please.”

“Sige na, sige na! Awat na. Oh, intrams… Kailangan na natin ng batch yell, chu chu. Who’s up for it?” Sabi naman ni Sandra. Thank you, girl! You saved my life out there. Hahaha. Joke. Ang drama eh, no.

Ganun na yung meeting namin. Ang dami ng pinagusapan. Hayy. Goodluck sa amin no?

“Freshmen go!”

Ang korny ng cheer. Pero sige. Go lang ng go! Haha. Basketball game na ng 1st and 4th years. Galing kasi ng batch naming eh. Natalo 2nd year. Wooo!

Ang lakas ng cheer namin! Sumasali din nga yung mga 3rd year eh. Sila yung friendly batch na kakampi ng batch namin. So far, wala namang batch war… which is good!

Okay. Okay. Paos na ako. Tubiiiiiiiiiig! Aww. Di pala pwede malamig. Aish. Anyway, ayun. Cheer parin ako ng cheer. Dumating na sa point na si Daniel yung may hawak nung bola. Napalakas nanaman cheer ko. Ewan. Nanonotice ko siya these day eh. Ayy, konyo? Haha.

Napatingin naman siya sakin. Hala! Sakin ba? Feeler ako, oo. Feeler! Feeler! Ngumiti siya.

Para sayo ‘to.

Weh?! Minouth ba talaga niya yun? Aiiiish! Ang pula ko na. Kaasar. Ano ba itong lalaking ‘to.

Three seconds nalang daw.

Three.

Binato na niya yung bola.

Two.

Tumalbog sa board nung ring.

One.

Na-shoot. WOAAAAAAAAAHHHH. *o*

Tapos para sakin daw yun! Hala. Ang pula ko na, ang init pa ng mukha ko. Kaasaaaaaaaaaaar. =P

Natalo batch namin sa game, pero okay lang. Close fight, close fight! 23 – 78! HAHAHAHA. Malamang, kami yung 23 diba? Close fight talaga! Hehehe.

Nag cheer yung mga 4th year, tapos yung mga freshmen, nakipag-shake hands pa sa kanila. Bait talaga! Hehe.

After 1 hour…

May kumalabit sakin. Eh nakatunganga lang ako dun. Napaikot ako.

Si Daniel.

Ano baaaaaa. >////< Naaalala ko nanaman yung kanina. Sana feeler lang ako. Sana feeler lang ako.

“Nakita mo ba shoot ko kanina?”

“Sino bang hindi?”

“Ayy. Para sayo pa naman yun. Joke!”

“WEHHH. Ano nga pala yung sinabi mo sakin kanina? Minouth mo ehhh.”

“Ahh. Yun?” Napakamot siya ng ulo. “Sabi ko, ‘Kaya ko ba ‘to?’

Ahem. Feeler lang talaga ako! HAHAHA. K.

“Ahhhh.”

“Ano? Nakaya ko diba? Iniisip ko kasi ikaw nun eh.”

Ako: O_O??

Daniel: ^_________^V

Ako: -____________-“

“Joke lang! Bilis nito maasar.”

“K.”

“Tsss.”

“Ahas ka, ahas?”

“Sino ba nagsabi?”

“Wala, wala. Geh, uwi na ako. Babush!”

Tumakbo na ako papalayo. Nakangiti pa pala ako pagkadating ko sa kotse.

Songs, tears, and happy ever after :)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon