Ilang araw na ang nakakalipas? Siguro mga dalawang linggo. Pasko na bukas! Ito kami ngayon. Magsisimbang gabi :)
Pagpasok namin sa simbahan, may nakita ako. >//////<
Lord, Christmas gift mo po ba na masulyap ko siya sa kaarawan niyo? Kung oo, masayang masaya na po ako!
Joke lang. ^_^V Hehe. Syempre, Papa God loves me. =))
Pagkatapos naming magsimba, umuwi na kami agad. Ayan na! Bukasan na ng mga regalo! Ang dami kong natanggap! Pera, damit, pagkain, damit, pera, pagkain, pagkain, pagkain. Nakalimutan ko ba yung pagkain? Love ko kasi eh! HAHA!
As of now, iisa nalang ang gift na hindi ko pa nabubuksan. Yung bigay ni Daniel. :) Hehe. Kinuha ko galing sa ilalim ng Christmas tree. Ang nipis at pa-square siya. Hmmmm. :D
Tinanggal ko na yung ribbon, tapos pinunit ko na yung wrapper. Ang saya saya ko na eh. Okay na sana ako eh. Pero…
Okay, Pineda. Calm down. >_<
BAKIT NIYA AKO BIBIGYAN NG JUSTIN BIEBER NA CD? -.-
Di ko naman siya hate. Pero, yun. Di ko type music niya eh. I’m not into pop. Haha. Country and classical ako! With a bit of rock. :D Hehe.
Uy, may card pala.
Baby Char!
Merry Christmas. I love you. :*
-kuya “Pogi” Daniel
Uhmm. Okay. Ouch? Nagkamali na nga lang ng pagbigay, masasaktan pa ako. May mahal na pala siya. Okay. Okay. Okay. Sabi ko na eh.
Since last gift ko na yun, umakyat na ako sa kwarto ko at nagbihis. 10PM na >_< Pero hindi pa ako matutulog no! Grabe. Haha. Ang aga pa! Pasko eh. :3
Pagkatapos ko magbihis, nag-check ako ng phone ko. Wow ah. 9 new messages.
From: Tricia Angelika Lopez
Caaaaddyyyyyyyy. Wala lang! Hi. ^_^V Merry merry Christmas, my lab. Haha. Miss ko na kayo nila Nikka at Maya! Love you, Miles. :> Kitakits sa January 7!
Natuwa naman ako dun. Cute ni Tricia eh.
From: Margaux Alyanna Silva
Cady Miles Pineda! Malapit na mag 12! Christmas na~ Hehe. May ginawa ako na poem for you! Bigay ko this January 7 ha? Love you! Merry Christmas! – Maya
Oo, yan ang full name ni Maya.
From Nikka Joana Agustin
Huy! Merry Christmas! Gift ko? Dapat dalawa! Joke. Haha. Ang cute nung bracelet. :’) See you! :**
Mga best friends ko talaga. Ang kukulit!
From: David Anthony Corpuz
Merry Christmas, Pandak! Hehe. :P
Mean talaga. :P Arg. Puro ganun din yung iba. Yung pinaka recent na nakuha ko ay galing kay…. Daniel?!
From: Daniel Rivas
Uhh, Cady? Sorry talaga. >.< Nagkamali ako ng bigay ng gift! Nakakahiya sayo. Hehe. Mahalaga kasi yung bibigyan ko niyang CD eh. Pwede pakibalik sa Jan. 7? Salamat!!
Oww. Yan na naman. Sino kaya yun? Kuya “Pogi” pa talaga. Arg. Makatulog na nga. T_T
Merry Christmas… Daniel. :(