I Can't Say Goodbye To You (2)

195 6 0
                                    

"I can't say goodbye to you"

Chapter: 2

Marami nang tao sa autograph booth ni Jeff,  panay ang pirma sa mga pictures na mapipili at panay din pictures dito...
Nakakaupo lang siya kapag talagang  naubos na ang pila, ngunit maya maya ay mag uumpisa na muli dumagsa ang tao...

"Grabe....  Excited  na ako! " bulong ni Jane,  habang kabado siyang nakapila...  Sobra talaga pasalamat niya dahil ang kuya Mike niya ang tumulong para madali siyang makapasok sa Autograph section ni Jeffrey Combs,  kilala ito at sikat sa mga Horror movies.. At gustong-gusto niya ito sa Series na 4400, ang totoo pinag ipunan niya para makabili nang CD nun,  at sobrang swerte niya nang makita sa twitter na meron itong Autograph booth...

Napapatingin siya sa kinaroroonan nito,  busy ito habang nagpipirma sa mga picture na napipili nang mga fans.... Napatitig siya nang husto dito,  akala niya sa panaginip lang ito makikita pero ngayon hindi na dahil makakamayan na din niya ang kanyang #1 na idol....

"Next! " tila tawag nang gwardya,  pero tulala pa din si Jane at halos nasa imagination pa rin niya si Jeff...

"Miss next ka na! " sabay tulak nang babaeng nasa likod niya,  halos masubsub naman siya sa lamesa ni Jeffrey Combs na ikinagulat nito...

Nahihiyang napatingin siya dito...

"Tanga kasi,  kanina pa tinatawag parang inosente... " narinig niya sinabi nang babae sa kanyang likod...

Tumayo si Jeff at nilahad ang kamay niya,
"Jeffrey Combs...  And you are? " halos ayaw niya ikurap ang mata,  pero tinanggap na din niya ang palad nito...

"Jane...  Mary Jane Gomez... " sagot niya,  napangiti si Jeff at muling umupo,

"So...  Anung picture ang gusto mong pa pirmahan? " pinapapili na siya nito, 

ngunit hindi siya pumili at nilabas niya ang scrapbook... Binuklat niya yun at pinakita ang kanyang drawing,  nakita ni Jeff yun at napangiti siya dahil kuhang-kuha nito ang kanyang mukha...

"You want me to sign this? "

"Opo...  Mr. Combs... "

sinimulan na pirmahan ni Jeff yun,  nilagay niya ang pangalan nito at sinamahan nang  "Cat Dead, Details Later"  at isa pa muling pirma...
"Picture? " tanong nito nang matapos pirmahan, 

nahihiyang umiling siya dahil wala naman siyang cellphone na maganda...
"Okay na po ito Mr. Combs... " sabi na lamang niya,

napabuntong hininga si Jeff at tinawag ang photographer na naroroon...
"Paki picturan mo kaming dalawa,  at pakibigay na lang sa kanya nang libre... " bulong niya,  tumayo muli ito at lumapit sa kanya.  Nagulat pa siya nang humawak ito sa kanyang beywang...
"Tingin ka sa kanya...  And smile... " bulong nito, tumingin nga siya at nag smile.  Isa pa muling Click...

"Salamat po Mr. Combs! " at muling nakipag kamay sa kanya....

"Anytime,  thank you din! " sagot nito at muling naupo,

  hindi pa siya agad nakaalis sa pwesto kaya binangga naman siya nang babaeng kanina ay tumulak din sa kanya...
"Grabe excited ka ate! " sa isip lang niya, lumayo na siya nang kaunti dito at hinihintay na lang ang litrato na ibigay sa kanya nang photographer...

Nakatanaw pa din siya dito,  pansin niyang sobra nitong bait at smooth makipag usap sa mga fans...  Nakakatuwa at sayang wala lang man siyang cellphone na maayos para mapicturan pa ito...

"Hi miss! " lumingon siya,  at kilala niya ang lalaking bumati sa kanya...

"Mr. Casey Biggs? " napangiti siya at kinamayan ito...

I Can't Say Goodbye To You (COMPLETED)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon